Chapter 45: Nazi's Real...
Dwight's POV
"Mauna ka na sa taas! Kami ng bahala dito!" sigaw ni Dave habang nagpapalitan ng suntok sa kalaban niya.
Agad akong tumango, "Ah!" isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kalaban ko at agad ng nanakbo sa fourth floor. Kasalukuyan kasi kaming nasa third floor matapos naming mapasok ang 1st at 2nd.
Mabilis ang ginagawa kong takbo at hindi rin maiiwasan makasalubong ang mga magkakamukhang unggoy na 'to. Inuupakan ko sila ng buong pwersa para isang sapak nalang tumba na sila kahit na dumudugo na rin ang kamao ko.
Naka-apat pa akong nakapagpatumba bago nakarating sa hagdan. Agad na akong nanakbo at hindi na nagpaligoy ligoy pa. Medyo madulas ang hagdan dahil wala na itong bubong.
"Harangan niyo!" agad namuo ang kamao ko ng may mga nagbababaang mga unggoy at alam kong haharangan ako.
Mabilis pa sa ginawa ko kanina ang ginawa ko ngayon. Hindi sila natitinag ng isang suntok dahil matitigas ang mga bungo ng mga gunggong na 'to.
"Aaaaaaah!" malakas na sigaw ko ng padami sila ng padami at doon sa isang unggoy ko naibuhos ang inis ko.
Lima na ang bumabagsak pero habang nagpapabagsak ako ay mas lalo pa yatang dumadami. Nang masuntok ko ang isa ay agad na may sumuntok pang iba doon kaya tuluyan ng bumagsak.
Napatingin ako sa kaniya at si Josh lang naman pala. Kasama niya ang grupo niya. Tinanguan ako nito at sinenyasan na umakyat na ako sa taas habang hingal na hingal na. Hindi maipagkakaila ang paghingal namin at mga tagaktak na pawis. Basa narin ang anit ko maging ang buhok dahil sa pawis.
"Tumabi ka jan! Hay*p ka!" sinipa ko 'yung isa na akmang dadambahan ako ng suntok pero naunahan ko siya.
Nabigyan ako ng daan ng magsidatingan na rin ang iba at agad na nagsisipagpalitan ng suntok sa mga kalaban. Mabilis na akong nanakbo pataas.
Nang makarating na ako ay may isang pinto ang bumungad sa akin sa magkabilang side. Medyo malawak ang hall way kaya mas inuna ko yung kanan dahil maraming tao doon.
Lumunok muna ako sa narararamdaman kong uhaw bago makipagpalitan ng suntok sa mga kalaban. Hindi ko na iniinda yung sakit ng kamao ko kahit nakakailang tama na ito sa mga matitigas na bungo ng mga gunggong na to.
Iniisip ko ngayon si stealer at 'yung sinabi sa akin ni lola about her. Baka kung mapa'no na siya kapag nagkataong nangyari iyon. Hindi pwede! Hindi ko rin alam pa sa ngayon kung anong mangyayari sa kaniya oras na makita niya ang maraming dugo na kinatatakutan niya.
Hindi na ako nahirapang mahawi ang mga haharang sa akin dahil sumunod pala sa akin ang mga ka-gang ko.
"Boss mauna na kayo!" sigaw ni Felix at kita ko na ang pagod niya. Ako rin naman pagod na pero hindi ko iyon dinadamdam.
Intay lang, stealer...
"Stealer! Stealer!" pagsigaw ko ng mabuksan ko ang pinto at nagpalingon lingon doon at inilibot na rin ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang napagtanto na wala palang tao rito.
Lumabas ako at nakita kong may isa pa palang pinto. Agad ko iyong binuksan at---
"S-stealer..." natigilan ako.
Lance's POV
Kasalukuyan akong nakikipagpalitan ng suntok sa isang mokong na 'to dito sa 3rd floor. Naaninag ko na si Dwight na nanakbo na sa taas at may kasunod na mga kasamahan namin kaya medyo nabawasan na ang kaba ko para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...