Bwiders, na-add ko na yung karamihan sa inyo. Pero yung iba na sa tingin ko ay kulang sampu, hindi ko ma-add kasi ayaw. Kilala niyo na kung sino kayo kasi alam niyo naman ng hindi kayo kasali. Kaya mag-comment nalang dito yung mga wala pa sa gc.
Chapter 82: The beginning
Maximina's POV
Ramdam na ramdam ko na ang aking pagkatuwa sa mga nangyayari ngayon. Dahil pakiramdam ko ay ngayon palang, magtatagumpay na kami dahil sa mga batang ire.
'Nakakatuwang isipin na maraming taong nakasalamuha si Nazi kahit sa kabila ng nangyari...'
"Max, okay ka lang?" nakangiting tumango naman ako sa tanong ni Anselmo dahil nakatingin lamang ako sa mga batang nagyayakapan na tuwang tuwa.
"Nagpaplano na ang apo nating si Josh... Masasabi kong, napakagaling niya." napatango naman ako.
"Sinabi mo pa, Sel..." sabi ko.
Pero napabuntong hininga na lamang ako ng maalala na naman ang bangungot na nakaraan.
Flashback: 9 years ago... (2009)
Ngayon ang kaarawan ng aking apo na si Nazi. Ika-20 ng abril at siya ngayon ay 7 taong gulang na. Hindi na ako sumama pa sa kanila dahil ayokong maging sagabal sa kasiyahan ng pamilya nila.
Ang gusto ko ay makita silang masaya lalo na ang anak kong si Zian. Itinuring ko na ring anak ang asawa niya na si Anna dahil sa kabutihang ipinapakita nito.
Walang wala na siya sa buhay at tanging si Zian at Nazi na lamang ang mayroon sa kaniya. Matagal na raw siyang ulila kung kaya't ng magustuhan siya ng anak kong si Zian ay agad na itong dinala sa Mansion.
Pero ng mawala ang apo kong si Josh nung 3 taong gulang pa lamang siya ay naisipan na ni Zian na magpakalayo layo at napadpad nga kami dito sa Laguna. Dahil ang Mansion ay nasa Manila.
*phone ringing*
Kunot noong napadako ang tingin ko sa cellphone ko na nasa mesa dahil ako ay nanonood ngayon ng t.v.. Kinuha ko naman na iyon at nakitang si Zian iyon kaya napangiti ako.
"Oh Zian? How's the trip?" nakangiting sagot ko pero kumunot na naman muli ang noo ko ng marinig kong nagbuntong hininga ito.
(P-pwede ho bang tagalog?) sagot nito na mas lalong ikinasalubong ng dalawang kilay ko dahil boses babae ito.
"Sino ito?"
(Ayy... Akala ko ho kasi hindi kayo marunong magtagalog. M-may aksi---)
"Sabi ko sino 'to?!" inis na tanong ko dahil kinakabahan na ako.
(I-ikaw ho ba ang ina ng lalaking nagngangalang Zian Eisenhowe---)
"What happened to him!?"
(T-tagalog po---)
"Anong nangyari sa kaniya!?"
(N-naaksidente ho---)
"Mwo?! Eodi?! Eodisseo?!" mabilid na sagot ko.
(H-hindi ko ho kayo maintindihan...)
"Saan! Sabihin mo kung saan!"
(Dito po sa tapat ng Harley's Shop sa may Sinoloan, Laguna.)
"J-jusko..."
(M-may bata hong babae dito na nawalan ng malay at sinasakay na ho sila ngayon sa ambulansya papunta sa ospital.)
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Novela JuvenilA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...