Chapter 79: Zierre's threat

18.5K 436 86
                                    

Chapter 79: Zierre's threat

Nash's POV

Naglalakad na ako ngayon papuntang school at hindi ko alam kung bakit maaga akong nagising, haha!

'Makikita ko na naman si Nazi, ahihihihi!'

"Ehem!" agad naman akong napatigil sa paglalakad ng may humarang sa aking isang lalaki at ng ilibot ko ang paningin ko ay nakapalibot na sa akin ang pito pa nitong kasama.

'Tsk... He're we go again... Hays.'

"Mukhang alam mo na kung bakit kami nandito ah? Haha!" natatawa pa niyang sabi. Hindi naman na ako sumagot.

"Ilan taon ka na nga ba bata?" tanong niya pa sa akin pero kinunutan ko lamang ito ng noo at hindi sumagot.

"Tinatanong kita!"

"Ba't mo naman natanong, Manong?" inosenteng tanong ko.

"A-aba't--- Ano?! Manong?! Ha! Niloloko mo ba akong bata ka?! Ha?!" mabilis niya akong kinuwelyuhan kaya naman agad kong tinapik tapik ang kamay niya senyas na nagpupumiglas na ako.

"T-teka! Teka! Yung uniform ko, nagugusot!" sigaw ko pero hindi nama niya ko binitawan.

"Kapag tinatanong ka, sumagot ka ng maayos sa mas nakatatanda sayo!" tiim bagang na sabi nito sa mukha ko.

"Whooo... Ang baho ng hininga mo, hehe..." ngiwing sabi ko dahil sa sobrang baho ng hininga niya!

"A-anong sinabi mo--- niloloko mo ba akong bata ka?! Ha?!" pabato niya akong binitawan kaya naman muntik na akong mapaupo pero mabilis kong nabalanse ang dalawang paa ko.

Mabilis ko namang inayos yung uniporme ko at pinagpag.

'Nakakainis naman. Gusot na, tsk...'

"Ano! Lolokohin mo parin ako?!"

"Ano bang kailangan mo?" mabilis na inis kong tanong dahil sa gusot mong uniporme ng dahil sa kaniya.

"Ha!" singhal niya na napangisi pa. Unti unti naman siyang lumapit sa akin, "Yung boss mo ang kailangan namin..." nakangising sabi niya.

"Oh eh bakit naman ako ang inaano mo? Pumapatol ka talaga sa bata no?" inis na sabi ko.

"Tss. Pake ko sayo?"

"Kung kailangan niyo si boss, huwag ako ang anuhin niyo!"

"Nandito kami para bantaan ka!" nandidilat na mga matang sabi ulit niya sa mukha ko. Napapigil na naman ako sa paghinga dahil sa... Pwe! Ang baho talaga! Grabe!

"Eh bakit ba sakin lagi?!"

"Haha! Ayaw mo nun?"

"Padaanin niyo nako! Late nako!"

"Walang may pake."

"Eh kung pag-umpugin ko kaya kayong lahat?! Binubw*sit niyo ko ah?!" nanggigigil ng sabi ko pero nagtawanan lang sila.

"Baka kaya mo?" nakangising sabi nito.

"Ang sabihin niyo, bakla lang kayo. Bakit hindi niyo subukang one-on-one?" nakangisi ng sambit ko at mga nagkatinginan naman sila sabay tawa.

"Aba't malakas talaga ang loob mong bata ka no? Ilan taon ka na ba ha?"

'L*ngya! Bakit ba gustong gusto niyang malaman ang edad ko?'

"Kinse! Bakit?!" parang nanghahamon pang sabi ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawanan nila.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon