3

1.5K 36 23
                                    

THREE

Matapos ang huling klase ko at kakaibang pinagdaanan ko ngayong araw na 'to, ramdam ko ang pagod na hindi ko inaasahang mararanasan ko sa unang araw na pagpasok ko sa Circle High.

Pero sa kabila ng lahat ng nakakapagod na araw, ang hindi ko pinakaaasahan ay ang magugustuhan ko ang kakaibang pangyayaring ito sa buhay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang maging si Cee. Gusto ko ang atensyon na binibigay ng lahat sa kanya na ngayon ay parang pinasang trono sa'kin.

Kanina lang, naliwanagan at naipakalat na sa lahat na walang multo si Cee o kung ano pa man. Malinaw na kambal ako ng taong lubos na hinahangaan nila. Bago rin ako tuluyang umuwi kanina, malinaw kong narinig na Dee na ang tawag ng iba sa'kin at hindi na ang pangalan ni Cee. Masarap sa pakiramdam na kilala na ako ng bawat nakakasalubong ko. At mukhang hindi na ako makakapaghintay pa sa mga susunod pang bukas na papasok ulit ako bilang isang importanteng tao at hindi na muling basta ordinaryong estudyante lang.

"Dee, sana naman bukas, palitan mo na ang itsura mo, 'yong sarili mo ng ayos. 'Yong tunay na ikaw, at hindi 'yong kay Cee." hininto na rin ni Gleigh ang sasakyan niya nang nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Let just say na pareho na kami ngayong style ni Cee. It's cool to have sweet and preppy looks pala. I totally like it."

"Pero Dee-"

"Gleigh, kung ang imahe ni Virheng Maria ang inaalala mo, well...sariling imahe ko na ngayon ang hawak ko. Nakita mo naman 'diba, alam na ng lahat na si Dee ako at hindi si Cee. At napatunayan ko naman siguro sa'yo kanina lang na wala akong balak na magpanggap sa kanila bilang si Cee. So, ano pa ang pinoproblema mo?"

"Hindi ko lang makuha kung bakit bigla kang bumalik? at bakit ngayon lang na hindi mo man lang naabutan ang burol? at ngayon sa Circle High kana mag-aaral?"

Hindi ko masisisi si Gleigh sa pagiging mausisa nito. "Bakit, ano bang iniisip mo ngayong rason ko, Gleigh?"

"Bumalik ka dahil wala na si Cee. Wala kanang kahati sa atensyon o kung ano pa man. Kung hindi pa siya namatay, hindi ka pa babalik dito." binigyan ako ng seryosong tingin ni Gleigh saka muling nagsalita. "Ngayon, sabihin mo Dee na mali ang hinala ko na gustong-gusto mo na nasa posisyon niya."

"Well, you're right." pag-aamin ko. Hindi ko na kailangan pang magsinungaling sa kanya. "But that doesn't mean na masaya ako na nawala si Cee. Kahit hindi kami magkasundo, hindi ko naman ipinagdasal na may mangyari sa kanyang masama. But I won't deny na nagugustuhan ko ang panibagong buhay ko ngayon na wala si Cee. At hindi mo naman siguro masisisi kung ganito man ang nararamdaman ko."

Hindi na rin nabigla pa si Gleigh sa naging sagot ko. "Ikaw pa nga rin talaga si Dee na kilala ko. Selfish."

"I know." kumilos na ako para bumaba sa sasakyan ni Gleigh. "So, tomorrow, don't forget to pick me up."

"At bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi mo ako driver."

"Because, I'm selfish. Kapag hindi mo ginawa, I assure you na tuluyang masisira ang imahe ng pinakamamahal mong bessy." Wala akong pakialam kung panggagamit o panggigipit man ang tingin ni Gleigh sa ginagawa ko sa kanya. Ito lang naman ang natatanging tingin kong epektibong panakot ko kay Gleigh para sumunod sa gusto ko.

3 point one

Pagmulat ko pa lang ng mata, dama ko na ang excitement sa muling pagpasok ng Circle High. Maaga akong gumising na hindi na nangangailangan pa ng alarm clock dahil mas nauna akong nagising dito. Mabilis ang naging pagkilos ko dahil mahaba-haba ang oras na igugugol ko sa pag-aayos ng buhok na kailangang ipatuyo muna sa blower bago makulot.

Sa ilang minuto lang, ang mukha muli ni Cee ang nakikita kong kaharap sa salamin. Sinong mag-aakala na darating ang ganitong araw na magugustuhan ko ang ayos ni Cee at mukhang aaraw-arawin ko pa. Wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa ko. Bukod sa napapasaya ko ang sarili ko dahil sa nakukuha kong atensyon, napapasaya ko rin naman ang ibang tao na nangungulila pa rin kay Cee.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon