Chapter 46: Underground

25.6K 813 47
                                    

Chapter 46: Underground

Dwight's POV

"Stealer, ano ba?! Tama naaaa!" hindi maawat si stealer sa pagwawala nito at pambubugbog nito sa mga lalaki. Nasa sampu pataas na ata ang napatumba niya ng gano'n gano'n na lamang.

'Yung iba ay muntik niya pang mapatay. At ngayong iisa nalang ay pinuro niya ito ng mga suntok at nakadagan pa ito doon sa lalaki. Pilit kong itinatayo si stealer pero parang wala siyang naririnig.

"Nazi! Tama naaaa!" sigaw ni Dave at maski si Josh ay tila nakikibuhat na rin kay stealer.

Dugong dugo na ang mukha ng lalaking pinupuro niya ngayon at sobrang paga na ang mukha. Sa sobrang inis ko, malakas na pwersa ang inilabas ko at agad na hinatak si stealer. Pareho kaming napahiga sa nagawa ko. Nakadagan siya sa akin habang siya ay yakap yakap ko.

Napapikit ako ng mapahiga ako at napadaing ng kaunti. Sa kabila ng pagod at hirap ko ay ngayon ko lang naramdaman ngayong tapos na at ubos na sila.

Parang tila maging komportable ang katawan ko gayung yakap ko si stealer at tila ayaw ko ng bumitaw pa.

"N-nazi..." minulat ko ang mga mata ko ng magsalita si Josh at unti unti ko ng binitawan si stealer.

Nang mabitawan ko ito ay parang nawalan ito ng malay kaya inihiga ko ito sa tabi ko at saka ako bumangon.

Maraming dugo sa blouse niya at palda. Maski sa magkabilang pisngi niya ay meron rin... Lalong lalo na sa kamaong ginamit niya. Hinawakan ko iyon at si Dave naman doon sa isa. Puro sugat na ito at namamaga na rin at the same time.

"Ilabas na natin siya dito at dalhin sa hospi---" pinutol ko ang sinasabi ni Dave.

"Kapag dinala natin siya sa hospital, anong sasabihin mong dahilan bakit siya nagkaganito? May masasabi ka ba?" sunod sunod na singit ko.

Kita ko namang natigilan si Dave, "Saan naman natin siya dadalhin kung gano'n?" singit ni Josh na ngayo'y nakahalukipkip na.

"In my house. Doon sa underground..." sambit ko at tinitigan ang mukha ni stealer.

Maamong mukha pero naging wild ng makita ko ang mukha niya kanina na punong puno ng galit at nagdidilim na mga mata... P-paanong--- hindi... B-bakit nagkagano'n siya?

"Let's go---"

"Nazi... Nazi!" naputol ang dapat sasabihin ni Dave ng may biglang sumigaw. It was Lance. At kadadating niya palang kasama ang iba.

Sabay sabay kaming napatingin sa kaniya at siya naman ay agad na nanakbo papunta sa amin kasama ang mga kasamahan namin.

"A-anong nangyare?! B-bakit---" pinutol ko ang sinasabi niya.

"Wala na tayong oras. Kailangan na niyang magamot. Doon ko nalang ipapaliwanag ang lahat ng nakita ko pag nagamot na siya." sambit ko at sinimulan ng buhatin si stealer.

In a bridal style way...

Nauuna akong naglalakad sa kanila habang buhat buhat ko si stealer pababa sa building papunta sa van na dala ko.

Kita ko sa mga mata nila ang pagtataka at lalong lalo na ang pag-aalala nila kay stealer. Ganoon na lamang din ang pagtataka ko kung paano nagawa ni stealer 'yon.

Ang lupet!

Ilang minuto rin ang kinain ng paglalakad namin bago kami nakasakay sa kani kaniyang sasakyan.

"Baka magising, ha... Uupakan ko kayo!" banta ko sa kanila pero mabilis silang mga nag-iilng.

Nasa back seat kasi sila dahil hindi naman pwedeng dito sa passenger seat kung ganon ang kalagayan. Si Jaxx at Ken ang katabi ko. Ini-start ko na ang engine at saka na nagmadaling magmaneho.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon