2

1.5K 53 23
                                    

TWO

"Dee, mag-isip-isip ka nga bago ka tuluyang pumasok ngayon."

Nasa tapat na kami ng Circle High. At hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagpipigil sa'kin ni Gleigh.

"Nakapag-isip na ako. Papasok pa rin ako." Bumaba na ako sa kotse ni Gleigh at dire-diretsong pumasok sa napakalaking campus.

Sa unang pagpasok ko pa lang, napansin ko ang gulat na gulat na anyo ng bawat estudyanteng nakakasalubong ko. Bago pa man ako magtanong kung anong nangyayari, si Gleigh na humahabol mula sa likod ko ang sumagot na parang nabasa ang question mark sa isip ko.

"Dahil, iniisip nilang bumangon sa hukay si Cee. Kaya pilit kong sinasabi sayo kanina pa na huwag ka muna ngayon pumasok sa ganyang ayos na parang talaga si Cee."

"Well, malalaman rin naman nilang kambal ako ng inaakala nilang tao. Kaya wala kang dapat ikaproblema."

"Ang sa'kin lang naman, respetuhin mo naman si Cee. Hindi mo siya kailangang gayahin mula ulo hanggang paa. Sa ginagawa mong yan, sinisira mo ang magandang imahe ng kapatid mo."

"Wala akong sinisirang imahe."

"Sa ngayon wala, pero di tatagal, oo. Kilala kita Dee, at magkaibang magkaiba kayo ni Cee. Bawat maling gagawin mo, madudumihan ang pangalan ni Cee."

"Ba't kung magsalita ka parang napakaimportanteng tao naman ng kambal ko." Hindi ko maintindihan ang pagiging over-protective ni Gleigh sa sinasabing imahe ni Cee.

"Bat di mo tignan kung gaano na karami ang taong nakapaligid sayo ngayon?"

Nang igala ko nga ang paningin ko tulad ng sinabi ni Gleigh, dumoble o parang tumriple pa ang mga estudyanteng nakatingin sa'kin. Lahat ay hindi makapaniwala. Sa kabila ng gulat na anyo ng mga ito, halong saya at aliwalas ng mukha ang makikita sa kanila.

Tumabi ulit sa'kin si Geigh saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Higit sa iniisip mo si Cee. Sikat siyang tao sa loob at labas ng campus. Hinahangaan ng marami. Kung ordinaryo lang sanang estudyante si Cee, hindi kita ngayon pagkakaabalahang pagsabihan."

Gusto kong mahiya ngayon kay Gleigh na siyang mas nakakakilala kay Cee kumpara sa'kin na kadugo. Ni wala akong ka-ide-ideya na daig pa ni Cee ang isang celebrity gaya ng sinasabi sa'kin ni Gleigh. Pero sa nakikita ko nga na halos nagsisiluha ang bawat nakakakita sakin ngayon ay sapat na para maniwala.

"Babe, anong nangyayari dito?"

Isang nagtatanong na lalaki ang lumapit kay Gleigh na mukhang kasintahan nito. Rockista ang looks na may dala pang guitara sa halip sanang isang bag.

Bago pa man sagutin ni Gleigh ang tanong ng lalaki, napansin na niya ako. Tulad lang ng ibang estudyante ang naging reaksyon nito. "Cee?"

"No. Hindi siya si Cee." maagap na sagot ni Gleigh. Hinarap din nito ang ibang estudyante na mukhang naghihintay ng paliwanag. "You're all wrong if you're thinking that this girl standing here beside me is Ceeline Morgan. Para sa kaalaman niyo, Cee has a twin sister... and that's her, Deelan Morgan."

Kasabay ng kaliwa't kanan na bulungan ng mga nakapaligid na estudyante ay ang paglapit sa'kin ng boyfriend ni Gleigh.

"You're Cee's twin sister?!" halatang nasurpresa ulit ito sa panibagong rebelasyong narinig. "Hindi ko alam na may kambal si Cee."

Hindi ko na alam kung kanino ko na igagala ang atensyon ko nang biglang parang nagkakaroon na ng komusyon sa unti-unti na ngayong pagpipilit na lumapit sa'kin ng iba. Si Gleigh ang nangungunang humarang sa pamamagitang ng dalawang braso niya.

Sa kabila ng lumalakas na ingay at gulo na dinulot ko, nagawang bumulong ni Gleigh sa lalaking katabi niya na ilayo muna ako.

Pinilit kong palakihin ang bawat hakbang ko para mapantayan ang bilis ng pagtakbo ng estrangherong lalaki na hindi ko pa alam ang pangalan. Hinihingal na huminto ako ng hindi ko na talaga kinakaya ang pagod.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon