16

930 30 3
                                    

SIXTEEN

Sa kabila ng mga nasabi ni Mrs. Mendez sa'kin noong biyernes at ang bigat na dinulot niyon sa dibdib ko, parang biglang nabura rin lang 'yon nang makausap ko si Nate. Hindi ako lalayo sa kanya kahit 'yon pa ang gusto ng ina niya. Ngayon rin lang ulit ako nakatagpo ng tao na tunay na nakakaintindi sa'kin at nagagawang ipanatag ang kung ano mang alalahanin ko.

Tuloy pa rin ang review namin ni Nate pagkatapos ng huling klase ng hapon. Kaya naman hindi ko na ikinaila pa sa sarili ko na si Nate ang pinakadahilan ng mas masayang awra ko sa araw araw na pumapasok ako. Parang kusang lumulukso ang dugo ko sa tuwing nakikita kong papalapit na ang eksaktong oras na muling magkakasama kami ni Nate na kaming dalawa lang.

Masasabi ko ngayon na hindi lang pag-aaral ang nag-iimprove sa'kin ngayon kundi pati na rin ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Hi, Deelan Morgan!"

Ngayon ko rin lang ulit nakita si Kiesha matapos ang nangyaring pagtatanghal noong isang linggo. Ni hindi ko pa siya nakokompronta tungkol sa ginawa nitong pagsasabotahe sa'kin.

Pero wala na akong balak pang ungkatin sa kanya ang tungkol doon. Wala akong panahon kay Kiesha lalo na't baka naghihintay na sa mga oras na 'to si Nate para sa pagrereview namin.

"Nagmamadali ka naman yata, Dee. Di mo ba ako namiss?" muling sabi nito nang makita niya ang pagtangkang pagbalewala ko. "Can't wait to see Nate?"

Ang huling sinabi niya ang nagpahinto sa'kin. "Ano naman sa'yo 'yon Kiesha?"

Hindi na siya lumapit pa. Nakontento na siya sa kinatatayuan niya habang pinadaanan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Wala naman. Hindi ko lang mapigilang maawa sa'yo."

Mukhang talento na ni Kiesha ang inisin ako. Sadyang napapainit niya ang ulo ko sa tuwing nagsasalita siya. At mukhang alam rin niyang hindi ko kayang hindi siya patulan. Pero hindi sa pagkakataong ito. Mas importante sa'kin si Nate na naghihintay sa'kin.

Hindi ako nagsalita ng kung ano pa man at nagsimulang humakbang paalis. Pero hindi pa rin tumigil sa pagsasalita si Kiesha na mas binilisan ang bawat bitaw para siguraduhing maririnig ko siya habang hindi pa ako tuluyang nakakalayo.

"Nakakaawa ka Dee. You know why? Dahil kamukha mo ang isang taong kakompetensiya mo sa puso ng lalaking nagugustuhan mo. Hindi mo ba naiisip na magaan lang ang loob sa'yo ni Nate dahil si Ceeline ang tanging nakikita niya sa'yo? Hindi ka niya mamahalin bilang Deelan. Poor little Dee!"

Malinaw na narinig ko ng buo ang pang-iinis ni Kiesha na malalaman at talaga namang nakakapagkulo ng dugo. 'Yon nga lang, wala akong balak magpaapekto dahil alam kong mali siya.

Sa lahat ng tao, si Nate ang mas nakakakilala sa isang Deelan Morgan. Para sa kanya, magkahiwalay na tao si Cee at Dee. At hindi siya nalilito tulad ng iba. Tanggap niya rin kung ano ang pagkatao ko hindi tulad ng iba.

16 point ONE

Ten minutes late nang sumulpot ako sa tagpuang lugar namin ni Nate. Naabutan ko siyang tumutugtog ng guitara habang nasa kalagitnaan ng pagkanta.

♫ ♪ ♫ ♪

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections

Ramdam ko ang bawat emosyon niya sa kanta. At nagdudulot ng kakaibang epekto sa'kin ang lamig at ganda ng boses niya. Bawat linya na lumalabas sa bibig niya, gusto kong isipin na sana para sa'kin 'yon.

Natigil ako sa pakikinig nang biglang tumigil si Nate nang napansin niya ang presensiya ko. Gusto ko siyang magpatuloy sa pagkanta, pero mukhang wala na siyang balak. Kaya ako na mismo ang dumugtong sa hindi niya natapos..

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon