13

1.1K 40 7
                                    

THIRTEEN

3 weeks later.

Hindi ako makapaniwala na mamayang gabi, tuloy na tuloy na ang big event. Hindi ko mapigilang kabahan o matakot sa mangyayari mamaya. Pagkakataon ko na para patunayan ang sarili kong kakayahan. Mamaya nandito na rin sina mama at papa para panoorin ako. Wala akong ibang gustong mangyari kundi ang marinig mismo sa kanila ang matagal ko ng hinihintay... ang ipagmalaki rin nila ako.

"Ready kana ba Dee?"

Ngumiti ako kay Gleigh. "More than ready." Pagyayabang ko kahit hindi naman talaga 'yon ang eksaktong nararamdaman ko.

Isang palakpak ang narinig namin na ikinabaling namin ni Gleigh. Si Kiesha.

"Wow, you're so, so ready! Bravo!" sarkastikong saad nito.

"Jealous?" ganti ko. "Di mo pa rin taggap na hindi ikaw ang napili. What a loser!"

Kahit kitang apektado si Kiesha sa sinabi ko, nanatiling kalmado lang siya na magaling pagdating sa pagpipigil sa sarili. "Well, sorry to say but I'm not. At hinding hindi manyayari 'yon. Sino ka para kainggitan? Kung ikaw man ang napili sa role, hindi 'yon dahil sa kakayahan mo. Kundi dahil sa kamukha mo lang si Cee. Kaya 'wag sanang lalaki ang ulo mo. Mamaya sa oras na sumampa ka sa stage, makikita mo kung gaano ka hindi karapatdapat sa role." Agad ding umalis si Kiesha matapos niyang sabihin ang mensahe niya sa'kin.

Ang totoo, tinamaan ako sa salitang binitawan niya. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi makakailang tama siya. Kung hindi dahil sa mukhang kaparehong-kapareho ng kay Cee, hindi ako mapipili. Kay Kiesha sana mapuputa ang role at hindi sa'kin. Kaya may karapatan lang talaga siyang magalit sa'kin. Ganoon din ang naramdaman ko noong mga panahong galit na galit ako kay Cee. Lagi kong iniisip kung bakit lagi na lang siya, kung bakit di naman ako. Kung gaano ka-unfair ang tingin ko noon sa mundo, ganoon rin lang ang nararamdaman ngayon ni Kiesha. Higit sa lahat ako dapat ang makaintindi sa kanya... dahil pareho lang kami.

"Okay ka lang, Dee?" nag-aalalang tanong ni Gleigh na napansin ang pagiging apektado ko. "Huwag mo na lang siyang intindihin. That's the rule number one."

Tumango ako kay Gleigh, pero hindi nangangahulugang sumasang-ayon ako sa kanya. Dahil hindi ko maiwasang hindi intindihin ang sinabi ni Kiesha.

Nagpaalam muna ako kay Gleigh at nagdahilan para magbanyo pero ang totoo, gusto ko munang mapag-isa. Bigla't bigla parang nawalan na ulit ako ng tiwala sa sarili. Parang gusto ko na ring umatras para sa mangyayaring play mamaya.

Ayoko na. Bakit ko pa ba 'to gagawin? Hindi naman mababago ang tingin sa'kin ng lahat. Wala pa ring makakaintindi sa'kin. What's the sense?

13 point ONE

Isang oras na lang magsisimula na ang play nang makapagdesisyon akong umatras na lang. Sa halip na pumunta sa theater kung saan nag-aabala na ang lahat sa mangyayaring event, mag-isa akong nagkulong sa teritoryo ng banda.

Sunud-sunod na tunog mula sa phone ko ang narinig ko. Mga text at tawag mula kay Adela at Gleigh. At iisa lang ang mensahe: Where r u? Malapit na magsimula..

Pinatay ko ang phone ko at tinago sa bulsa. Para saan pa? mas magagampanan ni Kiesha ng maayos ang role. Matagal niya 'yon pinagdasal na makuha mula kay Cee. Pareho ko lang siya na naging anino ng taong hindi namin matalo-talo. Kinailangan pa niyang mamatay bago mapasa sa'min ang trono niya.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Binaling ko ang atensyon ko sa piano na nasa harapan ko. Pinikit ko ang mga mata ko, saka tumugtog. Sa isang iglap, parang nasa ibang mundo naman ako.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon