11

1.1K 40 16
                                    

ELEVEN

Pagkapasok ko ng Circle High, si Gleigh na ang unang hinanap ko. Ta-tatlong piso nalang ang laman ng bulsa ko, kumukulo pa ang tiyan ko. Hindi ako naghapunan kagabi kaya kailangan ko ng makakain para sa pang-agahan.

I hate this feeling. Mahirap pa ako sa daga.

Natigil ang paghahanap ko kay Gleigh nang malaman kong hindi pala siya papasok. "Absent? The hell. Sa dinami-dami ng petsa sa kalendaryo.. Ba't ngayon pa?!"

Shooot her! Hindi ako manlilimos sa kung kanino man dito.

Halos namomroblema na ako kung paano mabubuhay sa buong araw na 'to na walang pagkain nang bigla pang dumagdag sa trahedyang umaga ko si Alex.

Kahit dumadaloy pa rin sa dugo ko ang kagustuhang makaganti kay Alex, kusang ang katawan ko ang tumatanggi sa ideyang iyon. Baka tuluyan lang akong matuyuan ng dugo dahil hindi lang pera, kundi enerhiya ang paubos na sa'kin.

"Deelan, pwede ba kitang kausapin?"

Hindi ko alam kung anong merong pakulong niluluto si Alex dahil pumasok ito mismo sa klase namin na nakapwesto pa sa unahan habang nakaharap sa lahat na naroong estudyante.

Isang himala na hindi ako sumigaw, o nagwala sa galit sa oras na 'to. At mas kahima-himala pa nang wala akong sinabi na kahit isang salita at pinili kong umupo sa pwesto ko na parang walang naririnig..

...dahil ang totoo, gutom na gutom na ako. At kung bubuka man ang bibig ko, para lang 'yon sa pagkain.

"Ms. Deelan Morgan,"

Napatingin muli ako kay Alex na kagulat gulat ang masyadong kapormalan ng pagtawag nito na parang noong biyernes lang ay binastos ako ng walang'ya.

"I'm sorry sa nagawa ko." Lumuhod pa si Alex na hindi sumagi sa isip ko na magagawa ang bagay na tulad nito. "I'm so sorry kung binastos at nabastos kita. Please, forgive me!"

Napanganga at naintriga ang buong klase sa kasalukuyang ginagawa ni Alex. Halos palibutan kami ng lahat na nakiki-osyoso.

"At bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Saang bato kaba nauntog? Para naman iuntog ko rin doon si Erika."

"I'm so sorry, Deelan. Patawarin mo na ako. Gagawin ko kung anong gusto mo."

Natigilan ako. May konsensya rin pala ang maniac na lalakeng 'to. "Gagawin mo ang gusto ko, kapalit ng kapatawaran ko?" Parang sa isang iglap, nagpadala sa lupa ng anghel na may sungay na sasagot sa urgent needs ko. "Dalhan mo ako ng pagkain, ngayon mismo."

Nagmamadaling umalis naman si Alex na mukhang seryoso nga sa paghingi ng tawad. Pero kung nagkataon lang na may laman ang tiyan ko ngayon, mahirap na bagay ang pagagawin ko sa kanya gaya ng pagpapakamatay.

Bumalik si Alex na dala ang nakakatakam na pagkain. Pero mautak din ang aso na parang may expiration ang sinabing gagawin ang gusto ko.

"So, here's your food. Sana naman nakabawi na ako."

Matapos iabot sa'kin ang pagkain, agad na rin itong umatras para umalis. "Wait," pagpipigil ko kay Alex na hindi pa abswelto sa ginawa sa'kin. "May dapat ka pang gawin..."

"Humingi na ako ng tawad at ginawa ko na ang gusto mo. Wala na akong dapat pang gawin para sa'yo, Deelan."

"Ganyan ba ang humihingi ng tawad? Parang napipilitan ka nga lang. Sabihin mo nga, what was that show all about?"

"Simpleng paghingi ng tawad. 'Yon lang." tuluyan ng tumalikod si Alex at umalis ng classroom.

Hindi basta mawawala ang kasalanan ni Alex sa akin nang dahil lang sa isang sorry at pagkain. Pero hindi ko maitatanggi na dinagdagan niya ng ilang oras ang buhay ko dahil sa pagkain. Problema ko na lang ang susunod pang tanghalian.

DEE OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon