📷❕PHOTO BABA❕📷
Chapter 50: Found Out
Thea's POV
"Wala na! Tuluyan ng hindi nagchat si Nazi, tch." pumalumbaba ako matapos ko iyong sabihin.
"Ano kayang nangyari dun?" tanong ni Kate na ngumuso pa.
"Puntahan kaya natin sa kanila?" nawala ako sa pangangalumbaba ng sabihin ni Cloe 'yon.
Pumitik ako, "Great idea!" malapad na ngiting sabi ko.
"Sige sige! Mamayang uwian! ^^" masayang sabi ni Kate.
"Ehem!" sabay sabay kaming napatingin sa lalaking umupo sa upuan ni Nazi at nakangiting nakatingin sa amin.
"Oh, Nash... B-bakit?" anang si Cloe.
"Friend kayo ni princess, 'di ba?" nakangiti na namang sabi nito.
Takas mental ata 'to, tss.
"Hindi lang basta friend. Bestfriend na kapatid na rin!" sabi ko.
"Kung gano'n, bakit hindi siya pumasok?" sabi nito na wala na ang ngiti.
"'Yun ang di namin alam, hehe..." himas batok na sagot ni Kate.
"Bestfriend na kapatid daw... Tss." tumayo na ito na nakasimangot.
"Problema mo?!" inis na sabi ko.
"Hep! Bawal mag-away!" awat agad ni Cloe.
Kaasar!
"Pupunta kami mamaya sa bahay ni Nazi, sama ka?" masayang tanong ni Kate.
"Talagaaaaa?" namimilog ang mga mata na umupo ulit si Nash at masayang nakatingin sa amin.
"O-oo." sagot ni Kate.
"Mga preee! Sa bahay ni princess mamayaaa!" agad na hiyaw nito matapos tumayo.
Nanahimik ang lahat matapos siyang humiyaw na ang lahat ay sa kaniya lang nakatingin.
Alam ko na susunod na mangyayare...
"Wooooooh!"
"Yeeeeess!"
"Ngayooon naaaaaa!"
"Tara taraaaa!"
Sunod sunod na sabi ng mga kaklase kong lalaki at nagsilapitan sa table namin. As in lahat ng lalake!
"Hoy hoy hoy!" tumayo ako at pinagtuturo sila na ikinatigil naman nila at nawala rin ang ngiti.
"Sinong may sabe na lahat kayo ay pupunta?" nakataas pa ang isa kong kilay na sinabi iyon.
"Paki mo?" agad na sagot ni Jake.
"Aba--- sumasagot ka pa?!" akmang lalapit sana ako sa kaniya ng magtago siya sa likod ni Eren.
"Thea, hayaan mo na... Bahay naman 'yun ni Nazi e. Hindi naman sayo." napabalin ako kay Cloe.
"'Yun na nga e! Baka makagalitan pa tayo ni Nazi dahil magpupuntahan tayong lahat!" inikot ko pa ang hintuturo ko sa aming lahat para matukoy na lahat.
"Hayaan mo na---" naputol ang sinasabi ni Kate ng biglang magsalita si Troy.
"Tara naaa!" agad na sigaw nito.
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Novela JuvenilA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...