Chapter 13: Way Back into Love

3.7K 79 151
                                    

Rylai

Kailangan mong matutong mabuhay sa sakit kung gusto mong makuha siya ulit at bumalik sa buhay mo. 'Wag mong ipapakitang mahina ka, Rylai. You were the bravest woman the world once has.

After telling myself that, I walked away from the mirror and went out of the room. I chose to stay at the garden to gather my thoughts. Truth be told, I am clueless on how to make my grumpy panda back. Ano nga ba ang unang gagawin ko para mahalin niya ulit ako?

"Rylai, why won't you recall the reasons why he fell in love with you? Recall how everything started."I whispered, asking myself after a few minutes.

Flashback:

Sa tuwing nandito ako, tinitiyak nina tita Ashley at tito Sean na mae-enjoy ko ang summer vacation ko. This time, she mentioned we'll be staying in Palawan for a week. And we did.

"Give me your things, weirdo. Ako na ang magdadala niyan. Mukhang mas mabigat pa 'tong bag mo kaysa sa sarili mo."pang-aasar na niya naman.

"Ashton, kapag gaganyan-ganyan ka hanggang Palawan, ipapakain kita sa pating do'n."

"Ang mapikon pangit."

"Ashton, nasa'n na si Blaze?"tita Ashley asked him, making me jittery.

What? Sasama sa'min ang hambog na 'yon?

"Mauna na tayo. May sariling airport 'yon. Makakasunod 'yon kahit kelan niya gusto."tumatawang sagot niya sa mommy niya.

"Are you sure he'll be fine?"

"I'm sure mom."

Pagdating agad namin ng beach resort matapos ang mahabang biyahe, naghabulan kami ni Ashton. Eh kasi naman ang mokong, vinideohan niya ako habang natutulog sa biyahe.

"Ano ba? I-delete mo 'yon!"

"Say please, Lalai."tumatawang asar niya.

"Sana kainin ka ng shark."naiinis na sambit ko at saka tumalikod para pabayaan na siya.

"Ito naman. Pikon agad."sabi niya nang maabutan niya ako at saka binuhat.

"Ano ba? Ibaba mo nga ako!"

"Bati na muna tayo."

"Ayoko."

"Ang sama nito. Hoy Rylai, masama ang magtanim ng galit sa kapwa."nakangising wika niya.

"Kapal ng mukha nito. Ibaba mo nga ako–"

Napahinto siya sa pang-aasar sa'kin nang makarinig kaming may tumikhim. Ibinaba niya rin ako at saka humarap sa lalaking kakarating lang. Tsk. Ang hambog lang pala, akala ko kung sino na. Nakasuot pa ng sunglasses at feeling niya gumwapo siya sa porma niya.

"Hey bro. You made it."Ashton greeted him.

"Hindi kasi makakapunta si mommy't daddy kaya sinigurado nilang makapunta ako."

"Si Rylai nga pala–"

"Penguin, hindi kita nakita. Kanina ka pa ba diyan?"nakangising saad nito sa'kin.

Buwiset. Nilalait ba niya ako porke matangkad siya? Ugh. Hindi ko nalang siya pinatulan, iniwan ko nalang sila at dumiretso sa suite ko. Wait. Kaninong mga gamit 'to? Lumabas na muna ako at tiningnan ang number ng room. Suite 236, ito 'yon. Bumalik ako sa loob at nagpasyang ilabas ang mga gamit na hindi ko alam kung kanino. While pulling up some things, a wallet fell on the floor.

Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon