4

1K 30 14
                                    

FOUR

"This is your script."

Tinanggap ko ang makapal na papel mula kay Adela. Maganda ang pakiramdam na nasa loob ng Theater lalo na ang ideyang ako ang gaganap sa leading role. Nakilala ko na rin ang iba kong kasamahan na mukhang masaya ring nakita muli ang mukha ni Cee.

"Gusto kong kabisaduhin mo ang mga linya mo, Dee. Simulan mo na rin, dahil magsisimula na rin tayong magrehearse sa sususnod na araw. So every Wednesday ang rehearsal. Okay ba sa'yo 'yon Dee?"

"Sure." maagap na sagot ko. "No problem."

"Buti sa kanya walang problema, but how about me?"

Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Di ko alam ang problema niya pero mukhang para sa'kin ang masama niyang tingin.

"Adela, akala ko ba naging malinaw na sa'kin na ang leading role. Ba't ngayon biglang napunta nalang sa isang baguhan na hindi natin alam kung nararapat ba."

Naging malinaw na rin sa'kin ang pinanggalingan ng sama ng loob ng babae, hindi ko alam kung paano magrereact. Pero wala akong dapat ipaliwanag, nilipat ko ang tingin ko kay Adela na siyang dapat sumagot ng lahat.

"Kiesha, nakikita mo naman siguro kung bakit biglang nalipat kay Dee ang role. Kailangan mong magpaubaya para sa.."

"Because she got Cee's face ganoon ba?" galit na saad ni Kiesha. "Hindi nangangahulugan na pareho ang nagagawa ng magkambal. Magkaibang tao pa rin sila. Kaya paano kayo nakakasiguro na kaya niyang gawin ang nagagawa ni Cee?"

Natahimik ang lahat na parang malapit ng makumbinsi ni Kiesha. Pero hindi ko hahayaan 'yon. "Why don't you try me?" mayabang ang pagkakasabi ko para sa mayabang na si Kiesha. "Patutunayan ko sa'yo na kaya ko."

"Fine." kalmado na ring saad ni Kiesha na akala ko ay handang makipagsabunutan. "Just don't let me see your flaws. Dahil mapatunayan ko lang na hindi ka karapatdapat dito...you'll be out!"

Ngumiti pa ako na sadyang nang-iinis kay Kiesha. "Kung mangyayari 'yan."

4point ONE

"Pupunta kana ba sa klase mo, Dee?"

Napalingon ako sa likuran ko bago ako tuluyang makalabas sa Theater. Natatandaan ko pa naman na Erika ang pangalan ng taong tumawag sa'kin ngayon.

"Yup." bukod sa bag, bibit ko pa ang makapal naka-bind na papel ng script na may kalakihan.

"Sabay na tayo. Hindi mo siguro alam na magkaklase tayo sa ilang subjects.

"Really?" Hindi niya ako masisisi kung hindi ko siya nakilala man lang dahil baguhan palang ako. "That's great. Buti naman. Mukhabg magkakasundo tayo."

"Gusto mo bang lumabas tayo minsan?" mabait na alok nito na kinatuwa ko. "Mahilig kaba sa night out? party?"

"Sure. Of course." Well, that's my thing. Ilang gabi ko ng hinahanap-hanap ang ganitong libangan.

"Then we'll do it sometimes." excited ding sagot nito. "I never thought na papayag ka. Well, iba ka nga talaga kay Cee. You're cool."

"Well, hot at the same time." pagdadagdag ko na nagustuhan nito.

Mukhang nakahanap na ako sa wakas ng taong kauri ko. "Hindi ba sumasama-sama si Cee sa paglabas-labas?" bakit ko pa nga ba naitanong, malamang hindi. Si Cee ang good daughter, at hindi basta gagawa ng kalokohan tulad ng pag-inom, wild party at kabaliwan na kaya kong gawin.

"Busy siya sa mga schedules niya. At, hindi siya mahilig...di tulad mo na di ko akalaing On-the-Go rin pala."

Sa sinabing iyon ni Erika, mas lalo ko siyang nagustuhan. Ang uri niyang tao ang kaya kong pakisamahan.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon