Chapter 21: Mad

27.3K 687 5
                                    

Chapter 21: Mad

Nazi's POV

"K-kuya?" Wala sa sarili at kunot noo kong tanong.

Kaano-ano ko daw ang mga kuya niya? What the shems! It means na isa kina Angry bird ang kuya niya? Shocks.

"Yes-- ah!" Agad ko siyang nilapitan ng hawakan niya ulit ang pisngi niya at muntik ng mapaluhod ng maalalayan ko kaagad.

"Ayos ka lang?!" Alalang tanong ko.

"A-ang sakit kasi nung sampal mo... at magkabila pa," hindi makatinging sambit nito.

"A-ah... h-hehe! Ikaw kasi e. Sinampal mo ko, hindi naman kita inaano," nakatungo kong sabi ng mabitawan ko na siya.

"Sorry nga pala dahil ginawa ko 'yon. Hindi ko na uulitin, promise!" Itinaas nya pa ang kamay niya sign of promise.

Napangiti ako, "Talaga?" Tumango ito.

"Ano nga pala yung punishment mo sakin? At bakit?" Takang tanong ko.

"Ah 'yun ba? Ahmm.. forget about it and don't worry. May rules kasi sa BSU at mukhang hindi mo nga alam kasi nga transferee ka. Walang miski isa ang lumalapit sa kuya ko kasi once na lumapit ka may punishment ka. At iyon ay pahirapan ang isang tao. Naging aware na silang lahat no'n matapos sabihin iyon makalipas ang tatlong taon," mahabang pagpapaliwanag nito.

"Mabait ka naman pala.. pero kanina ang tingin ko ang sama sama mo," sambit ko.

Kumamot ito sa ulo at tumawa na hindi totally tawa. Labas ngipin siyang ngumiti, "'Cause I'm the queen, Nazi. Kailangang hindi ako maging malapit sa mga estudyanteng nag-aaral dito dahil kung magiging mabait ako... aabusuhin nila ako at wala ng magagawa ang queen na katulad ko sa mga gano'n. Isa lang ako at marami sila. Pero kaya silang patalsikin ng paaralang ito once I report it to my kuya," mahaba ulit nitong pagpapaliwanag.

Teka.. sino nga bang kuya niya?

"Kanina ka pa kuya ng kuya pero ayaw mo namang sabihin kung sino 'yun," nakanguso kong sabi. Tumawa naman siya.

"Hahahaha! Hindi mo pa ba alam? Hahahaha! Ang kuyang tinutukoy ko ay si Dwight Bordeaux! Hahahaha!" Pagtatawa nito.

Agad akong nagulat ng marinig ko ang pangalan ni Angry bird. Sheems! Si angry bird ba talaga ang kuya niya?! Kaya pala sabi ko parang pamilyar yung mukha niya. Haha!

"K-kuya mo pala siya.." patango tangong sabi ko.

"By the way, I'm Coline Nicole Bordeaux. Mataray ako pagdating dito pero kapag naman naging close na ako kunwari sayo.. medyo may pagkaloka loka rin ako. Hehe!" Kumamot uli ito sa kaniyang ulo. Natawa naman ako sa inasal nito.

"And I'm Nazi Eisenhower. Nice meeting you kahit may pagkakaroon ng hindi magandang eksena. Hehe!" Kumamot din ako sa ulo.

"Pwede tayong mag-usap. At pwedeng pwede rin tayong maging magkaibigan. Ang kaso.." pabitin nito.

"Ano?"

"Wag na wag nating ipapakita sa mga estudyante na may ka-close na ako. Baka kasi kumalat. Mahirap na. Baka ako naman ang bully-hin nila haha! Ako kasi marami rami na akong nasasaktan. Pero nakokonsensya rin ako minsan kaya yung iba ay pinapadalhan ko ng tubig at pagkain pero ang hindi nila alam, ako ang nagbibigay no'n. Sa isip nila masama ako pero ayos lang 'yon para hindi ako mabully.." sambit nito na ikinatulala ko.

"A white lies. Wow! Hanga ako sa tapang mo, Queen. Hindi ko inexpect na may ganoon ka palang ugali. Akala ko kasi talaga sobrang sama mo.."

"Sayo ko lang naman ipinakita na hindi ako totally masama.. tingin kasi nilang lahat sa akin ay masama talaga. Oo at wala ng nakakaaalam pa bukod sa iyo. Ikaw lang kaya ang taong lumaban sa akin. Infairness din sayo ha? Marunong kang lumaban. Good!" Ngumiti ito na pumalakpak pa.

"Haha! Don't me, Queen. I'm an expert with that situation!"

"HAHAHAHA!" Sabay kaming tumawa.

"Nazi! Nicole!" Napatingin kami sa tumawag sa aming pangalan.

Laking gulat ko nalang na yakapin niya si Coline na may sobrang pag-aalala. Ouch.. Bakit ako hindi? Char.

Napanguso ako.

"How could you slapped her?!"

Pero agad nalamg din akong nagulat nang bigla niya akong sigawan kung kaya't napaatras ako. Kita ko ang pamumuo ng galit niya.

W-wala akong kasalanan...

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon