Chapter 54: Stabbed

26.8K 579 23
                                    

Chapter 54: Stabbed

Nazi's POV

"Feel at home kuya.." sambit ko habang kasalukuyang inaayos ang mga damit ko.

Nagbawas kasi ako sa cabinet ko dahil doon din maglalagay si kuya ng damit niya. Matapos ko kasi siyang igaya sa kwarto ko ay agad siyang bumalik sa bahay-bahayan niya na ipinatayo daw ng kaniyang nanay-nanayan..

Kumuha siya ng mga gamit doon at ipinaalam niya na rin sa kaniyang nanay-nanayan na nahanap na niya ako at si lola. Hindi ko na alam kung ano pa yung mga napag-usapan nila dahil labas na ako doon.

"Oy kuya!" humarap ako sa kaniya na kasalukuyang inilalabas ang mga damit sa maletang dinala niya dito.

"Oh?" hindi siya lumingon dahil abala siya sa pagbubungkal ng mga damit niya.

"Sa lapag ka matutulog ha.." paalala ko dito.

First time ko kasing may makakasamang lalaki sa iisang kwarto T-T opkors nakakahiya yown!

"Sige sige.." tugon naman nito.

"Magkekwento ka pa sakin kuya ha.. About sa paglaki mo doon sa nanay-nanayan mo at kung bakit karin pinagbubugbog ng pisting tatay-tatayan mo!" dada ko habang patuloy parin sa pag-aayos ng damit ko.

Nang maipon ko na yung mga hindi ko naman na isinusuot ay inilagay ko na sa plastik at ilalagay sa ilalim ng cabinet.

"Yun lang ba? Sige.." sagot ulit nito.

Hays.. Buti hindi na ako nagiging awkward kay kuya ahihihi!

"Ah, Nazi.." lumingon ako sa kaniya.

Mas pinili ko nalang na "nazi" ang itawag niya sa akin kesa sa "saeng(seng)" kasi hindi ako sanay hehe..

"Bakit, kuya?"

"Wala ka nga ba talagang naaalala sa past? Walang
wala talaga?" umiiling pa siya nung sinasabi niya yung huli.

Tikom bibig na tumango ako, "Sorry.." saka ako muling nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Sa tingin mo.. Mahanap kaya natin ang taong pumatay kela mama't papa?" muling tanong nito.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatalikod sa kaniya, "Hindi ko alam kuya.. Blurd na blurd kasi ang mukha niya.. Pero sa mga panaginip ko parang alam ko na kung ano yung unang nangyare.." humarap ako kay kuya at nakita kong napatigil rin siya sa ginagawa niya.

"A-ano?" utal na tanong niya.

"Tanda mo pa yung nagkita kita tayo 9 years ago? Doon.. Kaya siguro nila ako hinahabol no'n. May nakita akong.. Ahmm.." napatingin ako sa taas na naniningkitang mga mata dahil iniisip ko ang totoong nangyari.

"Ayun! M-may ano.. M-may lalaking sumaksak sa isa pang lalaki tapos.. Nasa medyo malapit ako non at may nakatakip sa bibig ko at nagtatago kami.. Oo yun nga! Ayun yung blurd na nakita ko sa panaginip ko! Paulit ulit yon na laging pag-gigising ko.. Pawis pawisan ako.." pagpapatuloy ko.

"Did you mean na.. May kasama kang nakakita ng eksenang yon?" tanong ulit ni kuya.

"Baka.. Ewan.. Siguro.. Pwede? Hehe.. Hindi ko alam.. Oh eto! Tapos na ako.. Lagay mo nalang sa taas yung iyo. Kukunin ko lang yung kutson doon sa baba para higaan mo mamaya.." sambit ko at tumango nalang siya.

Tuluyan ko na nga siyang iniwan doon at bumaba na.

"Laa! Yung kutson po?" sigaw ko. Malay ko kasi kung nasan ba si lola haha!

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon