SEVENTEEN
"Deelan, are you okay?"
Mula sa kinakain kong almusal, nalipat ang tingin ko kay mama dahil sa tanong niya. May pag-aalala sa boses niya, kaya di ko alam kung bakit niya biglang natanong ang bagay na 'yon. Maayos naman ako. In fact, hanggang ngayon nangingibabaw pa rin ang saya ko.
"Sure Ma. I'm okay. Why?" Gusto ko ang nakikita kong pag-aalala kay Mama. Simula noong nasaksihan nila ang pagtatanghal ko, naging parang smooth na ang lahat. Nakapag-usap kami ng maayos at pinangako kong hindi ko na rin pababayaan ang pag-aaral ko.
"Kinausap kasi ako ni Cecil..."
Nate's Mom. Mukhang alam ko na ang bagay na sinabi sa kanya.
"It's about me?" hindi nagtatanong ang tono ng pagkakasabi ko. "I know, Ma. Hindi niya ako gusto. Tingin niya masama akong impluwwensiya sa anak niya... na may kakayahan akong sirain ang buhay ni Nate dahil kamukha ko si Ceeline.."
"Deelan,"
"Ma, Wala akong balak guluhin ang buhay ng anak niya. Ang totoo, si Nate pa nga ang nagpabago sa'kin at sa pananaw ko.. sa mga bagay na hindi ko maintindihan noon. Wala naman sigurong masama kung maging malapit ako sa kanya, diba?"
Tumango si mama na kumbinsido sa sinabi ko. Pinaniniwalaan at naiintindihan na niya ako. "Kakausapin ko si Cecil. Papaliwanagan ko siya."
Napangiti ako dahil narinig ko ang bagay na gusto kong marinig sa kanya. Hindi na tulad noong dati na hindi kami nagkakasundo sa kahit isang bagay.
17 point ONE
Nang pumasok ako nitong umaga, hindi ako sigurado pero parang naramdaman kong may nag-iba kay Nate. Kanina lang sa klase, hindi siya masyadong nakikipag-usap. Nagsasalita lang siya sa tuwing tinatanong ko siya. At kung sumasagot naman siya, lahat limitado na parang wala siya sa mood sa mahahabang usapan. Iniisip ko na baka masama lang ang timpla niya o masama ang pakiramdam o may problema.
Matapos ang huling klase namin sa umaga, ako ang pinakahuling dumating sa grupo namin sa Cafeteria dahil kinailangan ko pang isauli ang libro sa library. Wala na ngang masyadong pila sa counter, kaya hindi ako masyadong natagalan pa. Nagsimula akong humakbang sa direksyon papunta sa naging permanent table na namin tuwing lunchbreak.
Nasa malayo pa lang napansin kong ako na lang pala ang kulang sa grupo na halos papatapos na ring kumain. Habang magkakaharap sila, napansin ko na parang bumalik na rin sa normal ang mood ni Nate na naabutan kong siya mismo ang nasa kalagitanaan ng pagkukwento.
"Hi." Masayang bungad ko. Dalawa pa ang bakanteng upuan. Ang isa ay ang sa kaliwa ni Gleigh at ang isa naman ay sa tabi ni Nate. Mas pinili kong umupo sa tabi ni Nate. Para kasing namiss ko siya dahil hindi ko siya masyadong nakakausap kanina pang umaga.
"Nagtampo ba sa'yo si Basty?" pagbubukas ko ng usapan kay Nate.
"Huh?"
Hindi agad nakuha ni Nate ang tinutukoy ko kaya mas nilinaw ko. "Diba sabi mo baka magtampo siya kung hindi ka makauwi ng maaga kahapon." pagpapaalala ko.
Binuka ni Nate ang bibig para magsalita pero muli niyang sinara. Nang parang nakuha na niya ang sasabihin muli na siyang nagsalita. "Ye-yeah Right. No, hindi siya nagtampo."
Naghihintay pa ako ng sunod na sasabihin ni Nate pero mukhang wala na siyang balak pang magkuwento.
Hanggang sa napansin ko na lang na mukhang sa'kin lang siya ganito na hindi gaanong nakikipag-usap.
"May problema ba Nate?" Bigla ko na lang natanong sa kanya. Nagsitinginan din sina Gleigh at ang iba na parang may alam sa nangyayari. Hindi ako ganoon kasensitibo pagdating sa iba, pero napansin ko na may mali.
BINABASA MO ANG
DEE One
Teen FictionDee is not as perfect as her twin sister Cee. Hindi siya kasing talino, kabuting anak at tapat na kaibigan tulad ng kapatid niya. Ang mukha lang nila ang tanging magkapareho, hindi ang pag-uugali't personalidad. Sa biglaang pagkamatay ni Cee, magsi...