NINETEEN
Natapos din ang exam noong nakaraang linggo. Hindi siya ganoon kadali pero hindi rin naman naging masyadong mahirap. Wala akong ideya kung anong pwedeng maging resulta. Kailangan pang palipasin ang ilang mga araw bago malaman ang pinakahihintay ng lahat na ranking list.
May kung anong kaba akong hindi maalis-alis kanina pa. Parang natakot lang kasi ako na baka walang nangyari sa dibdiban kong pag-aaral nitong nakaraang linggo. Ngayon lang ako naging ganito kadeterminado na makapasa. Dati wala akong pakialam kahit nasa dulo pa ang pangalan ko sa listahan. Ngayon lang ako nagkaroon ng pakialam. Ngayon lang.
"Dee, naka-post na ang result!"
Bago pa man ako makapagbigay ng reaksyon, hinila na ako ni Gleigh palabas.
Sa dami ng estudyanteng nakapaligid sa board wall na hinahanap din ang sarili nilang pangalan, nagawa ni Gleigh na makasingit palapit habang hila-hila ako.
Sunod ko na lang na nalaman, pareho na kaming nakatayo sa mismong harapan ng ranking list. Una, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap ng pangalan ko, kung sa baba ba o sa taas. Pero nagsimula na lang ako sa baba.
Nang Brillantes ang makita ko sa pinakahuling pangalan, parang nabunutan na ako ng tinik kahit papaano. At least.
Ipinagpatuloy ko ang pagsaliksik ko sa Morgan na pangalan mula sa ibaba, hanggang sa naputol ang konsentrasyon ko sa sigaw ni Gleigh.
"Yes. I'm thirty three!" tinatapik-tapik pa ako ni Gleigh. "Look, 33 out of 201. Hallelujah!.. ikaw?"
"Wait.. magsisimula akong maghanap muli, dahil ang gulo mo." Magsisimula na sana ako ulit sa pinakababa nang mahagip sa mata ko ang Top 1. Acosta, Yuri. Alam kong wala akong dapat ikataka dahil base sa ilang araw na pagtuturo niya sa'kin, talaga namang magaling siya. Hindi ko lang inakala siya pala ang nangunguna. Hindi ko siya kaklase sa kahit anong subject kaya wala akong ideya. Nakakalula naman talaga ang average niya. "Wow."
Napatingin sa'kin si Gleigh. "Alam mo bang sila lang ni Ceeline ang nagpapalitan sa tronong 'yan. Ngayon, kanyang-kanya na. Maghintay ka lang dahil baka i-share niya sa'yo ang trono." natatawang saad ni Gleigh na may halong panunukso sa'kin.
"Tumigil ka nga! Hindi ko pa nga mahanap ang pangalan ko. Uulit na naman tuloy ako sa pinakababa! Ang hirap yumuko."
"Ikaw na lang ang magsimula sa taas, ako na sa baba." Alok ni Gleigh, at agad na nagsimula habang maingay na binubulong ang Morgan sa paghahanap.
Sinimulan ko na rin sa taas na pakiramdam ko masyado akong ambisyosa para mapabilang sa mga maituturing na matatalino. Napahinto ako ng makita ko sa Top Five si Mendez, Nathan.
Hindi na rin 'yon nakakagulat dahil magaling rin talaga si Nate. Mukhang nakakahiya sa Top 1 at Top 5 kung mapabilang sa bottom list ang taong pinagtiyagaan nilang turuan.
Nang ipinagpatuloy ko ang paghahanap, muling tumigil ang daliri ko na mismong nakaturo sa Morgan, Deelan T.
Top 40?
"Fourty?!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Gleigh," Ako naman ang tumapik ngayon sa kanya. "I'm Top Fourty!"
I can't believe this!
"Whoah Dee! Nangopya ka ba during exam?!"
Hindi ko man lang pinansin ang sinabi ni Gleigh at niyakap ko na lang siya sa sobrang tuwa.
19 point ONE
"Congratulations Top Forty!"
Matawa-tawa ako sa exaggerated na bungad ni Jacobo ng saluhan namin sila ni Gleigh sa dating table sa cafeteria na ilang araw ko ng hindi natatambayan.
BINABASA MO ANG
DEE One
Teen FictionDee is not as perfect as her twin sister Cee. Hindi siya kasing talino, kabuting anak at tapat na kaibigan tulad ng kapatid niya. Ang mukha lang nila ang tanging magkapareho, hindi ang pag-uugali't personalidad. Sa biglaang pagkamatay ni Cee, magsi...