22

1K 33 3
                                    

TWENTY-TWO

Saktong alas singko na ng hapon nang magising ako. Wala ng ibang tao sa kwarto kundi ako. Medyo masakit ang ulo ko dahil na rin siguro sa napasobrahan na sa oras ng tulog. Alas kwatro na ako ng umaga nakatulog kanina, kaya kong bibilangin man, lagpas na sa 8 hours sleep.

Tinatamad pa akong bumangon sa kama, kaya nagpalipas pa ako ng 30 minutes na paghilata. Maya-maya, nagawa ko na ring tumayo at pumasok ng banyo.

Hindi ko alam kung paanong nagawa kong maligo at mag-ayos ng sarili sa loob ng napakaikling minuto. Nalaman ko na lang na tumatakbo na ako pababa ng hagdan para hanapin ang iba.

"Jacobo, nasaan ang iba—" hindi ko na natapos ang tanong ko dahil naagaw na ang buong atensyon ko ng nakikita ko.

Mula sa hindi kalayuan, masayang nagtatawanan si Nate at Jenna. Si Sam naman tinuturuang rumugtog ng guitara si Tina habang si Chris at Sakura naman ay parang malalim ang pinagkukwentuhan.

"Dumadami na ang species ng lovebirds natin dito." saad ni Jacobo na parang sinasabing napag-iiwanan na ako.

"Taon ba akong natulog? Ba't parang ang daming nangyari sa maikling oras na napasobra ang tulog ko?"

Lalo na ang pagkakamabutihan ngayon ni Jenna at Nate. Idagdag pa na nagagawa na ngayon ng malanding babae na patawanin si Nate. Nakakainis!

"Ba't parang biglang sumalubong ang kilay mo?" pansin ni Jacobo. "Huwag mong sabihing naiinis ka dahil ikaw na lang ang walang pares dito?"

"Hindi at wala akong pakialam!" sagot ko na pilit ang mga ngiti. "Humayo kayo at magpakarami, Lovebirds!"

Tinawanan ako ni Jacobo at tinawag ang atensyon ng lahat saka sumigaw. "Look Guys... Mukhang may isang taong kawawa dito. Kagigising lang ni Sleeping Beauty, pero hindi siya masaya nang makita kayo. Paano naman kasi.. siya lang ang walang prinsipe."

Nagtawanan din ang lahat na malinaw na narinig ang biro ni Jacobo. Si Sakura ang may pinakamalakas na tawa, "Just go back to sleep, Princess. Wait for your prince and his precious kiss."

Ang huling salitang sinabi ni Sakura ang tanging tumatak sa utak ko na siyang nagpaalala muli sa'kin sa nangyari sa'min ni Nate kagabi. Halik na nagbigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam.

"Dee, Ba't parang namumula ka?" puna ni Jacobo sa biglaang pagbabago ng reaksyon ko.

"Na-nainitan lang ako." Mabilis kong palusot. Bigla ko na ring iniba ang usapan. "Nasaan si Gleigh?"

"Kaaalis lang. May pinuntahan lang siya. Babalik lang daw agad." Nabaling ang atensyon ni Jacobo sa dalawang papalapit sa'min. "Hey, Lovebirds..."

Si Jenna ang unang napangiti sa panunukso ni Jacobo na kitang-kitang kinilig ang malandi.

Pasimpleng kinuha ko ang pansin ni Nate at nagtatanong ang mata ko sa kanya kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil hindi na siya nakikipagtaguan ngayon kay Jenna. Pero iisa lang ang naging sagot ni Nate sa'kin. Isang ngiti.

Isang ngiti na parang nagsasabing, Hiding game is over.. I'm starting to like her.

"Gusto niyo bang sumama?" tanong ni Jenna. "Niyaya ko si Nate sa bahay namin mamayang dinner."

Awtomatikong umagaw ng atensyon ko ang sinabing 'yon ni Jenna. "Saan? Malapit lang ba?" Nagpakita ako agad ng interes hindi dahil sa talagang interesado ako sa imbitasyon niya, kundi dahil hindi ko hahayaang magkasarinlan silang dalawa ni Nate. No way!

Naramdaman ko na lang na mahinang siniko ako sa tagiliran ni Jacobo. "Diba may gagawin ka pa Dee..."

Agad ko rin naintindihan ang gustong sabihin ni Jacobo. Wala sana akong balak pagbigyan si Jacobo sa gusto nito nang mapansin ko ang tingin sa'kin ni Nate na nagsasabing huwag na akong sumama.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon