Chapter 30: Aftermath

2.6K 58 19
                                    

Ashton

Hindi ako nakatulog sa kakaisip kung ano ang nangyari kay Rylai. Pinuntahan ko si Milo ngunit wala siya sa kanila. Pabalik-balik ako sa hotel pero parehong wala silang dalawa ro'n. When I tried calling both of them, they didn't pick up my calls. Para na akong mababaliw sa kakaisip kung nasa'n na si Rylai. My last resort was to call Blaze.

"I'm having a bad feeling."bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

"What is happening, Ashton?"

"Milo took Rylai somewhere. I've been calling them but they didn't give a damn."

"I'm going to kill Milo. I swear."I heard him say before ending the call.

Buong umagang nag-abang ako sa labas ng bahay nila Blaze ngunit hindi sila dumating. Nang tawagan ko siya, hindi rin niya sinasagot ang phone niya. Uuwi nalang sana ako nang mag-call back si Blaze.

"She's in my condo. Puntahan mo siya rito."ang tanging wika niya at agad na pinatay ang tawag.

Wala na akong inaksayang panahon. Agad na pumunta ako sa condo niya. Wala na si Blaze pagdating ko do'n. Pagpasok ko ng kwarto, mahimbing na natutulog si Rylai, suot ang malaking Tshirt ni Blaze. Sumisikip ang dibdib ko habang patuloy ko siyang pinagmamasdan.

"Ugh. Aww—Ang sakit ng ulo ko."she murmured with her eyes still closed.

"Sino naman kasing maysabing uminom ka?"

Minulat niya agad ang mga mata niya matapos kong sabihin 'yon.

"Maayos ang pinagkasunduan natin Lai. Ano'ng nangyari?"

Dahan-dahang bumangon siya at iniwasan ako ng tingin.

"I'm sorry. Hindi naman namin sinadya ni Milo na malasing. Mali ang naibigay ng bartender sa'kin kaya nalasing ako."paliwanag niyang lalo lang nagpakirot ng puso ko.

"Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari Rylai. Tapos na naman at hindi na 'yon mababalik. Ang sakit lang para sa'kin na nangangako ka tapos binabali mo ang mga pangako mo."

"Sorry."naluluhang sambit niya.

"Will you stop crying everytime you want to win everyone's heart?"naiinis na singhal ko. "Ilang beses kitang tinawagan Lai! Hindi ka sumasagot. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung sa'n ka nagpunta."

Tuluyan na siyang umiyak matapos ko siyang sigawan.

"Naaalala ko pa naman hanggang ngayon 'yong pagse-sermon mo kagabi eh. Hindi mo kailangang ulitin Ashton."

What?

"Thank you kasi kahit nagagalit ka, sinamahan mo parin ako kagabi. Hinayaan mong magwala 'yong puso kong nakatali sa kanya."

"Lai—"

"Lahat ng sinabi ko sa'yo kagabi, totoo 'yon. Unti-unti ko ng tinatanggap 'yong tungkol sa'min ni Blaze... at dahil 'yon sa'yo. Ayaw kong nagagalit ka sa'kin kaya sorry na. Hindi na mauulit."

Niyakap ko siya matapos marinig ang huling linya. Parang dinudurog ang puso ko na umiiyak siya ng dahil sa'kin. Hindi naman ako galit sa kanya eh. While I have her in my arms, my eyes wandered outside the window. On the little veranda, I saw Blaze standing there while he secretly watched us.

"Bakit nasa condo tayo ni Blaze?"tanong niyang nagpakaba sa'kin.

"Hi—hindi kita dinala ng bahay dahil ayokong malaman nina mommy't daddy na naglasing ka. I have a duplicate key for this condo so I decided to bring you here."I lied to her.

"Ikaw ba ang nagpalit sa'kin ng damit?"

That question broke my heart. Alam ko kasing hindi ako ang sagot sa tanong na 'yon.

Matapos ko siyang pakainin at painumin ng gamot, hinatid ko na siya pauwi. Bumalik rin kaagad ako sa condo dahil gusto kong malaman kung bakit gano'n ang sinasabi ni Rylai kanina na para bang pinapalabas niyang ako ang sumundo sa kanya kagabi. Ngunit pagdating ko ng condo, wala na si Blaze roon.

