Rylai
Ang daming gumugulo sa isip ko. Ni hindi ko na nga alam kung ano 'yong totoo sa hindi sa dami ng nangyayari. Kasalanan ko naman diba? Hindi naman lahat kasalanan ni Blaze kasi ako 'tong nagdesisyon na itago sa anak ko ang totoo. Dalawang araw na siyang hindi umuuwi at maging ang pulisya wala paring balita tungkol sa kanya.
Tungkol naman sa sinabi ni Ashton, hanggang ngayon ay 'di ko parin alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip kong nagsasabi siya ng totoo. Gaya ng dati, hindi ko siya masumbatan kung bakit niya ako niloko dahil alam kong wala akong karapatan pagkatapos ng lahat ng idinulot kong sakit sa kanya.
"Ashton, pupuntahan ko si Sven."pagpapaalam ko.
"Lai, ayokong umalis ka ng mag-isa. Nagiging masama na ang kutob ko sa nangyayari."nag-aalalang sagot niya.
"Ash, walang kinalaman si Gabriel dito. The whole family went to a vacation last week. Dalawang araw palang na nawawala si Miracle. Sigurado akong nagpapalipas lang ng sakit at pagdadamdam 'yon."
'Yong utak ko, binubulong niya rin talaga kung ano ang sinasabi ni Ashton. Ginigiit ko lang ang gusto kong paniwalaan dahil sa takot. I just wanted to stay positive despite the ghosts of negativity that's haunting me.
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya nang magdesisyon siyang ihatid ako sa condominium.
"Kailangan kong makipagkita kay Cameron. Baka may lead na siya tungkol sa kinaroroonan ng anak natin. 'Wag kang aalis rito, Lai. Susunduin kita kaya tawagan mo lang ako kapag uuwi ka na."
Tumango ako para sumagot. Bago ako makababa ng kotse, hinugot niya ang kamay ko. Napalingon agad ako sa kanya.
"Hahanapin ko ang anak natin, Lai. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya. We'll get her home."he reassured me which made me smile.
"Thank you, Ash."
Kaya ako nakipagkita kay Sven ay dahil nakatanggap ako ng text message mula sa kanya kaninang umaga.
From: Sven
Tita, I need to know everything. I need a confirmation. Can I come over?Sa halip na abalahin siya para pumunta sa bahay, ako na ang pumunta sa condo niya. Pakiramdam ko ay tungkol sa pakikipaghiwalay ni Miracle ang gusto niyang malaman.
"Pasensiya na po kung inabala ko pa ka'yo. Gusto ko lang pong maliwanagan. Kaya ba nakipaghiwalay sa'kin si Mira dahil akala niya magkapatid kami?"
With that line of questioning, I suddenly remembered his voice talking to me while I was still at the hospital.
"Tita Rylai, I now know why he still loves you. You were so wonderful in all ways, as a wife, a mother and as a person. Sa halip na kamuhian kita, mas gusto kong mapalapit sa inyo. Gumising na po kayo, tita. Hinihintay kayo ng babaeng mahal na mahal ko."
The one he's referring to that time is his father! Sven knew all along about me and Blaze.
"Matagal mo ng alam ang tungkol sa'min ng daddy mo."bulalas ko na lang.
"But I didn't know that Miracle is dad's daughter."he replied.
"Magkapatid kayo, Sven, kaya nakipaghiwalay sa'yo ang anak ko."paliwanag kong nagpangiti ng mapakla sa kanya.
"Wala akong makakapitan na dahilan sa ngayon pero tita, malinaw 'yong sinisigaw ng puso ko. Hindi kami magkapatid."
"Why won't you ask your mom? Si Crystal ang ina mo di ba?"
"Crystal? No. That's not my mom's name."
"Right. Nagpalit ng pangalan ang mga magulang mo para narin sa kaligtasan ng daddy mo. Alam mo naman ang nangyari diba?"
"Ano'ng ibig mong sabihin? I knew about you because he talks about you in his sleep. I don't know why my parents would hide their identities."
With that stated, I told him the truth. Lahat-lahat na maging tungkol kay Drake, Duke at Gabriel, and about Nixon's family which we just knew a few days ago.
"Tita, if that is so, Miracle's in danger."he declared making me totally frightened. "Malakas ang kutob kong kasama niya ngayon si Nix. Alam kong kapatid ang turing niya kay Mira... pero sa sinasabi mo tungkol kay tito, hindi malayong magagawa niya ang plano niyang maghiganti."
"It all makes sense now. Ginaya niya ang pangalan ni daddy para guluhin ang buhay niyo."he even added. "Kailangan kong ma-contact si Nix."
Tumawag agad ako kay Ashton upang magpasundo. Agad naman siyang dumating. Alam kong napansin niya agad ang pagkabalisa ko. Lihim na lamang akong nagpapasalamat na hindi siya nagtanong hangga't hindi kami nakarating ng bahay.
"Ashton, tama ka. Magkasama si Mira at si Nixon. Maaaring kasama ng anak natin si Gabriel. Kailangan kong makausap ang pamilya namin sa Cebu... kailangan kong makumbinsi si Hailey."
"Don't panic, honey. Our baby's safe. Iuuwi ko siya sa'yo. Pangako ko 'yan."wika ni Ashton bago niya ako niyakap.
Mayamaya pa, habang pareho kaming abala ni Ashton sa pagcontact ng mga taong kailangan naming makausap, dumating si Sven.
"Tita. Tito. Alam ko na kung nasaan sila. Nakausap ko si Nix at nangako siyang iuuwi niya ngayon din si Miracle."he informed us making my heart leap in gratitude.
However, that feeling quickly faded as fast as it came. Nakatanggap si Ashton ng multimedia message. It's a picture of our daughter. Beside her is Gabriel who is smiling sheepishly.
"Hindi pwedeng maghintay lang tayo rito— Ashton, natatakot ako."umiiyak na pagtatapat ko.
Yumakap ako sa kanya habang nagpapakawala ng takot at pangamba. Then arrived an unwelcomed guest. It's Blaze.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinong nagpapasok sa'yo?"galit na salubong ko sa kanya.
"I'm here to tell you that I'm saving my daughter."agad na sagot niya sabay abot ng phone kay Ashton.
"We already know. He also sent us the same photo."Ashton said and returned him the phone.
"I talked to him. Tumawag siya. Gusto niyang makipagkita sa inyo ni Rylai. I'm here to tell you that none of you is going. Ako ang tatapos nito. Ililigtas ko ang anak natin."
"I won't allow that... not again, Blaze."Ashton bravely told him. "Hindi pwedeng aakuin mo na naman ang lahat. Pagtutulungan natin 'to. Ililigtas natin si Miracle."
"Ashton—"
"We knew where he is."he announced making Blaze listen to him.
"Sasama ako."Sven interrupted turning all our attention to him.
"No. You're staying."Blaze declared. "You stay here, son. We'll get her home safe. For now, bantayan mo ang tita Rylai mo."
"Ano? Sasama ako. Hindi pwedeng maghihintay lang ako dito at walang gagawin—"reklamo ko agad.
"Lai. Hindi ka pwedeng umalis. You will stay here."saway naman agad ni Ashton. "Naiintindihan mo naman kung bakit diba? Lai, kapag sasama ka, mas manganganib ang anak natin. Manganganib ka rin at magiging mas mahirap dahil dalawa na kayong ililigtas namin. You stay here, okay?"
Napatango ako para sumang-ayon. Hinalikan niya ako ng matagal bago umalis.
"Mahal na mahal kita. Wag mong kakalimutan 'yan. Wag kang masyadong mag-aalala, okay?"naluluhang pahayag niya. "I will keep our princess safe like what I've promised when she's still in your womb. I will bring her home safe. I promise, honey."
Sa hindi malamang dahilan, mabilis na tumulo ang luha ko at lalong natakot ako.
"Promise me, Ashton... you will not just bring our daughter home... you will also come home safe to me."
Isang makahulugang ngiti ang naging tugon niya na nagpaiyak sa'king lalo.
---
Author's Corner:
Masyado ka namang iyakin Rylai. Itigil mo 'yan, kinakabahan ako. 😂😂
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi PenggemarDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.