10

993 36 25
                                    

TEN

Sunday.

Tanghali na ako nagising. At sa pagmulat ko ng mata, isang batang babae ang hindi ko inaasahang bubungad sa harapan ko.

"Hi, tita Cee."

Ilang ulit ba akong tatawagin ng mga bata sa maling pangalan?

Gaya rin lang ng nangyari sa unang pagkikita namin ni Basty, inilayo ko ang sarili ko sa bata at malaking pag-iiwas sa yakap nito.

Hindi ko na kailangan pang tanungin ang sarili ko kung sino ang batang babae na mukhang nasa anim na taong gulang ang tantiya ko.

"I'm not Cee. Bu't I'm your tita." Parang hindi bata ang kausap ko sa paraan ng pagpapakilala ko. Hindi na ako magtataka kung hindi ako kilala ng sarili kong pamangkin dahil ganoon din ako sa kanya na hindi ko alam ang kahit unang letra ng pangalan. "Your dad is here?"

"Yes. Down with mom and lola."

Bumangon din ako agad na hindi pinansin ang nagtatakang mukha ng bata. Wala akong talento sa pagpapaliwanag ng mga komplikadong sitwasyon sa mga bata. Nang huling beses kong ginawa 'yon, nauwi lang sa pagkainis sa'kin ni Nate.

Lumapit agad ako kay Kuya Nick at sa asawa niyang si Catherine na pansamantalang natigil ang pakikipagkwentuhan kay mama. "Kuya, hindi ko alam na darating kayo."

"Madalas naman talaga kaming dumadalaw dito. Ikaw lang naman ang hindi. Buti naisipan mong bumisita."

Walang kadating-dating ang unang bati sa'kin ng nakakatanda kong kapatid matapos ang ilang taon di kami nagkikita. Pero naiintindihan ko naman 'yon dahil hindi naman talaga kami naging ganoon kalapit sa isa't isa ni Kuya. Mas malapit sila ni Cee simula pagkabata. "Hindi lang ito bisita. Sa Circle High na ako nag-aaral ngayon."

"Ba't ngayon lang Deelan?" singit ni Catherine na hindi ko gusto ang pagiging mausisa na parang akala mo ay nagmamalasakit. Kahit kailan, hindi ko nagustuhan ang ugali ng hipag kong plastik.

"Bakit? Dapat ba bukas? Or sa makalawa? Dapat pala tinawagan at tinanong muna kita bago ako umuwi dito." Hindi ko matago ang pagiging sarkastiko.

"Bakit ganyan kana magsalita Deelan? Ano ba ang nagawa ko sa'yo?"

Pinaaalala lang sa'kin ni Catherine ang pagmumukha ni Erika at Kiesha. "Pati ba naman dito sa bahay, may isa ring batikang artista. Ba't di mo subukang magtheatro Catherine."

"What's this Deelan?" suway ni Kuya na hindi na nagugustuhan ang makahulugan kong salita.

"Sinasabi ko lang na may potential si Catherine sa theater." Ni minsan hindi ko tinawag na ate ang hipag ko. At hindi mangyayari 'yon. "Nasabi ko lang 'yon kasi, kasali ako sa school. Nasa akin ang leading role." Hindi ko alam kung pagtatakip o pagyayabang ang ginawa ko, pero alin man sa dalawa, mukhang huli na ng maalala kong wala na pala sa'kin ang role na 'yon.

"Really, Dee? Ba't ngayon mo lang nasabi 'yan sa amin? I'm happy for you." halatang masaya si mama sa narinig na balita mula sa'kin. Pero hindi ko magawang isipin na masaya lang si mama, dahil sa wakas may nagawang tama ang kanyang masamang anak.

"But that's Cee's role right?" muling pang-iinis ni Catherine sa kabila ng matamis na ngiti nito. "Hindi ba dapat, hindi mo na lang tinanggap. Kasi diba..."

"That's okay. Wala namang masama roon." Singit ni mama na hindi ko inaasahan. "Isa pa, alam naman nating lahat na maiintindihan 'to ni Cee. Alam kong masaya si Cee na si Dee ang naging kapalit niya sa iniwan niyang role."

"Kung ganoon, dapat lang siguro na icelebrate natin 'to." Ngayon, sigurado na akong pagyayabang na ang ginagawa ko para lang inisin si Catherine. Kung alam lang ni mama na walang dapat ipagdiwang na kahit ano.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon