Chapter 76: Bordeaux's House
Thea's POV
'Anong ginagawa naman yan jan?'
Kunot noo kong pinagmasdan si Cloe na nakatayo sa tabi ng may bintana at may sinisilip siya doon. Agad naman akong lumapit dito ng maligpit ko na lahat ng gamit ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo jan?" nakahalukipkip na tanong ko dito.
Gulat naman siyang napatingin sa akin, "A-ahh, haha! N-nakatayo lang ako, nu ba! Inaantay ko kasing makalabas lahat ng k-kaklase naten, oo... Yon.. Haha!" palusot niya.
Naningkit naman ang mga mata kong tinitigan ito kaya naman napaatras siya ng humakbang ako papalapit sa kaniya habang ako ay nakahalukipkip.
"Tsk tsk tsk tsk tsk." napapailing na sabi ko.
"B-bakit?"
"Andaya niyo aba!" nakangusong sabi ko. Siya naman ngayon ang kumunot ang noo at umayos ng tayo.
"H-ha?"
"Nakalimutan niyo na yata yung sinabi ko sa canteen. Wala non si Kate." umalis na ako sa pagkakahalukipkip at inisuksok nalang ang isang kamay ko sa bulsa ng palda ko.
"A-alin yun?" takang tanong niya talaga. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa labas. Nasa tapat na kasi kami ngayon ng pinto at mukhang alam ko na kung sinong sinisilip niya.
"Paalis na siya oh." turo ko kay Lance ng nakangisi. Agad namang napataas ang dalawang kilay ni Cloe sabay tingin sa likuran niya. Muli naman siyang lumingon ulit sa akin.
"Tsk tsk tsk tsk tsk. Alis na. Hay nako." sabi ko at nilagpasan na siya pero naabutan ko pa sila Kate, Nazi, Prince Dwight, at Prince Josh na nag-uusap ilang dipa lang ang layo mula sa akin.
"Ah, kuya! Uuwi naman ako ng maaga eh." sabi ni Nazi.
"May pag-uusapan lang naman kami, dre." sabi naman ni Prince Dwight.
"Okay..." sabi nalang ni Prince Josh.
"A-ahh... Nazi, una na ako ha? Bye!" paalam ni Kate at sinundan pa nila ng tingin ito bago nakaalis.
Napanguso naman ako...
'Si Kate, kay Prince Josh. At mukhang may gusto na rin ata si Prince Josh dito dahil sa mga tingin niya. Si Cloe naman, kay Prince Lance. Hindi ko nga lang alam kung gusto rin ba siya nito pero mukhang aamin na ata 'tong si Cloe haha! Si Nazi naman... Hmm...'
Napalingon ako sa kanan ko kung saan nakatulala si Prince Dave sa pwesto nila Nazi. Kunot noo ko naman siyang pinagmasdan at napabuntong hininga pa siya bago umalis.
Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para sundan si Dave. Tsk, alam kong may gusto siya kay Nazi kaya nga tinitigilan ko na ang pagkagusto sa kaniya dahil alam ko namang wala akong pag-asa.
'Haaaay.'
Mabilis ang lakad niya ngayon kaya naman lakad takbo ang ginagawa ko at napakunot nalang ang noo ko ng makitang parang may pinapahid siya sa mukha niya habang naglalakad.
'U-umiiyak siya?'
Teka bakit? Sandali...
Naalala ko yung time na napatigil ako sa paglalakad kanina sa tapat ng room namin ng makita ko doon sila Nazi. At nakatingin siya sa kaniya.
'W-wait... I-ibig sabihin, simula pa kanina nung nakasalubong ko siya, si Nazi na yung inaabangan niya? Luh!'
"Dave!"
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Ficção AdolescenteA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...