TWENTY-FOUR
"WHAT?!"
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa bibig ni Gleigh. Gusto kong isiping niloloko lang niya ako, pero wala sa mukha niya ang pagbibiro.
"Seriously?.. So, It's Evan?!.." nakakapang-ilang ulit ko ng pagkumpirma kay Gleigh. "Nagustuhan ni Cee si Evan? That Evan over Nate?"
Kaya pala.. Kaya pala ganoon na lang kung makatingin sa'kin nang unang makita niya ako. Kaya niya ako hinalikan.
Nakaka-ilang ulit na rin ang pagtango ni Gleigh sa katanungan ko. "Oo nga. Ba't parang hirap kang paniwalaan 'yon?"
Umikot ang mata ko bilang unang sagot. "Hello? It's JUST Evan! Ni wala akong nakikitang espesyal sa kanya. Di hamak naman na..."
"Siyempre nasa kay Nate kang side kaya ganyan ka maka-react. At 'wag mong i-ja-JUST lang si Evan, dahil malakas ang charm niya. Baka makita mo na lang ang sarili mong nahuhulog na rin sa kanya."
"ME?" dinuro ko pa ang sarili ko. "Never. Kita mo naman kung gaano ako kainis sa kanya. Kumbaga, male counterpart siya ni Sakura pagdating sa level ng pagpapainit ng dugo ko. Mas higit pa nga, actually. Umaapaw. Kaya, NEVER.."
"Never say never.. Never say Never! Ohhhh." Birit ni Gleigh ng kanta. "Oh Never say Never..."
Hindi kaya napilitan lang si Cee? Or Evan blackmailed her. Posible 'yon, dahil hindi pa rin talaga ako kumbinsido na ipagpapalit lang ni Cee si Evan kay Nate. Ano ba ang nakita niya sa kanya? Well, goodlooks, check.. pero ganun din naman si Nate. Kung pagdating naman sa personality, kabaitan, at lahat lahat na, nasa kay Nate 'yon, bagay na wala kay Evan na mayabang at napakapresko.
Matapos kong malaman ang rebelasyong ito mula kay Gleigh, hindi na talaga ako matahimik sa kaiisip.
"Saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Gleigh nang bigla ko siyang tinalikuran.
"I need to talk to him!" At lumabas na nga ako ng kwarto para hanapin at makausap si Evan.
Parang ang tanging gusto kong gawin ay sigawan at sitahin siya. Masyado lang talaga akong apektado na hindi ko kayang palagpasin ang nalaman ko. Ang hangganan kong inis kay Evan ay parang may tinaas pa dahil ngayon.
Natigil ang paghahanap ko sa bahay nang makita ko si Evan sa labas habang nakahiga sa hammock kasama ang iba na sina Sam, Jacobo, Jenna at Nate.
Sandali kong pinagmasdan sila, partikyular na si Nate at Evan kung may tension pa ba sa pagitan nila dahil nga sa minsan na silang naging magkaribal. Pero parang maayos naman sila dahil nagagawa nga nilang magsama ngayon na parang walang nangyari.
"Excuse me.." agad na sabi ko sa kanila nang makalapit ako. Nasa gitna sila ng pag-uusap na si Evan ang nangunguna sa pagkuwento. Dumako ang tingin ko sa kanya. Di na talaga ako makapaghintay na makausap siya.
"Pwede ba kitang makausap, Evan?"
"Sugar?" awtomatikong sagot ni Evan na napuna agad ang tawag ko sa kanya.
Napabuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko sa nagsisimula na namang inis. "Evan..."
"Sugar?" muling makulit na sabi nito na walang balak sumuko.
Ramdam ko ang pabalik-balik na tingin sa'min ng iba. Alam kong unti-unti ng nagkakaroon sa kanila ng malisya ang pag-SUGAR sa'kin ni Evan.
Ako na mismo ang sumuko. "Can I talk to you, E?"
Ngumiti naman ito na parang ninamnam ang pagkapanalo. "Sure."
Nang tumayo na si Evan, nauna na akong umalis para sumunod na lang ito. Hindi ko rin gusto pang marinig ang pang-aasar na napansin kong may laman ang mga tingin.
BINABASA MO ANG
DEE One
Подростковая литератураDee is not as perfect as her twin sister Cee. Hindi siya kasing talino, kabuting anak at tapat na kaibigan tulad ng kapatid niya. Ang mukha lang nila ang tanging magkapareho, hindi ang pag-uugali't personalidad. Sa biglaang pagkamatay ni Cee, magsi...