EIGHTEEN
Hindi naging madali sa'kin ang sumunod na araw. Mas naging iwas ako kay Nate. Halos hindi na kami nag-uusap sa dalawang araw na dumaan kahit man lang simpleng isang salita o pagbati. Maging tuwing lunchbreak, hindi na ako sumusulpot pa sa Cafeteria. Mas pinili kong magpacklunch at library ang naging pansamantalang tambayan ko. Pinangatawanan ko na ang pag-aaral para sa final exam na mas papalapit na. Seryoso ako sa pagpapataas ng sarili kong marka.
"Ang hirap.." lumabas na lang sa bibig ko ang kanina pang sinisigaw ng utak ko habang pilit na inuunawa ang nasa libro.
Nakakailang ulit na ako sa physics pero hindi ko pa rin makuha-kuha ang tamang sagot. "Errr. Suko na ako!"
Alam kong magiging madali sana 'to kung si Nate mismo ang magpapaliwanag kung paano makukuha ang tamang sagot, pero wala akong balak na humingi sa kanya ng tulong.
"Need help?"
Para akong nabuhayan ng may isang taong lumapit sa'kin para mag-alok ng tulong na kanina ko pa kailangan.
Nang iangat ko ang ulo ko, isang lalaking matangkad na payat at may kaputian ang tumambad sa paningin ko. Sa kabila ng pagiging payat niya, may magandang tindig siya na dahilan ng maayos na pustura niya. At dahil may salamin siya na mukhang may mataas na grado, bigla kong naisip na baka makatulong nga siya sa'kin. Mukha siyang matalino. Isa pa mukhang madalas siya rito sa library, na nangangahulugan lang na mahilig siya magbasa at mag-aral.
"Really?" Buhay na buhay ang pagkakasabi ko. "Matutulungan mo ba ako dito?" agad na inabot ko sa kanya ang aklat.
Sana siya na nga ang sagot sa problema ko. Dahil kung props lang niya ang salamin niya para magmukhang genius at fake rin lang ang pagmamagaling niya... I swear, babasagin ko ang salamin niya.
"Sure." Sagot nito na umupo sa tabi ko at nagsimulang nagsulat ng formula.
Sumunod na lang, nakita ko na lang ang sarili kong napapanganga sa galing ng pagpapaliwanag niya. Ang kaninang komplikado at nakaka-confuse na problem ay naging simple at napakadali na sa'kin.
"Wow. Ganun lang pala 'yon." Lumaki ang mga mata ko sa tuwa. Matapos niyang ipakita kung paano, nagawa ko na rin mag-isa na hindi na nangangailangan ng tulong niya.
"Simple lang naman. Kailangan mo lang magfocus para makuha mo ng tama."
Focus. Bagay na laging wala sa'kin sa tuwing tinuturuan ako ni Nate. Masyado kasi akong distracted sa kanya.
"Thanks. Baka dahil sa tulong mong ito, masalba ko ang sarili kong pangalan sa bottom list ng ranking."
Umiiling-iling na nagsalita siya. "I'm sure hindi ka malalagay sa dulo ng listahan, Morgan."
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbanggit niya ng last name ko. Nabibigla pa rin ako sa tuwing may mga taong hindi ko kilala na kilala ako. Napapaisip nga lang ako kung dahil sa pagiging kambal ko pa rin ni Cee o dahil sa pinakita kong galing sa theater.
"Deelan.. Dee!" Pagpapakilala ko habang inabot ko ang kanang kamay ko na tinanggap naman nito.
"Yuri Acosta."
Yuri Acosta? Bigla akong napaisip sa pangalan niya. Parang pamilyar na kasi sa pandinig ko.
"Ikaw yon!" muling namilog ang mata ko nang maalala ko. "Pangalan mo 'yong naririnig kong pinag-uusapan na ilang ulit ng nananalo sa brain competition. Congratulations!"
Napansin ko ang bahagyang pamumula ni Yuri sa simpleng pagpuri ko sa kanya. He's cute.
"Actually, ngayon lang ako nanalo. Noong nakaraang mga taon, runner up lang ako parati kay Cee."
BINABASA MO ANG
DEE One
Novela JuvenilDee is not as perfect as her twin sister Cee. Hindi siya kasing talino, kabuting anak at tapat na kaibigan tulad ng kapatid niya. Ang mukha lang nila ang tanging magkapareho, hindi ang pag-uugali't personalidad. Sa biglaang pagkamatay ni Cee, magsi...