Chapter 11: Hug Scene

34.6K 793 21
                                    

Chapter 11: Hug scene

Nazi's POV

"🎶Sumakay ako sa jeepney..🎶 Ikaw ang nakatabi..🎶 Di makapaniwal--🎶"

Natigilan nalang ako sa pagkanta habang ako'y naglalakad papunta sa room ko ng may marinig akong biglang pumalakpak. Napalinga linga ako kung sino ba iyon at pagtalikod ko--

"Ayy, kalabaw!" Napahawak ako sa dibdib ko ng may makita akong angry bird. Hays! Balak ko sanang hindi magpakita dito eh! Pero kay aga aga tinabihan na ko agad ni kamalasan!

"Dati angry bird. Tapos ngayon, kalabaw? What the heck? Ano pa gusto mong itatawag sakin, ha? Stealer?" Sabi nito habang palapit ng palapit sa akin. Ako naman ay umaatras habang tinatanggal ang earphone sa tenga ko.

"B-bakit ba?! Ano na namang kailangan mo? Diba tapos na kaso ko--" naputol ang sinasabi ko ng ilapat nya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Ssshh... Matatapos lang ang kaso mo pag nagawa mo na ang kundisyon ko," malapit ang mukha niya sa akin habang ako naman ay malalaki ang mga mata na tinitignan siya.

'A-ano bang balak niya?!'

"A-ano na naman yan?! Siguraduhin mong last na yan ha!" Pahagis kong tinanggal ang hintuturo niya sa mukha ko.

"Yes," nakangising sabi nito pero lumungkot din ang mukha ng makangisi siya.

"Oh bakit?" Takang tanong ko.

"By the way, gusto ko munang sabihin na... A-ahmm.."

"Oo alam ko na, na gangster ka. Diba sinabi mo na?"

"Hindi kasi 'yon!" Napasigaw siya.

"Oh eh... Ano?"

"I want to say sorry," nagulat ako sa deretsahang sabi niya.

'Isang gangster nagsosorry... Sa akin? Wow ha? As in wow!'

"We?"

Kinunutan niya lamang ako ng noo sa inis.

"Hindi ko na uulitin 'yon--"

"Ayoko! Hindi ko tatanggapin ang sorry mo! Masyado mo akong pinahirapan na angry bird ka--" naputol na naman ang sinasabi ko sa ginawa niya. Laking gulat ko ng bigla niya akong hatakin at niyakap. Napalunok ako habang ang mga kamay ko ay nasa baba. Ang higpit nang yakap niya na akala mo...

"Please... Do my condition and we're done," bulong na sabi nito. Ramdam ko sa boses niya ang lungkot.

'May nangyari bang hindi maganda sa angry bird na 'to?'

"B-bat k-ka... N-nakayap sa a-akin?" Utal na sabi ko habang nakayakap parin siya sa akin.

"Hindi ako aalis sa pagyakap sayo hangga't hindi ka pumapayag, stealer," malungkot parin ang boses niya.

"A-ano ba yon?! Sabihin mo na kase! May klase pa ak--"

"Can you be my girlfriend?"

Natigilan ako sa sinabi niya at maging ang paghinga ko ay napigilan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

What the sheems! Ano daw?! Maging girlfriend niya?! Eh hindi pa nga siya nanliligaw e.

"Please?" Lalong humigpit ang yakap niya na mas lalong ikinapigil ng hininga ko.

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si angry bird. Baka pinagtitripan niya lang ako. Pero seryoso ba talaga sya?

"Ano namang kalokohan yan angry bird? Ako? Magiging girlfriend mo? Asa ka! Bitawan mo na nga ako!" Pagpupumiglas ko sa yakap niya. Pero hindi siya bumibitaw.

"Hindi naman totoo. Gawin mo lang na kunwari girlfriend kita dahil may gagawin ako. Pwede ba 'yun, stealer?" Sabi niya na nakayakap parin sa akin.

"Ano?! Ano bang pinagsasasabi mo?! Hindi ako basta basta nakukuha ng mga lalaki dahil mataas ang pride ko! Sa dinami dami ng nanliligaw sa akin wala pa akong sinagot dahil nga mataas ang pride ko. Tapos ikaw gagawin mo lang akong laruan? No way! Bitaw!" Nagpumiglas ako pero hindi parin siya bumibitaw.

"Can you please lower your voice? Nakayakap ako sayo kaya nabibingi ako!"

"Eh kung binibitawan mo na kaya ako 'no? Sino ba kasing may sabi sayo na yakapin mo ko basta basta? Saka walang magagawa yang payakap yakap effect mo dahil mataas nga ang pride ko. Hindi ako pumapayag!" Pagsigaw ko pero hindi naman ako galit.

"Please... Stealer.." habang tumatagal siya sa pagyakap sakin ay mas hinihigpitan niya ito.

"B-bitawan mo nako dahil h-hindi ako makahinga!"

Niluwagan niya ang pagyakap sa akin pero nanatili itong nakayap.

'Baket ba ayaw mong bumitaw angry bird?!'

"S-sorry.. But please... Accept my condition."

"Ayoko sabi eh! Ang tigas ng ulo mong angry bird ka 'no?! Bitaw na!" Nagpumiglas ulit ako pero ayaw niya talagang bumitaw.

"Stealer.. Please.. I will do anything for you, just accept first my condition."

"Bitawan mo na sabi ako eh! Bitaw n---!"

"Dwight! F*ck!" Rinig kong mura ni Dave at nanakbo palapit sa amin.

Hiniklat niya si angry bird kaya bumitaw ito. Nakahinga ako ng maluwag sa ginawa ni Dave at nahuli ko ang mga matang titig sa akin ni angry bird na nanlulumo at seryoso na malungkot. Ayoko nga sabing pumayag e!

"D*mn it, Dwight! Anong nangyayari sayo?! Diba si Ella ang mahal mo?!" Sigaw na tanong ni Dave. Naiintindihan ko siya. Kaibigan niya si Dwight at alam kong nag aalala lang ito para kay angry bird. Ano bang nangyayari sa uwak na yan?

"Wala na... Wala na.." malungkot na sabi ni Angry bird na nakatungo at saka biglang umalis. Naiwan kaming dalawa ni Dave.

"A-anong nangyari ba dun?" Takang tanong ko.

"I dont know. Kanina ko pa sya hinahanap sa room namin pero wala sya at dito ko lang pala mahahanap na nakayakap pa sayo," bumaling ang paningin niya sa iba sa huli nyang sinabi.

"Nagulat na nga lang din ako. Bigla bigla ba namang nangyayakap?"

"Pagpasensyahan mo na si Dwight ha. Hindi ko lang talaga alam kung anong nangyari dun. Napa-praning lang talaga 'yon. May sinabi ba sya sayo nung niyakap ka nya?" Tanong niya.

"Ah... Oo e... Nagulat ako ng sabihin niyang 'Can you be my girlfriend?' kaya ayun. Talagang gutlang gutla ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote non at sinabi yon. Pati ang alam ko may nililigawan siya sa kabilang campus. Tss. Nababaliw na ang uwak na yon. Tsk!"

"Ano?!" Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat.

"Bakit nya sinabi yon?! May bukod pa ba? May sinabi pa ba sya sayong iba? Please, Nazi.. Say it. He's our friend... Pero madalang siyang magsabi sa amin ng saloobin niya," kita ko ang seryoso niyang tingin. Talagang nag-aalala siya. That's a real friend.

'Sweet!'

"A-ah... A-ano kasi... Sabi niya kailangan ko daw gawin yon dahil may gagawin daw siya. Hindi niya sinabi kung ano. Kaya hindi ako pumayag kasi mataas talaga ang pride ko pagdating sa mga love love na yan. Nako! Hinding hindi talaga ako papayag at gagawin niya pa akong laruan. Tsk!"

Kumunot ng kaunti ang noo niya sapat para makita ko. Bumitaw na sya sa balikat ko at napatungo. Saglit syang napaisip na hindi ko alam kung ano.

"Sige sige. Salamat, Nazi," niyakap niya ako na ikinabigla ko. Bumitaw na sya.

"Salamat sa impormasyong ibinigay mo," ngumiti ito ng bahagya at saka umalis.

Naiwan akong tulala. Yakapan days ba ngayon? Gosh.

Mga gangster sila pero parang hindi. Lalo na yung uwak na yun! Tss.

Pero ano ba talagang nangyayari kay angry bird? May kung anong nagtutulak sa akin para alamin kung ano bang meron sa uwak na yon.

Dumiretso nako sa room ko.

'Mag-aaral na muna ako...'

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon