28

1.1K 40 7
                                    

TWENTY-EIGHT

Umagang-umaga pagkagising na pagkagising ko, isang malakas na tili ang pinakawalan ko na naging dahilan para biglang bumukas ang kwarto at nababahalang pumasok sina Gleigh at Jacobo na siyang unang nakarinig ng tili ko.

"Bakit?!" Ginala ng dalawa nila ang mata sa'kin at sa buong kwarto para tignan kong may nangyaring hindi maganda o may nakapasok na magnanakaw.

Isang abot tengang ngiti ang sinagot ko sa kanila. "Bumalik na sa ayos ang boses ko!"

Tumatalon-talon na nilapitan ako ng dalawa para yakapin. Nagsisisigaw na rin sila sa tuwa. Para kaming mga tanga na lumulundag lundag na magkakaakbay.

Sumunod ding sumulpot sa kwarto sina Sam, Evan at Nate.

"It's back!" masayang anunsyo ko sa tatlo na huli sa balita.

Tumalon-talon na rin si Sam at Evan na sumama na rin sa pag-akbay. Daig pa namin ang nanalo sa lotto. Natigilan lang kami sa sigaw ni Nate na pilit kinukuha ang atensyon namin.

Kunot ang noo niya na parang galing sa ibang panahon. "What's happening? Mind to explain...?"

Tumingin sa'kin ang apat. Si Sam ang nagsalita. "Akala ko sinabi mo sa kanya kagabi.."

"Sinabi ko nga!" sagot ko, saka bigla akong napatawa. "He was drunk. Nakalimutan niya!"

Nagsitawanan din ang lahat maliban kay Nate. "Nakalimutan ang alin? Ano ba talaga ang nangyari?"

Nang tangkang magpapaliwanag si Jacobo, pinigilan ko siya. "Walang magsasabi sa kanya!"

Kung walang magpapaalala kay Nate, mahihirapan siyang alalahanin ang nangyari kagabi. Hindi ko hahayaang maalala niya ang parteng nawala ako sa sarili ko at hinalikan siya.

"Yeah. I like that idea." Natatawang pagsang-ayon sa'kin ni Gleigh. "Hayaan nating maging clueless si Nate kung gaano tayo kasaya ngayon."

Muli kaming nagtatatalon na magkakaabay maliban kay Nate. Wala kaming nagawa kundi ang tumawa dahil sa walang kapantay na saya.

"Naamoy ko na ang tagumpay natin, guys. We will win this thing, mamayang gabi! Ang nangyari ngayong himala ay isang senyales na mananalo tayo!"


28 point ONE

"Wala ba talaga kayong balak sabihin sa'kin kung anong nangyari kagabi at dahilan ng pagtatatalon niyo na parang baliw kanina?"

Kasalukuyang nasa daan na kami papunta sa gaganapan ng final battle ilang oras mula ngayon. Si Nate ang katabi ko sa pwesto sa sasakyan at hindi pa rin niya ako tinatantanan sa tanong na hindi ko binibigyan ng sagot.

"Baliw?" bahagya akong natawa. "Kung alam mo lang ang pinakadahilan ng pagiging baliw namin... I'm sure, nangunguna ka sa paglundag-lundag at pagsigaw-sigaw kanina."

Napabuntong hininga si Nate na parang napagod at nawalan na ng gana sa kakausisa. Inagaw na lang niya sa'kin ang magazine na hawak ko at nagbasa. Pero ilang sandali rin lang, sinara rin niya ang babasahin at binalik ang tingin sa'kin.

"What?" tanong ko sa biglaang baling niya.

"Ano nga pala ang nangyari sa lakad niyo ni Evan kahapon?"

Nagpipigil akong tumawa. Habang si Gleigh na nasa unahan namin ay nakisali na rin. "Nate, wala ka talagang maalala na kahit anong sinabi sayo ni Dee noh... Kawawa ka naman. Memory blank."

Nagpakita ng nawawalang pasensyang ngiti si Nate. "Kung may sasabihin kasi kayo kahit kaunting detalye, mabubuksan sana ang utak ko." Bumaling sa'kin si Nate. "At ano naman ang kinalaman ng lakad niyo ni Evan sa nangyari kahapon?"

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon