Prolouge

1.8K 64 23
                                    

PROLOGUE

Cee is gone...

Humanap ako ng kahit anong makakapitan, pero wala akong makapa. Matapos kong marinig ang hindi ko mapaniwalaang balita, heto... halos di ko magalaw ang sarili kong binti at mga kamay. Gusto kong pigilan ang pangangatog ng buong katawan ko, pero di ko magawa.

Papaanong? Si Cee? No way...

Halos hindi na ako makahinga. Sinikap kong humakbang palapit sa pintuan kung saan makakasagap ako ng hangin.

Ngayon ko lang nadama ang ganitong pakiramdam. Masasabi kong mas makapanindig balahibo ito kaysa sa mga buwis buhay na larong nagawa ko.

Ganito nga siguro kapag nawala ang taong kakambal mo, ang sinasabing kadikit ng buhay mo.

Bigla ko na lang naramdamang may dumadaloy na luha sa pisngi ko. Masasabi kong unang luha sa loob ng mga taon na nakalimutan ko na kung paano umiyak.

At sinong mag-aakala na si Ceeline pa ang magiging sanhi ng unang pag-iyak na 'to. Ang taong ni minsan hindi ko nakagaanan ng loob. Ang taong kinaiinggitan ko...

Kung ano mang mga hinanakit ko kay Ceeline ay mukhang kasabay na rin nitong mababaon sa hukay. Sa isang iglap, naglaho lahat ng sama ng loob ko sa kanya at napalitan ng pagdadalamhati na nararapat lang sa pagkakataong ito.

Kung tutuusin, parang halos hindi ko naman talaga nakasama ng maayos si Ceeline. Hindi kami ang tipo ng magkapatid na magkapareho ang mga hilig, kaya ang pagkakaiba namin sa lahat ng bagay ang dahilan kung bakit magkahiwalay lagi ang landas namin. At mas tuluyan pa kaming nagkalayo sa isa't isa nang pinili kong lumayo. Sa lugar na malayo sa anino niya... sa lugar na wala akong kahati sa atensyon ninuman.

Pero masakit pa rin pala kahit papaano... na kahit ang taong hindi mo nakasama ng matagal o hindi mo nakasundo kahit sa isang oras na magkasama kayo, ay permanenteng mawawala at hindi mo na magagawang makitang muli.

Hindi ko alam kung ang realisasyon kong ito ngayon ay isang paraan ng pangongonsensya ni Cee. Pero kahit gusto ko mang umuwi para makita kahit man lang ang labi niya, parang may biglang pumipigil sa'kin. Parang hindi ko kayang makita ang pareho kong mukha na nililibing sa hukay.


DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon