Chapter 27: Nightmare

26.8K 695 14
                                    

Chapter 27: Nightmare

Nazi's POV

"Happy birthday to you!🎶 Happy birthday to you!🎶 Happy birthday, Happy birthday...🎶🎶 Happy birthday Nazi! Yeeeyyy!" kanta nila habang sila ay pumapalakpak. Tuwang tuwa naman akong pinakikinggan ang mga kanta nina Mama't Papa.

"Salamat Ma! Pa! ^^" tumayo ako at niyakap ko sila isa isa. Nandito kami sa Jollibee at dito ginanap ang 7th Birthday ko.

"Kiss si mama!" humahagikgik na hinalikan ko sila mama't papa sa pisngi.

Masaya kaming nagkainan kahit may kaunting harutan. Kinikiliti pa nila ako habang ako ay umiinom ng coke. Ayan tuloy nabugahan ko si papa na ikinatawa namin. Hahahaha!

"Chulli papa! Hahahaha!" pagsosorry ko.

Tumawa lang siya at saka pinunasan ng panyo ang kaniyang mukha. Tinanong nila ako kung gusto ko daw maging party ang birthday ko pero umiling ako. Ayoko ng gano'n. Gusto ko yung simple lang. Basta't kasama sila Mama't Papa.

"Oh anak, antayin lang natin si papa ha. Malapit na 'yon. Bumili lang ng cake mo para mamayang gabi. Okay?" nakangiting tumango ako.

Nandito kami sa tabi ng kalsada kung saan tawiran at siyempre hindi kami tumatawid dahil maraming sasakyan ang nagdaraan.

"Uh! Ayun si Papa oh!" itinuro ni Mama kung nasaan si papa at iyon ay nasa tapat namin. Malayo siya dahil kailangan pang tumawid para makalapit sa amin.

Kumaway ito ng nakangiti at ako naman ay todo ang ngiti na kumaway. Nang mag-ilaw na ang traffic light ng green ay tumawid na si papa bitbit ang isang kahon ng cake.

Tuwang tuwa naman akong inaantay si papa. Pero napalingon nalang ako sa kanan ng may kotseng harurot ang takbo. Napatingin rin ako kay papa na deretso lang ang tingin sa amin na nakangiti.

P-papa...

Tuloy parin ang takbo ng kotse at sobrang bilis nito. Nakaramdam ako ng kaba sa naiisip ko. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Mama na siyang ikinatingin naman nito.

"Anak baki---?"

*piiiiipppppp!*

"Papaaaaa!" sigaw ko ng sobrang lakas at dinig ko rin ang hiyawan ng mga tao. Bumitaw sa akin si Mama at nanakbo papunta kay papa na naliligo sa sarili niyang dugo.

H-hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at pinapanood nalang na gisingin ni Mama si papa. Bumaba yung driver ng kotse na nakita kong may dala ng baril. Nanlaki ang mga mata ko na tuloy tuloy parin ang pag-agos ng luha na makitang itinutok niya iyon kay Mama.

M-mama...

*bang!*

"Ma!" agad akong napabangon sa kinahihigaan ko ng magising ako sa panaginip ko. Napahawak na naman ako sa dibdib ko at pinipisa ang damit na suot ko.

M-mama.. Papa...

"Nazi! Nazi ayos ka lang?! May masakit ba sayo?! Anong nangyari?! Pati sa kamay mo? Ano? May masakit ba sayo?!" alalang tanong niya. Binitawan ko na ang damit ko.

Napatingin ako sa kaniya. Sumunod ay sa paligid. Puro puti ang dingding at miski ang kamang inuupuan ko ngayon.

"N-nasaan ako?"

"Nasa clinic ka, Nazi. Ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo?" kita ko ang pag-aalala nito sa kaniyang mga mata at nakakapit rin ito sa dalawa kong balikat ng may kaunting higpit.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon