Rylai
I need to see him. Kailangan ko siyang makausap. Bakit all this time, hindi siya bumalik at nagpakita sa'min? Pinaluluksa niya kami kahit hindi naman talaga siya nawala.
"Sa'n ka pupunta?"tanong ni Ashton bago ako makalabas ng bahay. "Rylai, hanggang kailan mo matitiis na ganito tayo?"he asked when I didn't answer his first question.
Dahan-dahang hinarap ko siya.
"Isa lang naman ang gusto ko, Ashton. I just wanted you to believe me."naluluhang wika ko.
"You just don't want to give up... you don't want to let go. Alam nating pareho ang nangyari Rylai. Wala na siya. I'm sorry, pero hindi ko maibigay ang gusto mo."
I saw myself nodding at his statement.
"And I'm sorry... kasi naniniwala ako sa nakita ko."I told him.
"Will you just stop!!? This is crazy, Lai!"nagsimula na namang tumaas ang boses niya. "Itigil mo na 'to! Kahit para sa anak natin! Nasasaktan na si Miracle, Rylai!"
"Kailangan kong patunayan na buhay siya! It's the truth and you won't believe me!"umiiyak na sagot ko.
"Sige! Umalis ka. Pagbalik mo, hindi mo na ako makikita pa. Hindi naman kasi ako naging mahalaga sa'yo. Kahit ako 'yong nandito, 'yong matagal ng wala ang nakikita mo!"he blared and went back in the house.
Natigilan ako habang panay ang pagpatak ng luha ko. Gusto ko lang namang malaman kung bakit niya ginagawa sa'kin 'to? Gusto kong malaman kung bakit hindi siya bumalik agad. Gusto ko lang masagot lahat ng tanong sa isip ko kasi sobrang nasasaktan ako.
Alam kong hindi ka aalis, Ashton. Alam kong hindi mo magawang iwan kami ng anak mo. Immediately after I have unruffled myself, I went out and grabbed a taxi.
"May hinihintay ba tayo, ma'am?"tanong ng taxi driver matapos ang ilang minutong nakaparada lang kami sa tapat ng malaking bahay.
Nawawalan ako ng lakas ng loob. Pagkatapos ng nangyari, hindi na ako bumalik at nagpakita sa kanila lalo na ng ikasal kami ni Ashton. Pinutol ko lahat ng koneksiyon ko sa pamilya ni Blaze sa kagustuhang makalimot. Natatakot ako sa magiging sumbat nila kapag nagpakita ako ngayon.
Rylai, you have to do this. This is the way for you to prove that he's alive. After convincing myself, I courageously alighted from the taxi cab and walked towards the doorbell. After giving out a deep breath, I pressed it.
"Rylai?"di makapaniwalang bungad ni Ate Summer nang pagbuksan niya ako. "Rylai, ikaw nga!"she cheerfully exclaimed and hugged me.
Binalot ng hiya at pagkailang ang puso ko habang kaharap ko siya na hindi maipagkailang masaya matapos akong makita. The whole time she waited for me to say something, she kept her smile while she stared at me.
"Pinahanap ka ni daddy at mommy. Nalaman nalang namin na nasa Canada ka na kasama si Ashton para magpakasal. We waited but you chose to stay away. You stayed in Japan for a few years."kwento niyang nagpalungkot ng mga mapupungay niyang mata.
"I'm... I'm sorry—"
"No. We understand, Ry. Alam naming sobra kang nahirapan nang mawala ang kapatid ko."
"Ate... iyan ang sadya ko rito."
Frowns began forming her forehead when I said it.
"What do you mean?"
Humugot ako ng malalim na hininga saka ko sinalubong ang mga nagtatanong niyang mga mata.
"Gusto kong malaman kung nagpakita na ba siya sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.