Chapter 37: Songs of the Heart

3K 65 44
                                    



Rylai

Pumasok ako ng bahay ng wala sa sarili. Naguguluhan ako at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Palagi nalang ba'ng itataya ko ang puso ko? Paano kung itutulak niya ulit ako papalayo?

Tama na Rylai... Kailan ka ba titigil? When will enough be truly enough for you? Kulang pa ba ang sakit na nararamdaman mo? Ano'ng sakit pa ba ang gusto mong maramdaman?

Pinunasan ko ang luha ko habang nakahiga sa kama at pilit na kinakalimutan ang pangyayari no'ng nakaraang gabi. Tama nga. I should have considered that he didn't really do anything to make me stay. And the fact that he was drunk when he confessed to me how he feels is already a null.

Kung mahal niya talaga ako, pipigilan niya ako. Kung mahal niya ako, hindi niya ako hahayaang umalis. Kung totoong ako parin, sana sinabi niya lahat ng 'yon nang nakamulat ang mga mata ko. Ginugulo lang niya ang puso ko pero hindi ko dapat siya hinahayaang magtagumpay sa pagwasak sa'kin ng tuluyan.

When I woke up that afternoon, the first faces I saw are the ones I don't want to leave. Tita Miah and tito Snow are on the couch, waiting for me to wake up.

"Tita, tito... may problema ba?"I immediately asked.

They both stood up and drew closer to sit beside me on the bed.

"Are you sure that you don't want us to go with you?"tita Miah asked.

Sinabi niya kasi sa'kin no'ng nakaraan na ihahatid nila ako hanggang Cebu pero tumanggi ako. Mas lalo lang akong mahihirapan kapag gano'n. Isa pa, kasama ko naman si Ashton. Speaking of, my heart skipped a beat in pain as I remembered how I left him this morning.

"Kahit sa airport man lang, 'nak?"

"Tita... okay lang. 'Wag na po. Kasama ko naman si Ashton eh."

She breathed a deep sigh and gave me an apologetic smile.

"Hindi na nga kita talaga mapipigilan. Keep in touch, 'nak."naiiyak na wika niya saka ako niyakap at hinagkan sa noo.

They stayed in my room while I prepared myself to leave. Sabay na lumabas kami ng kwarto habang dala-dala ko na ang mga gamit ko. We all came to a halt when we saw Blaze standing outside like he's waited for me to come out.

"Ah—Honey, mabuti pa pabaunan natin si Rylai no'ng lasagna na ginawa mo."tito Snow broke the silence. "We'll wait for you downstairs, Ry."he told me after patting my back.

Damn this. Ba't nakatayo ka pa diyan, Ry? Umalis ka na. 'Wag ka ng magpapapigil pa sa kanya. Paano ako aalis? He's already hugging me and it's so tight that it made me want to stay. Nawawalan ako ng lakas na umalis at iwan siya. Just a few seconds after that, I'm already crying my heart out.

"Blaze—"

"Hsshhh. Stay, penguin... Stay with me please. Kahit isang minuto lang."umiiyak na sumamo niya.

Napayakap narin ako sa kanya matapos marinig ýon. Alam kong nagiging hobby ko na ang pagpapakatanga pero hindi ko kayang 'wag pakinggan ang sinisigaw ng puso ko. Mahal na mahal ko siya. A minute in his arms is worth more than a thousand years without him.

Yes. It was just an illusion. A minute is too short to stay happy. Binitiwan niya ako at saka kinuha ang mga gamit ko.

"Hayaan mong ihatid kita, Ry."

Nakikita ko nalang ang sarili kong tumatango sa kanya. Pinunasan naming pareho ang mga luha namin. Naghihintay sa baba ang mga magulang niya at sinasalubong kami ng malungkot na ngiti.

Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon