TWENTY-THREE
Masarap ang buong tulog ko nang biglang may naramdaman akong may humahaplos sa pisngi ko at biglang nasundan ng halik sa labi ko. Awtomatikong napadilat ako at napasigaw.
"Sino ka?!" tinulak ko siya palayo. "Stay away from me."
Halatang gulat na hindi maintindihan ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Ilang beses bumuka ang bibig niya para magsalita pero muli rin niyang sinara na parang hindi niya makuha kung anong sasabihin. Nang magtangka siyang lumapit sa'kin, umatras ako at hindi ko na napansin na nasa dulo na ako ng kama kaya sunod ko na lang nalaman, nahulog na ako.
Muli siyang nagtangkang lumapit sa'kin, awtomatikong inabot ko ang vase na malapit sa'kin at nang tangkang ihahataw ko na sa kanya, bigla rin niyang naagaw sa'kin. Nanlaban ako pero mas malakas siya at pareho kaming bumagsak sa kama. Napapailaliman niya ako habang hawak ang magkabilang kamay ko.
Muli akong sumigaw.
"Stop screaming like I'm a Rapist!.. It's me."
Nagpupumiglas pa rin ako, pero hindi ko magawang kumuwala. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya sa sinabi niya dahil hindi pa rin siya umaalis sa ibabaw ko. Pero kung tignan niya ako, parang kilala niya ako.
"Get off me.. Hindi kita kilala!"
"Paanong..."
Kitang-kita ko ang naguguluhang ekspresyon niya nang marinig niya ang sinabi ko. Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko na baka napagkakamalan niya akong si...
"I'm not Cee!" Mabilis kong sabi. "Kung iniisip mong si Cee ako, nagkakamali ka. Patay na siya. Kakambal niya ako!"
Sa kabila ng sinabi ko sa kanya at kahit parang medyo nalinawan na rin ang lalaki, hindi pa rin niya ako agad na pinakakawalan na parang nasa kalagitnaan siya ng dilemma.
Hanggang sa bumukas na ang pintuan at pumasok si Gleigh at ang iba na rumispunde sa naging sigaw ko. Para silang natulala sa inabutan nilang posisyon namin ng lalaki.
"Evan, let go of her!"
Saka rin lang niya ako pinakawalan dahil sa utos ni Gleigh.
"Sino siya? Kilala mo ba ang maniac na 'yan?" Mabilis akong dumikit kay Gleigh at nagtanong. "Nakita niyo naman-"
"Hindi 'yon mangyayari kung.." maagap na sagot ng lalaki na ngayon ko rin lang napansin na wala nga naman sa itsura niya ang pagiging maniac o rapist. "Muntik mo ng basagin ang ulo ko ng vase."
"You scared the hell out of me! And You kissed Me." Walang prenong sabi ko na ikinagulat ni Gleigh.
"Sorry about that, Dee.." maagap na sagot ni Gleigh na binigyan ng masamang tingin ang lalake. "Pero... bakit ka kasi napunta dito sa kwarto niya?"
"Gusto ko lang mapag-isa. Tutal bakante naman 'tong kwarto kaya... wait," Bigla akong natigilan, "kwarto niya 'to?!"
Tumango si Gleigh bilang pagkumpirma. "He's my stepbrother. And this is his room." Hindi na hinintay ni Gleigh ang reaksyon ko at bumaling ulit siya sa kapatid. "Let's talk, Evan.. Everybody out, please.."
23 point ONE
"Are you okay, Deelan?" tanong ni Nate na huling dumating nang makalabas na kami ng kwarto. Narinig na lang niya ang nangyari dahil sa mabilis na kwento ni Jacobo na walang pinalagpas na detalye. "Nasaktan ka ba?"
"Si Evan ang muntikang masaktan." Maagap na sagot ni Jacobo na ginagawa na namang katatawanan ang nangyari. "Buti hindi nabasag ang alin man sa vase o ulo ni Evan. Parehong mahal 'yon kung nagkataon."
BINABASA MO ANG
DEE One
أدب المراهقينDee is not as perfect as her twin sister Cee. Hindi siya kasing talino, kabuting anak at tapat na kaibigan tulad ng kapatid niya. Ang mukha lang nila ang tanging magkapareho, hindi ang pag-uugali't personalidad. Sa biglaang pagkamatay ni Cee, magsi...