Sa sumunod na araw, nasa basement ako ng Ferguson building habang hinihintay si Rylai para sunduin. Hindi ko namalayang nandirito rin pala si Blaze hanggang sa hilahin niya si Milo at itinulak sa pader. Kinuwelyuhan niya 'to. Agad akong lumabas para pigilan sila dahil baka kung ano pa ang magawa ni Blaze kay Milo.

"Maayos na ibinilin ko sa'yong bantayan mo siya—"

"Dude, ginawa ko! Hindi ko sinasadyang mapainom siya ng inumin na 'yon!"

"Eh wala ka palang kwenta. Akala ko ba babantayan mo eh bakit nalasing siya—"

"Tumigil ka na nga sa ginagawa mo Blaze! Kung may walang kwenta man sa'tin rito, ikaw 'yon! Mahal mo pala eh, bakit hindi ikaw mismo ang magbantay? Mahal mo naman pala tapos sinasaktan mo!"

Hindi ako nakagalaw nang suntukin niya si Milo. Sinubukan niyang gumanti kay Blaze ngunit nakakailag ito sa mga suntok niya. Nang bumagsak si Milo, itinayo niya ito't kinuwelyuhan ulit.

"Wala kang alam Milo kaya wala kang karapatang sabihin sa'kin 'yan. Akala mo ba masaya akong pinapaubaya ko sa inyo ang babaeng mahal na mahal ko? Wala kang alam kung gaano kahirap sa'kin—"

"Blaze! Milo???"sigaw ni Rylai nang makita niya ang dalawa.

Saka lang ako nakagalaw nang lumapit na si Rylai sa kanilang dalawa para paglayuin sila.

"Nasisiraan ka na ba ng bait Blaze? What have you done?"she angrily blared at him. "Milo? Okay ka lang?"baling niya kay Milo na nagkapasa ang mukha at dumudugo ang ilong.

Hindi sumagot si Milo bagkus ay sinundan niya ng tingin ang papalayong kotse na minamaneho ni Blaze.

"Rylai, umuwi na tayo—"

"Ano? Nakikita mo naman si Milo ngayon di ba? You're unbelievable. Ano 'to? Kinakampihan mo 'yong walang kwentang kaibigan mo?"singhal niya rin sa'kin.

Sa totoo lang, I just felt like Milo deserved partly of what Blaze has done to him. Hindi pa humuhupa ang galit ko sa ginawa niya kagabi. Ni hindi man lang niya naisip ang maaaring mangyari kay Rylai.

"Okay lang ako, Rylai."Milo stated and left.

Tinatapunan ako ni Rylai ng masamang tingin habang inihatid ko siya pauwi. Hindi siya tumabi sa'kin sa loob ng kotse. Do'n siya naupo sa likuran at kitang-kita ko ang pag-irap niya sa'kin sa rearview mirror. Walang pag-uusap na nangyari hanggang sa dumating kami ng bahay. Agad na lumabas siya't nagmamadaling maglakad para hindi ko siya maabutan.

"Rylai, mag-usap tayo."sambit ko nang mahawakan ko ang kamay nya bago makapasok ng gate.

"Ano'ng pag-uusapan natin? Ayoko ng paulit-ulit Ashton! Sinabi ko na diba? Walang kasalanan si Milo kung bakit ako nalasing no'ng gabing 'yon. What's the point of telling Blaze about it?"galit na sagot niya. "Wala siyang kailangang malaman dahil alam naman nating pareho ang totoo, wala na siyang pakialam sa'kin at hindi na niya ako mahal!"

"Iyan ba ang ikinagagalit mo? Dahil akala mo sinabi ko kay Blaze ang tungkol do'n? Rylai, wala akong sinabi. Ikaw mismo ang nagsabi sa kanya!"

That silenced her. Her forehead formed its frowns while she threw me a questioning look.

"He was with you that night. He's the one who took you home."


----------------------------

AUTHOR'S CORNER:

Oy? Lover's Quarrel? Hahahaha. Rylai naman kasi, ba't mo kinalimutan si bebelab Blaze mo? Hahahaha 

Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon