Chapter 35: Announcement!
Dave's POV
"Mom, alis na po ako!" sigaw ko mula sa sala dahil nasa dining room pa siya. Isinukbit ko na ang bag ko at saka akmang paalis ng bigla siyang magsalita.
"Ay anak, ibaon mo 'to oh. Ginawa ko 'yan!" walang ganang tinignan ko yung sandwich niyang iniaabot sa akin.
"No need." at saka na siya nilagpasan.
Wala akong kahit na anong bagay ang tinatanggap mula sa kaniya. I hate my mom. I shoudn't call it Mom but... I still love her as a mother of fact the I am her son.
"Mag-ingat ka anak!" pahabol pang sabi nito ng malayo layo na ako sa bahay.
Don't call me anak!
Namuo nalang bigla ang kamao ko sa kanan habang nagtiim bagang. Nakapamulsa lang ang isa kong kamay habang naglalakad.
You're the one who kill my dad!
Sumakay na ako sa motor ko at isinusi ito. Harurot ang patakbo ko dahil wala namang mga dumadaang ibang sasakyan. Papunta ako ngayon kila Nazi para siya ay sunduin.
I am assigned with her. And that's make me feel good. Simula ng makilala ko si Nazi, nagliwanag na ulit ang buhay ko. Naging masaya ako sa tuwing kasama namin siya.
At sigurado akong mapapasaya namin siya ngayon. And that's our plan.
Lalo akong humarurot ng takbo dahil malapit na ako sa bahay nila Nazi. Kailangan ko kasi siyang maunahan dahil kung hindi. Patay! Sira ang plano!
Nang nakarating na ako ay ipinark ko na ang motor sa tabi ng bahay nila at sinilip ang gate nila kung nando'n pa ba siya.
"Tao po!" kumatok ako sa gate. Agad namang may lumabas na matanda at dali daling nagpunta papalapit sa akin. Binuksan na nito ang gate at,
"Ano iyon, hijo?" tanong nito.
"Ahmm... La, si Nazi po ba nanjan pa po?" agarang tanong ko at nagmano.
"Ay, hijo. Oo nandito pa. Bakit? Teka, sino ka ba?" sinuring mabuti ni Lola ang mukha ko na ikinatawa ko.
"La, kaibigan po ako ni Nazi. Haha!" natatawang sambit ko dahil sa ginagawa ni Lola.
"Ah. Sige pasok ka. Pasensya na a?" ngumiti ako.
"Ayos lang po, La." ngiting sabi ko at saka kami sabay na pumasok.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay nila at maayos naman ito. Teka lang, nasaan ang mga magulang niya?
"Hija! Dalian mong magbihis jan dahil may bisita ka!" sigaw ni Lola.
"Opo!" agad na sagot naman ni Nazi sa kwarto niya doon sa taas.
"Ahmm, La... Tanong ko lang po, kayo lang po ba ang kasama ni Nazi dito?" tanong ko.
"Ah, oo hijo. Bakit?" napatikhim naman ako ng magtanong siya. Ah, ba't ko nga ba natanong? -,-
"Ah... 'Yung mga magulang po ni Nazi?" nahihiya kong tanong.
"Ah 'yun ba? Wala na sila. Iniwan na nila si Nazi." at saka ito naglakad papuntang ibang kwarto. Kusina ata.
But wait... Iniwan? Na nila si Nazi? Teka, anong ibig sabihin ni Lola don?
"Lola alis napo ak---!" naputol nalang ang isinisigaw ni Nazi sa kaniyang Lola habang siya ay bumababa sa hagdan nang makita ako.
"Ahmm, Nazi bihis ka na pala." tumayo ako mula sa sofa.
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
JugendliteraturA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...