29 ♫

2K 77 29
                                    

TWENTY-NINE

Back to school.

Matapos ang mahaba-habang bakasyon ng sembreak, balik-eskwela na naman. Tatak na tatak pa rin sa'kin ang nangyaring pagkapanalo ng Cricle Band sa final battle noong isang gabi. Pagkatapos ng gabing 'yon, inumaga kami ng celebrasyon. Bumalik rin ang pamamaos ko dahil sa walang tigil na kasisigaw. Buti na lang wala ng second round ang battle.

"Hanggang ngayon wala ka pa ring boses?" salubong sa'kin ni Gleigh nang marinig niya ang rumaragasang boses ng pagbati ko.

"Gumaling-galing na nga kahit papaano." Mas malala ang boses ko kahapon at noong isang araw na halos walang wala talaga.

"Para kang out of tune radio. Ang sakit sa tenga. Wag kana nga munang magsalita pwede." Pagbibiro ni Gleigh na tinotoo ko dahil kung masakit sa tenga para sa kanyang pakinggan, masakit naman sa lalamunan ko ang pilit na magsalita.

Nang marating namin ang Circle High, panay ang pagbati at pagcongratulate ng bawat makakasalubong naming estudyante. Mukhang lahat-lahat sa kanila ay naroon rin ng gabing 'yon base na rin sa buka ng mga bibig nila na halos ikwento ang buong detalye ng simula hanggang matapos.

Bago kami tuluyang pumasok ni Gleigh sa classroom, pinigilan ko muna siya para may linawin akong bagay. "Gleigh, mamaya nga palang snack at lunch break, hindi ako sasabay sa inyo."

"What? Bakit naman?"

"Ahmm..." Hindi ko napaghandaan ang idadahilan ko. Mukhang bumabalik na naman ang katangahan ko. "Niyaya ako ni... ni Adela. May pag-uusapan lang kami."

"Okay." Agad na sagot ni Gleigh na hindi naman nahalata ang pagsisinungaling ko.

Sinamantala ko na ang pagkakataon. "Pati nga pala mamayang uuwian, hindi ako makakasama sa bahay ni Nate."

Kumunot na ang noo ni Gleigh. "Bakit naman? Birthday ni Nate! Dapat nandoon ka rin."

"Ahmm.. Pi-pinapauwi ako ng maaga ni mama. Dadating kasi sina Kuya Nick, may lakad kaming pamilya." Pagsisinungaling ko para pagtakpan ang totoong dahilan.

Kailangan kong pangatawanan ang paglayo muna kay Nate. Ano naman kung wala ako sa birthday niya? Hindi ko naman 'yon kawalan at mas lalong hindi 'yon kawalan ni Nate. Isa pa, siguradong nandoon si Jenna gaya ng sabi ni Gleigh na pupunta rin daw kasama si Tina. Ayokong makaramdam ng kahit ano. Hindi makakatulong sa ginagawa kong pag-move on. Idagdag pa na galit sa'kin ang mama ni Nate, at hindi na rin maganda ang tingin sa'kin ni Basty, baka makasira lang ako sa okasyon.

"Baka naman pwede kang sumaglit o humabol man lang?!" pangungulit ni Gleigh na inaasahan ko na.

"Okay. Hahabol na lang ako." Muling pagsisinungaling ko para matigil lang ang pangungulit niya. Wala talaga akong balak humabol.

Ngumiti na rin si Gleigh na pinaniwalaan ako. "May gift kana para kay Nate?"

Umiling ako. "Kailangan pa ba 'yon? Ang laki na ni Nate para regaluhan noh."

Tumaas ang kilay ni Gleigh. "Ba't parang biglang ganyan ka kay Nate? Hindi ka naman dating ganyan huh.. Napansin ko simula noong celebration natin after ng final battle, bigla kang tumabang. Wala kana ring masyadong gana maglabas noong isang araw na nagyaya kami. Bumabalik na ba ang dati mong sungay?"

"Ba't ang dami mong sinabi?!.. matapos ang battle, siyempre wala na ako sa mood maglalabas kasama niyo dahil sa boses ko. At tungkol naman sa birthday... Sadyang hindi lang talaga ako mahilig magbigay ng regalo ever since. Maging ang makatanggap ng regalo. Hindi ako ganoon ka-obssessive sa birthdays na parang ordinaryong araw rin lang naman kung iisipin.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon