Chapter 42: Everyone Is Finding Her
Josh's POV
"Mag-ingat!" pahabol ko bago tuluyan kaming naghiwa-hiwalay para malibot ang kuta ng pesteng Zierre na 'to.
Sa akin napunta ang pangatlong grupo kaya kakaunti kami. Bilang na bilang kami at nasa pito lang. Great!
Na-locate ni Troy ang kuta ni Zierre na dapat hindi namin balak puntahan pero no choice. Baka nandito pero hindi naman daw na-locate ni Troy ang current place ni Nazi dito. Mahirap na baka nandito pa rin.
Mag-isa lang ako at tig-dadalawa ang tatlo.
"Anong balak natin?" agad akong napatigil sa paghakbang ng may marinig akong isang boses.
Nasa labas kami at lumibot sa isang abandonadong bahay pero kung masisilip mo sa loob, maayos ayos pa at pwedeng pagtambayan kagaya ng ginagawa ngayon ng mga grupo ni Zierre.
"Kung pwede lang sumuway gagawin ko na..." kumunot ang noo ko sa narinig kong sambit ni Zierre.
Wtf? Siya ang boss pero anong sinasabi niya?
"Pa'no na 'yan?" sambit ng isang lalaki na sa tingin ko ay kaibigan ni Zierre base sa pagsasalita nito.
Sinilip ko sila gamit ang pagtingkayad ko ng dahan dahan. Padapit na ang hapon kaya nagsisimula ng magdilim.
Nakita ko si Zierre mula sa kapranggot na butas na nasilipan ko. Humihithit ito ng sigarilyo habang nakaupo sa sofa.
"Don't ask me when I am thinking." hindi na sumagot pa yung kaibigan nito.
"Naunahan tayo, p*t*ng*na!" mura pa ni Zierre.
I'm clueless! F*ck! Anong pinagsasasabi niya?!
"Iyon lang ang tanging alas natin para mapabagsak natin si Dwight. Pero mukhang mawawala dahil naunahan pa tayo." sambit ng kaibigan niya.
"'Yun na nga e. Kaya hayaan mo na muna akong makapag-isip ng ibang plano. Lumayas ka na sa harap ko!" agad namang tumayo ung isa.
Pero hindi pa nakakahakbang ng may biglang dali daling nananakbong lalaki paputa sa kanila.
"Boss! Napasok tayo!" agad akong nawala sa pagkakatingkayad ng marinig ko iyon.
F*ck! Sinabi ko na't mag-ingat! P*nyeta!
Agad akong nanakbo ng mabilis papunta doon sa likod dahil baka pinagtutulungan na sila. Malapit ng mawala ang liwanag.
Handa na para magsimula ang gulo. Para kay Nazi, gagawin namin lahat...
Lance's POV
"Bukas na natin ituloy ang pagmamanman sa taong 'yon, gabi na." sambit ko sa walong kasama ko.
Nasa school kami ngayon at wala ng estudyante. Pero chineck pa rin namin dahil baka may lungga ang h*yop na 'yon dito. Mahirap na.
"Dapat na ba nating i-report sa police?" tumingin ako sa nagsalitang si Hendrix.
"24 hours lang ang tinatanggap ng mga police ngayon! E ilang oras lang siyang nawawala kaya hanggang bukas maghintay tayo ng resulta..."sambit naman ni Ken.
Police... H*ta!
"P*t*ng*nang mga police na 'yan! Kahit kailan wag na wag na kayong hihingi ng tulong jan sa mga hay*p na 'yan! P*t*ng*na nila!"
Inis na sabi iyon ni Dwight dati. That was 9 years ago. May naganap kasi noon pero sinubukan naming tumawag ng police pero... jindi kami pinaniwalaan dahil mga bata pa kami noon.
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Novela JuvenilA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...