27

1K 36 5
                                    

TWENTY-SEVEN

Pagmulat ko pa lang ng mata kinaumagahan, bigla na akong kinabahan nang maramdaman kong masakit ang lalamunan ko. Nang sinubukan kong magsalita, nakumpirma ko ang kinatatakutan ko... wala akong masyadong boses.

Bigla akong nagpanic dahil bukas na ang final battle. Hindi ako pwede sa ganitong kondisyon na paos. Siguradong masisigawan ako ni Nate at mahihila ko pababa ang banda.

"Dee, okay ka lang diyan? Ba't parang hindi kana kumikibo diyan?" pansin sa'kin ni Jenna dahil ilang minuto na rin akong nakaupo sa kama na tulala.

Umiling lang ako bilang sagot. Ayokong magsalita dahil baka sakaling bumalik rin agad ang boses ko kung papahingahin ko pa ng mas mahaba.

Nang hindi na ako muling kinulit pa ni Jenna, muli akong napahiga dahil sa malaking problema na dinadala ko. Alam kong kailangang mabalik ang boses ko, pero mukhang kailangan kong unahin kung paano sasabihin sa kanila. Pero ayoko silang biguin.

Kailangan kong gumawa ng paraan. Kung hindi man mababalik ang boses ko, mukhang dapat kong makumbinsi si Sakura.

Mabilis akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Pagkalabas ko ng kwarto, si Gleigh na agad ang hinanap ko pero di ko makita.

"Good morning Dee..." bati ni Sam sa'kin na hindi ko naman magawang batiin pabalik kaya ngiti at tango lang ang nagawa ko. Ayoko munang ipaalam sa kanila ang malaking problema ko hanggang hindi ko pa nakakausap si Sakura na siyang tanging solusyon bukod sa paggaling ng boses ko na hindi ko sigurado kung babalik bukas ng gabi.

Ginala ko pa rin ang paningin ko para hanapin si Gleigh pero hindi ko pa rin siya makita. Hindi ko naman pwedeng tanungin si Sam o kung sino man dahil malalaman nila ang kondisyon ko.

Nang makita ko si Evan na pababa ng hagdan, awtomatikong nakahanap ako ng tagapagsalba. Pero nang lalapit na ako sa kanya, saka ko naman narinig ang tawag sa'kin ni Nate na papasok pa lang galing sa labas.

Shooot.

Kahit napabaling na ako kay Nate at alam niyang narinig ko ang tawag niya, napatakbo pa rin ako kay Evan. Hinablot ko ang braso niya para dalhin sa kwarto.

Bago pa man ibuka ni Evan ang bibig niya para magsalita, inunahan ko na siya. "I need your help. Paos ako! Hindi mo ako pwedeng tanggihan dahil ikaw ang may kasalanan.." Rumaragasa ang boses ko na pumipiyok-piyok habang nagsasalita.

Bahagyang nagulat din si Evan sa binalita ko dahil alam rin naman niyang bukas na ang final battle. Pero kumunot din ang noo niya dahil sa paninisi ko sa kanya. "Me?"

"Yes You! Pinagsisigaw mo ako, at di mo rin ako pinigilang kumain ng dalawang ice cream."

"Hawak ko ba ang sariling bibig mo?" natatawang saad ni Evan pero naglaho rin ng makita niya kung paano ako kaapektado at namomroblema. "Okay. How can I help you?"

"Ipagmaneho mo ako. Pupuntahan natin si Sakura. Siya ang magiging kapalit ko, dahil walang kasiguraduhan na babalik bukas ang maayos kong boses." Sa pagkapaos ko, hindi ko alam kung malinaw pang naiintindihan ni Evan ang pinagsasabi ko. "Ngayon na tayo lalakad.. at huwag muna nating ipaalam sa iba ang kalagayan ng boses ko."

"Okay." Sagot niya na hindi ko man lang naringgan ng pagtutol.

Mabilis kong pinaasikaso ng sarili si Evan bago kami lumabas ng kwarto, sinabihan ko siya na siya na ang bahalang magdahilan sa pag-alis namin dahil sa araw na 'to, naka-mute muna ako.

Nang makababa na kami, at matagumpay na ring nakapagdahilan si Evan, wala na sanang problema nang biglang nilapitan ako ni Nate.

"Pwede muna ba kitang makausap?"

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon