Chapter 69: Promise
Nazi's POV
"Nazi, maghanda ka bukas ah? May bisita tayong darating." sabi ni Lola.
"Po?"
"Bingi ka na ba, hija?"
"A-ahh, hehe! S-sino po bang bisita yun?"
"Basta maghanda ka, ipakikila ko sila sa iyo..." nakangiting sabi ni Lola habang nagbuburda ulit.
"Lola kailan po ba kayo matatapos jan sa ginagawa niyo? Eh halos araw araw ganiyan napo ang ginagawa niyo ah?" takang tanong ko.
"Malalaman mo rin kapag tapos na. Hehe..."
Mabilis na napataas ang dalawang kilay ko sa tawa niyang iyon. At for the first time! Waaaaah! Anong meron?!
"L-lola anong meron? Yiiieee! Bakit po kayo masaya? Heheheh!" tumabi ako dito. Dahil kanina ay nakadapa ako sa mahabang sofa habang siya naman ay nasa single sofa so tumabi ako sa kaniya sa katabing isang single sofa.
"Haha! Ano ka ba, hija. Masama bang maging masaya? Lalo na't nakwento mo na sa akin iyong naalala mo, hehe..." masaya talagang sabi niya.
Bigla naman akong nakaramdam ulit ng lungkot dahil sa bangungot kong alaala.
'Namimiss ko na sila Mama't Papa... Namimiss ko na ang kulitan namin... Namimiss ko na ang lahat lahat na ginagawa nila sa akin... Namimiss ko na, sila.'
"Oh! Luto na yung hapunan! Kain na tayo!" bigla sigaw ni Kuya mula sa kusina.
'Isa rin siguro ito kung bakit ang saya ni Lola. Haha! Dahil may bago na kaming tiga luto at walang iba kundi si Kuyaaaa!'
"Papunta naaaaa!" sigaw ko.
"La, tara na!" nakangiting anyaya ko at tinulungan ko naman siyang ligpitin itong ibinuburda niya.
"Masarap yan! Haha! Expert yata 'to?" natawa nalang kami sa pagmamayabang ni kuya dahil ipinakita niya pa ang kaniyang muscle at tinapik iyon with matching taas baba ng kaniyang kilay.
"Maupo ka na, hijo! Haha! Tayo'y kakain na." nakatawang sabi ni Lola at sabay sabay nga kaming nagkainan na.
"Alam mo, Nazi...?" agad akong napatingin kay kuya na siyang nasa harap ko habang nasa kalagitnaan kami ng kainan.
"Ano yun, kuya?"
"Napapansin ko lang..."
"Ano nga yun? Bang kulet?" maging si Lola ay napatigil narin sa pagkain at tumingin kay kuya.
"Bakit kaya nila pinatay sila Mama't Papa at gustong gusto pa nila tayong patayin?" takang tanong niya. Napaisip rin ako.
'Bakit nga kaya? Eh mahirap lang--- shiiims! Si Papa... Si Papa nga pala ang pinakamayang tao sa buong Pilipinas! At maaari iyong dahilan kung bakit nila pinatay si Papa dahil gusto nilang makuha ay ang yaman namin at maging kami ay dinadamay?! Luh! Nakakatakot maging mayamaaaaaaaaaaan!'
"Malalaman niyo bukas..." biglang sabat ni Lola kaya sabay kaming napalingon ni Kuya dito.
"B-bukas? Bakit bukas pa, halmeuni?" si Kuya.
'Ay nako! Ayan na naman pu tayo sa korean na yan! Haaaaay!'
"Nabanggit ko na kay hija na may darating tayong bisita bukas. Kaya maghanda kayo para bukas." at saka na siya kumain.
Nagkatingin naman kami ni kuya at nagkibit balikat nalang siya bago muling kumain.
'Sino ba kasing darating?'
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...