Chapter 99: At the rooftop

13.6K 338 59
                                    

Chapter 99: At the rooftop

Nazi's POV

'Shems. Hindi pwede! Hindi pwede 'to! Siya ba 'yun? Siya ba yung nakita ko kanina sa simbahan?!'

Kaming lahat ay napatakbo papunta sa isang kwarto dito sa hospital maliban kina Thea at Dave. Dahil hindi pa pwedeng makaalis don si Dave hangga't hindi pa siya masyadong magaling.

"Ako nalang ang papasok." seryosong sambit ni Angry bird sa amin. Wala naman akong naging sagot o kahit manlang reaksyon dahil kanina pa binabagabag ang isipan ko.

'Hindi pwede 'to... Please...'

"Nazi..." marahan akong dinanggi ni Nash na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"O-oh?" napapapikit pang tugon ko.

"Anong nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala." nakakunot noong tanong niya.

Mabilis naman akong umiling at sinabing, "Wala... W-wag mo akong isipin."

"Sasama ako, Dwight." seryosong usap naman ni Kuya.

"Ako din. Tayong tatlo para patas. P*ta! Ano? Iiwan niyo ko?" gusto ko sanang tawanan si Lance sa reaksyon niya pero hindi ko nagawa dahil masyadong malakas ang tensyon ngayon sa buong paligid.

Nandito na kasi kami sa may kanto ng hospital kung saan ilang hakbang nalang, nandoon na kami sa private room.

Masyadong seryoso ang mga kaklase kong lalaki at maging sina Cloe at Kate din ay gayundin. Ngayon lamang nangyari ang eksenang ito na hindi ko malaman kung paano ba mawawakasan.

"Stealer..." agad naman akong napatingin sa tumawag saking iyon. Ngayon ko lang rin napansin na nakatingin na pala silang lahat sa akin.

"Anong nangyayari sayo?" tanong niya.

"H-ha? B-bakit?" takang tanong ko. Patingin tingin pa ako sa kanila at hindi ko talaga malaman kung bakit sila nakatingin sa akin at seryosong seryoso ang mga mukha nila.

"Namumutla ka... Ayos ka lang ba?"

"A-ah... A-ah o-oo naman. Bakit ba?"

"May nangyari ba---"

"Tingnan niyo na siya sa loob, please? Nagtatagal lang tayo dito." seryosong usap ko. Sandali naman siyang napatitig sa akin ng nakakunot ang noo at saka tumango't tumalikod na sa akin.

Naglakad na siya papunta doon sa kwarto habang si kuya naman ay nilapitan ako.

"Alam kong nakita mo siya kanina sa simbahan." nang dahil doon sa sinabi ni kuya, mas lalo akong nawalan ng ekspresyon sa mukha. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil pakiramdam ko, parang natutop bigla ang dila ko.

'N-nakita rin ni Kuya si... Zierre?'

*tut!*

Mabilis akong natauhan ng biglang mag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Agad ko iyong kinuha at nakita kong nandoon na pala silang lahat malapit sa kwarto ni Zierre habang ako ay naiwan mag-isa dito---

"Ang tagal neto! Dalian moooo!" gulat na napatingin ako kay Nash ng bigla niya akong sigawan mula sa likod kaya agad akong napatalikod at nakitang sinasabi niyang sumunod ako sa kaniya.

"T-teka!" mabilis akong nanakbo papunta sa kaniya pero siya ay nanakbo na ulit kaya kailangan ko siyang masundan agad.

'Anong ginagawa ni Nash?!'

"Nash! Sandali! Hintayin mo ko!" sigaw ko.

Akala ko ay sasakay siya ng elevator pero hindi dahil nakita ko siyang naghagdan. Saglit ko namang sinilip ang taas ng elevator at nakitang may nakasakay pa pala doon at mamaya pa ang labas.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon