Chapter 55: Injured...
Nazi's POV
"Sige sige! Papunta na ako!" at saka nito pinatay ang tawag.
Kasalukuyan na kaming nakain ngayon ng hapunan at madilim na rin sa labas gaya nga ng nasabi ko.
"Sino yun, kuya?" takang tanong ko.
"La, Nazi... Alis po muna ako," kasabay nito ang pagmamadali niyang pag-inom at pagtayo.
Kunot noo ko naman itong pinagmasdan, "Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Oo nga, hijo?" sunod na tanong naman ni lola.
"La... May kailangan lang po akong puntahan. About 'to sa mga kaibigan ko," paliwanag nito.
At parang tila nagpantig ang dalawa kong tenga sa huli nitong sinabi. About sa mga kaibigan niya? Eh?
"Sama ako!" tumayo narin ako kasabay ng pag-inom.
"Teka! Hinde... Dito ka lang..." agad naman akong napatigil sa pag-inom sa sinabi ni kuya.
Ibinaba ko ang baso at, "Bakit?" takang tanong ko.
"Basta hindi p'wede kaya dito ka lang, okay? Wag ng matigas ang ulo... Jan na muna kayo," at tumalikod na ito.
"Tekaa! Sama ako! Dali na!" pangungulit ko.
"Nazi... Delikado..." huling sabi nito at saka nagmadaling lumabas ng kusina.
"La, susunod ako ha? Ahihihi! Babye!"
"Hoy, hija--! Teka! Hoy!" hindi ko na pinakinggan pa si Lola at dali daling sinundan si kuya.
Nagmamadali itong sumakay ng kotse pero pagbukas niya palang ng pinto ay agad na siyang natigilan ng hindi ko alam at may kinakapa kapa sa bulsa.
Mabilis akong nagtago at nakita kong isinara niya ang pinto at nanakbo pabalik sa loob ng bahay. Ako naman ay agad na pumasok sa loob ng kotse doon sa may likod at saka humiga para hindi ako makita ni kuya. Hehe...
Mga ilang segundo lang ang nakalipas ay bumalik na siya at dali daling pinaandar ang sasakyan. Pinilit kong hindi gumalaw kasi baka mahalata niya ako at magulat siya dahilan baka mailiko niya bigla ang manibela.
Oh diba? Patay kami kung gano'n.
"F*ck! F*ck! F*ck!" bahagyang napakunot ang noo ko habang ako'y nakahiga sa paulit ulit na pagmura ni kuya.
Anyare ba?
Naka ilang beses rin kasi siyang naghahampas sa manibela sa sobrang inis niya siguro. Kahit hindi ko kita ang mukha ni kuya ay alam kong parang nanggagalaiti na ito sa tono palang ng boses niya.
Ilang saglit lang ay may narinig akong vibrate ng phone na agad din namang tumigil ng sagutin agad ni kuya.
"Malapit na ako..." kalmadong sabi ni kuya at wala na akong narinig na iba pa.
Bakit parang kinukutuban ako ng hindi maganda? May nangyari ba tungkol kila Dave? Halaaaa! Hindi p'wedeee!
"Dito na 'yon..." bulong ni kuya kaya agad akong naging ready.
Miya miya lang ay mabagal na ang takbo ng kotse habang umaalog alog pa ako sa loob ng sasakyan dahil siguro sa mga batong nadadaanan namin.
Itinigil na niya ang pagpapatakbo at agad na tinanggal ang seatbelt saka nagmadaling bumaba. Agad naman akong tumunghay at sinilip silip ang labas.
Saang lugar 'to?
Mabilis na akong bumaba at mabilis na sinundan si kuya. Hindi niya ako nararamdaman dahil sa pagmamadali niya.
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
JugendliteraturA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...