SIX
Isang parusa ang pumasok sa ganitong kalagayan. Ramdam ko pa rin ang bahagyang pagkahilo at pananakit ng ulo. Mas mabuti-buti sana ang pakiramdam ko kung nakahiga lang ako sa bahay habang hinihintay na mawala ang ganitong parusa ng alak.
Alanganin ang oras ng pagpasok ko sa school. Hindi ko na sinubukan pang pumasok sa klase ko dahil late na rin naman ako. Gagamitin ko na lang ang ilang sandaling ito para makapagpahinga sandali. Hindi ko nga lang nagawa ang plano ko dahil sa paghilab ng tiyan ko na alam kong malapit na akong masuka. Pinuntahan ko ang pinakamalapit na comfort room at doon inalabas ang pinilit kong kinain na agahan kanina.
Napaupo pa ako sa bowl nang hindi ko na kinaya ang kakaibang timpla ng katawan ko. Ilang minuto akong nakapikit na parang gusto ko na lang itulog ang sama ng pakiramdam ko.
Dalawang boses ng babaeng nag-uusap sa loob rin mismo ng lugar na kinaroroonan ko ang gumambala sa pagpapahinga ko. Naagaw ang atensyon ko ng pamilyar na boses.
"Hindi siya pumasok ngayong araw. Hindi na siguro kinaya." tumatawa-tawang saad ng babae. I'm so sure that's Erika. "Nilasing ko siya kagabi, pero hindi ko inakalang hindi pala siya mapapatumba ng basta ng alak. Pero atleast, successful ako sa misyon ko dahil hindi siya nakapasok ngayon.:
Is she talking about me?!
"Hanggang kailan ba 'yan magtatagal na pagyaya mo kay Dee? Hindi kana tuloy namin nakakasama dahil sa misyon mong 'yan." saad ng kausap nito na hindi ko kilala ang boses.
"Until... mawala siya sa theater. Mamayang gabi nga, yayayain ko siya ulit. Para siguradong hindi na niya magagawa pang pag-aralan ang mga lines niya."
Muling tawanan ang tumambad sa pandinig ko. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa kanila. Humanda ka Erika!
Tumayo ako at lumabas ng cubicle para harapin si Erika pero wala na ito. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero kahit sa ganitong kalagayan ay di ko kayang gawin.
Mananagot ang mananagot! Humanda siya!
Eksaktong breaktime na, kaya alam ko kung saan ngayon hahanapin si Erika. Cafeteria!
Kung kanina hindi ko magawang lumakad ng diretso, ngayon ay parang hinigop ko ang buo kong lakas na ngayon rin lang lumabas sa nakatagong lungga.
Lumiwanag na ang kaninang nandidilim kong paningin. Parang tracking device na mabilis kong nahanap ang taong kinakukulo ko ng dugo ngayon. Kasalukuyansiyang kumakain kasama ang isang grupo na mukhang walang isang taong kabilang sa theater.
Kinuha ko ang chocolate icecream na nakalapag sa pinakamalapit na mesa. Wala akong pakialam kung sino ang may-aring pinagkunan ko, ang tanging pakialam ko lang ay ang taong pagbibigyan ko nito.
Malalaking hakbang ang ginawa ko dahil nangangati na ang paa ko na maabot ang kinaroroonan ni Erika. Nang makalapit ako sa kanya, walang pasabi at mabilis kong naipasok ang malamig na icecream sa loob ng damit niya. "Gutom pa yata ang malusog mong dibdib, Erika."
Isang nanyayanig na tili ang pinakawalan ni Erika na umagaw ng pansin ng lahat. Nang makita ni Erika na ako ang gumawa nito sa kanya, mukhang agad niyang nakuha ang pinagmumulan ng malaking pagbabago ko sa pakikitungo sa kanya.
"Surprise, surprise!" demonyitang saad ko.
"Dee, hindi ko alam kung bakit nagawa mo 'to. Pero wala akong nagawang masama sa'yo." halos mangiyak-ngiyak siya.
Una, inisip ko na napakahina naman palang kalaban ni Erika para umiyak mismo sa harapan ko na parang bata. Pero nang mapansin ko kung gaano karaming tao na ngayon ang nakikinig sa'min, doon ko lang narealize na isang pag-arte ang ginagawa nito para makuha ang simpatya ng tao.
BINABASA MO ANG
DEE One
Fiksi RemajaDee is not as perfect as her twin sister Cee. Hindi siya kasing talino, kabuting anak at tapat na kaibigan tulad ng kapatid niya. Ang mukha lang nila ang tanging magkapareho, hindi ang pag-uugali't personalidad. Sa biglaang pagkamatay ni Cee, magsi...