Rylai
Numbness surprised me when I woke up that morning. I still felt how painful it was but I can no longer shed my tears. Tama si Ashton, kailangan ko ng itigil lahat ng 'to.
"Kailangan mong kayanin kahit sobrang hirap."I told myself before I went downstairs.
"Rylai, anak. Kumain ka na."salubong ni tita Miah sa'kin saka ako iginiya sa dining area.
Nagpaalam siya saglit matapos niya akong ipaghanda ng pagkain. Kumikislot 'yong puso ko sa napaka-sweet na gestures niya. Hanggang tita na nga lang talaga na maituturing ko si tita Miah kasi hindi na matutuloy ang kinae-excite-tan niyang maging mother-in-law ko siya. Napakapa ako sa dibdib ko nang bigla itong sumikip.
"Rylai? Are you okay?"Blaze, from nowhere, asked.
Dali-daling kumuha siya ng tubig at pinainom ako. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"Thanks."mahinang sambit ko at saka tumayo.
Niligpit ko ang pinagkainan ko at dumiretso sa sink para maghugas.
"Rylai."
"Okay na ako Blaze. You can leave me."I told him ambiguously. "Anyway, congratulations."
Tinalikuran ko na kaagad siya upang asikasuhin ang mga huhugasang pinggan at upang maiwasang umiyak sa harapan niya. A few minutes after, I heard his footsteps slowly fading. Then and there, I have cried again.
"Rylai, hija. Ako na niyan— Anak? Ano'ng nangyari?"natatarantang tanong ni tita ng makitang umiiyak ako habang nilalaro ang daliri ko ng tubig mula sa gripo.
Niyakap niya ako ng mahigpit na siyang nagbigay sa'kin ng dahilan para pakawalan ko ang luha ko at humagulhol sa balikat niya.
"Tita. I'm sorry."
"Anak, wala kang kasalanan."naiiyak na sagot niya.
"I tried. I tried to win him back. Tita... sobrang sakit na po eh. Hindi ko na po kaya... I'm sorry but I have to give up."I honestly stated. "I have to leave..."
"I'm so sorry anak. I haven't been fair. Akala ko kasi, maibabalik niyo pa sa dati ang lahat. But I was wrong— "
"No. Okay na po. Gusto ko pong malaman niyo na sobrang saya ko po na ang buti niyo ni tito sa'kin. Pinaramdam niyo sa'king welcome na welcome ako sa pamilya niyo. Tita, I really wanted to stay..."
"Rylai, anak... it's alright. I understand."mahinang sambit niya habang pinupunasan niya ang luhang naglandas sa pisngi ko. "Kahit na ano'ng mangyari, walang magbabago Rylai. Welcome ka all the time sa tahanan natin. Anak ka parin namin."
I was so touched at her words that I shrugged all the timidity and embraced her once again.
"Thank you tita."
"Pwede ba'ng manatili ka muna kahit ilang araw lang? Papabalikin ko na muna si Blaze sa condo niya kung ayaw mo siyang makita— "
"No tita, you don't have to do that. Kung okay lang po sa inyo, dito na muna ako hanggang sa unti-unti kong matatanggap lahat. Ang totoo kasi, hindi ko pa alam kung kailan ako magiging handa na iwan ang anak niyo. But one thing is for sure, hindi man ngayon, darating rin ang araw na buong-puso ko na siyang palalayain."
I stayed in my room after I had that conversation with tita Miah. Nakaupo lang ako sa kama, nag-iisip ng tamang gawin. I took my little treasure chest and looked at the stuff I kept there for years.
"Ang hirap mong bitawan, Blaze."nasambit ko habang tinitingnan ang larawan namin sa isang photobooth which was taken three years ago.
Ang hirap burahin ng mga alaala eh. Ang dali lang sabihin ng iba na kalimutan ko na at layuan siya. Palibhasa wala sila sa posisyon ko. Hindi nila alam kung gaano kasakit at kahirap.
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi PenggemarDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.