12

935 31 5
                                    

: TWELVE

Nang magising ako kinaumagahan, parang balik na naman ako ulit sa sarili ko. Wala na ‘yong mg bagay na naramdaman ko kagabi na parang nabura na lang lahat. Inisip ko na lang na panaginip ang nangyari.

Makapal pa rin ang mukha ko na nakikain ng agahan sa hindi ko sariling pamamahay. Nakisabay na rin ako kay Nate papasok ng school para makalibre. Wala pa ring nababago sa pagiging pulubi ko dahil mukhang manlilimos na naman ako mamaya. Sana lang pumasok na si Gleigh, pero kung hindi man, mukhang magiging madali na lang sa’kin ngayon ang makiusap kay Nate dahil alam naman niya ang kondisyon ko.

Napansin ko lang na matapos ang nangyari kagabi, wala pa rin namang nababago sa pakikitungo ni Nate namay pagkamasungit pa rin. Pero pinagpapasalamat ko na rin na hindi siya nagalit sa pagsisinungaling o panloloko ko sa kanya.

Dahil nakagawian na ni Nate ang maagang pagpasok dahil parang ang banda na ang first period nito, napasunod na rin lang ako sa kanya. Naroon na rin si Jacobo.

“Magkasama kayo?” puna agad ni Jacobo sa sabay naming pagpasok. “Getting close?”

“No. Nagkataon lang.” maagap na sagot ni Nate na pumwesto agad sa tabi ni Jacobo saka sinuot ang guitara.

“Papasok na ba ngayon si Gleigh, Jacobo?” tanong ko bago nila simulan ang pagtugtog.

“Mukhang hindi pa. Pero magaling na rin siya. Kaunting sinat na lang.”

Napabuntong hininga na lang ako.

Maya-maya lang my pumasok rin na isng babae na hindi ko kilala. Naka-ponytail ang bukok, kasing tangkad ko,slim at singkit ang mata na parang may halong Japanese na lahi.

“Hi, Sakura!” Bati ni Nate at Jacobo sa babae na sa pangalan pa lang ay mukhang tama nga ako sa hinala.

Ngumiti ang babae at bumati rin pabalik. Bago siya dumiretso sa center stage tumigil muna siya sa tapat ko. “Hi, Dee. I’m Sakura. Pareho tayong klase sa Literature.”

Mukhang hindi ko na kailangan pang magtaka kung bakit niya ako agad kilala. Sikat lang naman ako sa bawat klaseng pinapasukan ko dahil sa laging inaanunsyo ang pagiging bagsak ko sa nakukuha kong pagsusulit.

Nang dumiretso na si Sakura papunta sa unahan at pumwesto na rin sa tapat ng microphone, saka ko na rin lang nalaman kung sino siya. Siya ang bagong papalit sa puwesto ni Cee sa banda.

Nang magsimula na silang magpraktis, nakinig na rin lang ako sa kantang A Thousand Miles na medyo iniba nila ng konti ang arrangement sa original version. And it really works dahil magandang pakinggan at mas nagkabuhay. Pero alam kung may kulang pa,dahil wala si Sam, bakante ang isang tutog ng instrument.

Wala pa man sila sa chorus part, bigla silang tumigil. Napansin ko na lang na nakatingin sa’kin si Nate. “Dee,” tawag nito.

“Bakit?

“Wala pa kasi si Sam, pwede bang ikaw munang pumalit sa pwesto ko.”

Naintindihan ko agad ang gustong sabihin ni Nate. Ako ang muna pansamantalang magpa-piano dahil wala pa si Sam at malinaw na hindi rin kumpleto ang perpektong musika ng kanta.

Hindi ko alam kung papayag ako sa gusto ni Nate. Pero bigla ko na lang nakita ang sarili ko na humakbang palapit sa kanila at pumwesto sa kaninang posisyon ni Nate habang nasa kabila naman ito para sa guitar. Si Jacobo ang drummer, at halatang nasurpresa ito na marunong din pala ako. “Morgan ka nga pala. Hindi ka man biniyayaan ng boses, nasa dugo mo pa rin ang musika.” Komento nito.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon