5

936 35 14
                                    

FIVE

It's Monday.

Nasa klase ako muli ni Mrs. Manlangit. Pagkarating na pagkarating niya, agad siyang nagsimula ng pagtututro na ikinahinga ko ng maluwag. Marahil ang pagiging matanda niya ang dahilan ng pagiging makalimutin nito na siyang ipinagpapasalamat ko. Dahil kung ganoon ngang nakalimutan na niya ang tungkol sa tula, makagagawa pa ako mamayang gabi, at ipapasa ko na lang sa kanya bukas.

Mas lalong naging relax ang utak ko nang makita ko ang oras na eksaktong sampung minuto na lang ang natitira at makakawala na ako sa nakakaantok na klase ni Mrs. Manlangit.

Nauna na akong naghanda ng pagpasok ng ilang gamit sa bag na hindi man lang hinihintay ang dismissal ni Mrs. Manlangit. Bigla lang akong natigilan sa ginagawa ko nang bigla kong narinig na tinawag niya ang pangalan ko.

"Bakit po, ma'am?" Nahuli ba niya ako? Mali ba ang magsuli ng gamit sa bag?

Nang ngumiti si Mrs. Manlangit na mukhang hindi ang pinasok kong gamit sa bag ang kailangan niya sa'kin, nagsimula na akong kabahan.

"Gusto kong marinig ngayon ang tulang ginawa mo Ms. Morgan. Come here infront."

Shooot! Parang halos hindi ako makagalaw.

"Ms. Morgan?" Pag-uulit ni Mrs. Manlangit. "Make it fast, bago pa mawala ang natitirang oras."

Parang mas gugustuhin ko pa ngang maubusan ng oras. Pero ang pag-cheer ng buong klase ang mukhang hindi ko na ngayon matatanggihan. They're expecting a lot from me. I need to do this. I have no choice.

Tumayo ako dala ang isang papel. Habang nakaharap sa lahat, binasa ko ang laman ng papel na may apat na stanza. "Nightfall..." binasa ko ang tula na may emosyon ang bawat salita mula ulo hanggang paa.

Nang matapos ko ang pagbabasa, hindi ko alam kung nagustuhan ng lahat ang narinig nila dahil masyado silang tahimik. Pero nagbago ang akala ko nang nagsimulang pumalakpak si Mrs. Manlangit.

"Wow. You're a natural born poet Ms. Morgan." Puri ni Mrs. Manlangit na halatang bilib na bilib. Bumaling siya sa klase saka nagsalita. "Palakpakan naman natin ang magaling niyong classmate."

Napangiti ako sa sandaling oras na 'yon na parang pakiramdam ko nasa akin ang atensyon ng lahat. Masaya. Nakakatuwa. Natigilan nga lang ako nang napansin kung may nag-iisang taong hindi man lang pumapalakpak. Si Nate.

Hindi ko mabasa ang iniisip niya, pero natitiyak kong may kung ano mang hindi ito nagustuhan. Dagdag pa ang pagtayo nito na walang paalam na umalis ng klase.

5 point ONE

Matapos ang kabila-kabilang papuri sa'kin ng mga kaklase ko, agad din akong humiwalay sa kanila para hanapin si Nate. Gusto ko lang makasigurado kung okay lang siya. Hindi ako ang tipo ng tao na mapag-alala sa kahit na sino maging sa sarili kong pamilya. Kaya hindi ko alam kung bakit biglaang naging ganito ako ngayon.

"Nate..." tawag ko kay Nate na natagpuan ko sa tambayan ng banda. Gaya ng dati, hindi lang ito nag-iisa dahil naroon din sina Jacobo at Sam. Dumagdag pa si Gleigh na kararating din lang na halos kasunod ko.

"Bakit mo ako sinundan?" kapansin-pansin ang malamig na tono ng pagtanong ni Nate.

"Are you okay?" tanong ko na hindi ko mapaniwalaang may concern sa boses ko. "Bigla ka kasing umalis kanina... is there any problem?"

"Nothing."

Maikling sagot nito na ikinaluwag ng pag-aalala kung masama ang pakiramdam niya o kung ano pa man. Wait, pag-aalala? What's happening to me?

"Did you like my poem?" pagbubukas ko ng usapan. Gusto kong marinig ang opiniyon rin niya. Marami akong papuring natanggap, at mukhang mas sasaya kung may maririnig din akong positibong komento mula kay Nate.

"Your Poem?" muling bumalik ang panlalamig niya na may kung anong hindi nagustuhan sa sinabi ko. "Ikaw ba talaga ang nagsulat ng tulang 'yon?"

Hindi agad ako nakakibo sa hindi ko inasahang magiging balik niya. Deny it Dee. Deny!

"Of course, I did." Pagsisinungaling ko sa paraang hindi mahahalata sa tono ko. "Pinaghirapan ko 'yon at di ko nga inakalang magugustuhan ng lahat." That was a lie. Wala akong sinulat na tula. Kay Cee iyon.

Bago pumasok kaninang umaga, aksidente kong napakialaman ang gamit ni Cee dahilan para makita ko ang isang tulang sinulat nito. Wala akong naisulat na tula sa kabila ng mahigpit na pagpiga ko sa sarili kong utak, kaya hindi na ako nag-alinlangan pang kopyahin ang gawa ni Cee. Walang pagdadalawang isip na kinopya ko ang bawat eksaktong linya.

"Really?" mapaghinala ang pagkakasabing ito ni Nate.

Mukhang kailangan ko pang igihan ang pagsisinungaling. "Oo naman."

"Paano kung sabihin ko sa'yo ngayon na eksaktong magkapareho ang tulang sinulat mo sa tulang narinig ko mula kay Cee ilang buwan na ang nakakaraan."

"No, that was mine. Baka nagkakamali ka lang." pagmamatigas ko pa rin kahit na huling-huli na ako.

"I actually have a copy of that poem. She wrote that for me. You want to see the proof? O baka gusto mong marinig mula sa bibig ko dahil memoryado ko ang bawat salitang nakasulat sa tulang 'yon."

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita habang dama ang masamang titig ni Nate.

"Was that a twin sister's instinct?" mapait na saad niya habang kita ang disappointment. "I don't think so. That was a plagiarism."

Bigla't bigla parang gusto ko na lang takasan ang katawan ko at iwanan ang pagiging Deelan Morgan. At parang mas lumaki pa ang pagkapahiya ko dahil sa presensiya nina Sam, Jacobo at Gleigh na malinaw na narinig ang lahat.

Habang lumilipas ang segundo ng pagkatayo ko, hindi ko na matagalan ang masamang tingin ni Nate at kahihiyang nakukuha ko sa harapan ng apat na tao. What more kung sinabi 'to ni Nate sa buong klase kanina? So should I have to thank him for that? Never. Pinahiya man niya ako o hindi, alam kong dapat na layuan ko na siya.

Nang hindi ko na makayanan pa, ikinilos ko na ang mga binti ko para umalis, pero bago ko pa man malagpasan ang pinto, nagtama ang mata namin ni Gleigh. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi siya nagsalita o nanumbat pero sa lahat, hindi ko matatanggap ang ekspresyon na nakita ko sa kanya na hindi galit kundi pagka-awa. That's the look that I really hate! Ayoko ng pinagkakaawaan.

I'm so pathetic! Sana hindi ko na lang sinundan si Nate.. Ito pa pala ang mapapala ko nang dahil sa isang concern. Stupid concern.

5 point TWO

Kinagabihan, wala ako sa mood mag-aral ng lines ko para sa play, at lalong wala ako sa mood para mag-aral ng mga aralin ko. Kailan nga ba ako nagka-mood sa ganitong bagay? As far as I know, hindi ito ang hilig ko.

Buti na lang tumunog ang phone ko. Kahit hindi ko tignan kung sino iyon, alam kong si Erika lang ang tatawag sa'kin sa panahong ito.

"Hello!" sagot ko rito at nakinig sa sinasabi nito. "Oo naman. Walang problema sa'kin. I'm always free."

Monday night? So what? Sinong nagsabing Friday night lang pwedeng lumabas? Isa pa, ito ang kailangan ko ngayon. I want to forget.

�u

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon