TWENTY
"Early Bird?"
"Yeah. And you're late! Almost One hour na ako dito." sagot ko kay Nate at Jacobo na kararating rin lang na hindi sumunod sa eksaktong napag-usapang oras.
Ang bahay ni Gleigh ang napag-usapang tagpuan para sa magagananp na out of town ng grupo. Si Gleigh mismo ang nagplano at nagpumilit sa ideyang hindi lang para sulitin ang bakasyon ngayong sembreak kundi para na rin magrelax bago ang nalalapit na championship ng MUSICombat sa papalapit ng araw.
"No, Dee. Ikaw lang talaga 'tong advance! Hindi ka marunong sumunod sa Filipino time." Sagot ni Jacobo na hindi nauubusan ng rason. "Where's my Babe?"
"You know what, Jaco-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis akong tinalikuran ni Jacobo na umakyat na ng hagdan at pumasok sa kwarto ni Gleigh.
Muli ko na lang sinara ang bibig ko at binaling kay Nate. "Talk about manners!" nanlalaking matang sabi ko. "Where's Sam? and Sakura?"
"Sam is on his way. Si Sakura? I don't know." Binaba ni Nate ang dala niyang bag, saka muling nagsalita. "How about Yuri?"
Maraming nangyari sa sumunod at lumipas na buwan. Nasundan pa ng ilang paglabas namin ni Yuri matapos ang nangyaring unang date namin. Alam na rin ng lahat na nanliligaw sa'kin ngayon si Yuri, kaya madalas na rin siyang kasama sa grupo at maging sa mangyayaring lakad ngayon.
"May nangyaring emergency sa kanila. Hindi siya makakasabay pero susunod na lang daw siya."
"So, sinagot mo na ba siya?" Lumapit at umupo sa tabi ko si Nate na may mapanuksong tingin. "I heard, dinala ka ni Yuri sa bahay nila kahapon at pinakilala sa pamilya niya."
Si Gleigh pa lang nasasabihan ko sa bagay na 'yon... At hindi na nakakapagtaka kung bakit biglang lumipad ang balita.
Matapos ang pagkakaayos namin ni Nate noong nakaraang buwan, muli kaming naging malapit sa isa't isa na tulad ng dati. Pero ang pinagkaiba lang ngayon, mas alam ko na kung saan ako lulugar. Nakatatak na sa utak ko na hanggang pagkakaibigan lang dapat ang maramdaman ko para sa kanya.
"They're great! Ang babait nila." pagkukwento ko at dinetalye ko ang buong pangyayari at halos wala akong pinalagpas. Walang ibang ginawa si Nate kundi ang nakinig.
"..Non-stop ang usapan namin. Nakakatuwa sila. Lalo na 'yong mga kapatid niya... They're one big happy family. I like them."
"I can see that." Komento ni Nate na nabigyan ko rin ng pagkakataon na magsalita. "Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.. Sinagot mo na siya?"
"Not yet." Agad na sagot ko. Hindi mahirap sa'kin ang magkwento kay Nate ng kahit ano dahil magaling siya sa pakikinig at pagpapayo. Kaya ang mga ganitong bagay na pagbabahagi sa kanya ay naging normal na rin sa'kin at nakakasanayan ko na.
"At kelan mo balak?" muling tanong ni Nate. "He's a nice guy. At hindi ko alam kung bakit pinapatagal mo pa ang bagay na 'yon."
Si Nate ang pumapangalawa na boto kay Yuri para sa'kin. Si Gleigh lang naman ang nagunguna na mas makulit sa pagpipilit sa'kin.
"Yon na nga ang problema. He's a NICE guy! I don't know if I'm good enough for him. He's perfect, and I'm just.. I always feel like, hindi ako karapatdapat sa kanya."
"Not again Deelan!" maagap na saad ni Nate na pinandidilatan ako.
Kay Nate ko lang kasi napapakita ang mababang tiwala sa sarili ko. Kapag nasa harap ako ng ibang tao, yabang at tapang ang ipinapakita ko na isang malaking kasinungalingan. Puno pa rin ako ng insecurities. Madalas na si Nate ang gumagamot noon sa pamamagitan ng mga nakakapagpalakas ng loob na mga salitang galing sa kanya.
BINABASA MO ANG
DEE One
Teen FictionDee is not as perfect as her twin sister Cee. Hindi siya kasing talino, kabuting anak at tapat na kaibigan tulad ng kapatid niya. Ang mukha lang nila ang tanging magkapareho, hindi ang pag-uugali't personalidad. Sa biglaang pagkamatay ni Cee, magsi...