Chapter 17: Wrong Move

3.3K 74 120
                                    

Ashton Buenavista

Matagal ko ng nakasanayan ang sakit na 'to. I lived with this pain for eight years but I have never felt this pained as now. Nang makita ko siyang nakangiti habang nakayakap kay Blaze, gustong-gusto ko siyang hilahin at ipaalala sa kanya ang totoong namamagitan sa kanila.

But I stopped myself because I've never wished nothing else other than her happiness. I backed out because her happiness doesn't concern me. Si Blaze lang naman ang nakakapagpasaya sa kanya.

"Aston? Ba't ngayon ka lang nakauwi?"salubong ni mommy sa'kin pagkapasok ko ng bahay.

Alam kong kapag magsasalita ako, hindi ko mapipigilan ang sarili kong masabi kay mommy lahat. So what I did was kissed her goodnight and ran hurriedly upstairs.

"Rylai, sana dumating 'yong panahong magising ka at makita mong ako 'tong hindi ka kayang saktan."nautal ko habang tinitingnan ko ang picture niya sa wall.

Kinabukasan, matapos magising sa alarm clock, bumalik ako sa pagtulog dahil napasyahan kong 'wag pumasok ngayon. Baka masuntok ko pa si Blaze kapag nakita ko siya.

"Ashton, bumangon ka na diyan."mom woke me up while she nudged me.

"I'm not going to school today."I told her.

"Someone's going to be grounded then."

"Mom! I'm not feeling well."I retorted.

Agad na dinampi niya ang kamay niya sa noo't leeg ko. Napakunot siya ng noo. She stood up and took a thermometer.

"Mom, I'm fine. I mean, I'm physically fine— Ugh. I just don't want to go to school today."

Umupo si mommy sa kama at tiningnan ako ng maigi.

"Tell me son. What is going on?"

Napakamot ako ng ulo at saka bumangon. Ugh. Ang kuliiiiit nitong si mommy!

"Oo na. Papasok na ako."sabi ko sabay pasok sa shower.

"Sinong bumasted sa'yo 'nak?"giit niya mayamaya pa.

"Mom!"

"I'm your mother. You can always tell me everything."

Alam kong kinukulit lang ako nito eh. Matagal na kasi niyang gusto na magkaroon ako ng girlfriend. Minsan pa niyang sinabi na kung wala lang daw'ng girlfriend si Blaze, iisipin niyang bading ako. Tsk. Kaming dalawa lang kasi ang laging magkasama. Gusto ko ngang sabihin nalang ang totoo. Na 'yong future girlfriend ko, hinihintay ko pang maging single. Taken na eh. At kasalukuyang ginagago ng bestfriend kong walang modo.

"Nak? Are you crying there?"

"Mom. Go away! You're so annoying."reklamo ko.

I heard her chuckle until there was nothing else that I hear aside from the sound of water gushing from the shower. I immediately got out of the bathroom when I was done and was really surprised to see Rylai in my bedroom.

"Good morning."bati niya.

Why is she here? I mean...

"Are you mad at me?"tanong niya nang lapitan ako.

"Lalai, umupo ka do'n."utos ko.

"Sabihin mo na muna kasi. Galit ka ba sa'kin?"

"Oo. Magagalit ako kapag tinuloy mo 'yang paglapit mo sa'kin. Umupo ka do'n."

Tanging tuwalya lang kasi ang nakatakip sa katawan ko. Alam ko namang walang malisya ang utak ng babaeng 'to pero siyempre naman, lalaki ako. At kilala ko 'tong Rylai na 'to. Yayakap sa'kin 'to kapag feeling niya nagtatampo ako sa kanya.

Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon