Chapter 70: Enemy plans

16.8K 360 29
                                    

Chapter 70: Enemy plans

Kate's POV

*phone ringing*

Mabilis kong sinagot ang cellphone ko ng biglaang mag ring ito. Katatapos ko lang rin kasing magbihis dahil papunta na akong school.

"Hello?" sagot ko.

(Tsk! Hindi manlang tinignan ang caller?) -agad na kumunot ang noo ko sa tono ng pananalita nito at mabilis kong tinignan ang screen para makita ko kung sino nga ba yung tumawag---

*shocks!*

Mabilis na napatakip sa bibig ko ang kaliwang kamay ko sa gulat at nakalanghap pa ako ng maraming hangin dahil sa gulat.

"O-oh my ghaad!"

(Tsk tsk tsk! Kamusta na?) -napalunok pa ako sa pangungumusta nito.

"K-k-kuya?!"

(Oh? Bakit parang gulat na gulat ka ata ngayon, Kate?)

"Kyaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!" mabilis akong napatili sa kilig, tuwa at sayang nararamdaman ko ngayon.

(A-ano ba! N-nakakabingi ka! Tumigil ka ngaaa!) -sigaw niya sa kabilang linya.

"Oh my ghaaad! Kuyaaaa! Ikaw nga!! Kyaaaaaaah! Namiss kita! Huhu! Kailan ka na ba uuwi dito?! Miss na miss ka na namin ni Mamaaaaa!" nakairit paring sigaw ko.

*tok!* *tok!* *tok!*

"Anong meron jan, Kate? Ang ingay mo ata?" dinig kong tanong ni Mama sa labas ng kwarto ko.

(Si Mama ba yon? Pakausap dali!) -dali dali akong lumabas ng kwarto ko at bumungad sa akin si Mama na may pagtataka sa mukha.

"Mama si Kuyaaa!" sobrang lapad na ngiting sabi ko.

"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Uh uhmmm!" nakangiting tango ko. At iniabot ko na sa kaniya yung cellphone na agad naman niyang idiniit sa tenga niya.

"Hello, anak?"

"Mama loudspeaker niyo po." at ako na nga ang pumindot non.

(Hello, Ma! Kamusta na po kayo jan?) -Kuya.

"Nako, jusko! Ikaw nga yan, anak! Mabuti kami dito. Ikaw ba jan? Kamusta? Kailan ka uuwi?" sunod sunod na tanong ni Mama.

(Kaya nga po ako napatawag dahil nasa airport napo ako dito sa Maynila. Hehe...)

Mabilis kaming nagkatinginan ni Mama ng may pagkabigla at gulat sa mata't mukha.

"T-talaga, Kuya?! Nanjan ka na agad?! Bakit hindi mo sinasabing uuwi ka na?! Para naman nakapaghanda kami!" sigaw ko.

(I want to surprise both of you. Aminin niyo, na-surprise kayo diba? Haha! Aantayin ko kayo sa labas ng NAIA. Dahil kailangan ko kaagad na pumunta sa trabaho dahil kaya ako umuwi, pinapauwi na ako ng Boss namin.) -sagot nito.

"T-talaga? T-tiga dito ba ang Boss niyo, Kuya?" takang tanong ko.

(Uh hum! Actually, company lang naman ang meron sila sa Korea at dito talaga sa Pilipinas sila nakatira.) -sagot ulit nito.

"E-eh pano yan, Kuya? Nakabihis nako ng pampasok eh." nakangusong usap ko.

(Ano naman? Pumunta ka dito kasama si Mama ng nakapampasok ka.)

"S-sige! Hehe..."

"Oh teka, magbibihis lang ako ah..." paalam ni Mama kaya nakangiting tumango nalang ako.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon