Blaze
Ashton, kailangan mong sumunod sa inutos ko. Kailangan mong ilayo si Rylai. Iyon lang, magiging okay na ang lahat. Hindi mo kailangang pumunta pa rito.
"Wala kang isang-salita, Drake. Sinabi mo noon na hindi mo na guguluhin pa si Ashton! Sinunod ko lahat ng gusto mo! Hinayaan kong sirain mo ang buhay ko para sa isang kasunduang hindi mo kayang panindigan?"singhal ko sa kanya. "I should have known better. I should have bargained with a man, not with a coward who knows nothing but playing nonsensical games."
Dahil nakatali ang mga kamay ko, malaya niya akong sinakal matapos kong sabihin ýon.
"Wag kang magtapang-tapangan, Azcona. Alam kong natatakot ka na."nanggigigil sa galit na utal niya at saka ako binitiwan. "You say I'm a coward for playing my games? Don't you see the fun in it? Bago ko sinimulan ang laro, inalam ko ang kahinaan niyong dalawa ni Buenavista. Siya—Si Rylai Marquez. You've bargained me for everything, Blaze. Hindi mo namamalayan, pinaguguho ko na ang mundo ni Buenavista sa patagong paraan. Ang sarap panoorin na nasasaktan at dahan-dahang nawawasak si Ashton nang dahil sinasaktan mo ang babaeng mahal niya. Puso niyo ang kahinaan niyo—"
"Malaya mong nasasabi 'yan dahil wala ka namang puso. Hindi mo nasubukang magmahal at walang nagmamahal sa'yo—"
Hinarap niya ulit ako at nilapitan. Nanglilisik ang mga mata niya sa galit habang sinakal niya ulit ako.
"Binabalaan kita, 'wag mo akong galitin dahil alam mo kung ano ang kaya kong gawin."
"Kung buhay ang kailangan mong kapalit para matapos na 'to, ako nalang. 'Wag mo ng guluhin ang buhay ni Ashton—"
"Oh Azcona? Are you hearing yourself right now? Because I'm hearing the same line from you eight years ago. Bargaining time is over. Now, you're asking too much. Stop trying to save everyone. You're not superman, dude."sarkatikong sabi niya. "Matagal niyo dapat pinaglalamayan 'yang walang kwenta mong kaibigan, pasalamat ka at binigyan ko pa siya ng walong taon para mabuhay. Oras na ng paniningil, Azcona. Naiinip na ako. Kapag hindi darating si Buenavista, ngayon palang, magpaalam ka na sa prinsesa mo dahil hindi mo na ulit siya makikita pa."
"Wag na 'wag mong gagalawin si Rylai!"
Nagpakawala siya ng malademonyong halakhak. Sana lang ay nailayo na niya si Rylai. At kung hindi man, sana ay hindi siya nakalabas ng unit. She's safe there and like our residence, I was able to secure the entire place as well. Maraming tao ang madadamay kung naisumbong ko ang tungkol dito sa mga otoridad. Hindi lang ang sarili kong pamilya, madadamay ang pamilya ni Rylai at ang pamilya ni Ashton. It's a domino effect that needs not to happen. Kinakaya ko ang sakit. Sinakripisyo ko ang babaeng mahal ko para sa kaligtasan niya at ng lahat—bagay na kahit masakit ay hindi ko pagsisisihan. Mayamaya pa, nakarinig ako ng pamilyar na ugong sa labas ng bodegang kinaroroonan namin. Nagsilabasan ang mga kasamahan ni Drake sa mafia na pinamumunoan ng pamilya niya. Pinakawalan nila ang lubid na nakatali sa'kin at saka nila ako hinila palabas.
"Maligayang pagdating, Buenavista. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong 'to."salubong ni Drake kay Ashton.
Nakapinta sa mukha ni Ashton ang pagkagitla at takot. I know exactly why because among the many in our racing-circle, I am the only one who knows about Duke's twin. Oo, kambal niya si Duke at siya ang lalaking lumalapit kay Rylai para ipaabot sa'kin ang mga paalala niya noon. Kaya wala akong magawa, kahit na nasasaktan ako para sa amin, itinutulak ko siya papalayo sa'kin.
"The look on your face is priceless. Hindi ako multo, Buenavista. I'm not Duke, but sometimes, I say that I am... lalo na kapag kinakausap ko ang babaeng mahal mo."
Tulad ko, nagkuyom ang mga palad ni Ashton nang marinig 'yon.
"Hindi kailangang madamay ni Rylai dito. 'Wag na 'wag mo siyang gagalawin."asik ni Ashton sa kanya.
"Magkaibigan nga kayo. Parehong-pareho kayo ng linya. Naku-curious tuloy ako. Bakit? Kapag ginalaw ko ba, ano ba'ng magagawa niyo? You're giving me an idea. Paano kaya kong hiramin ko siya kahit isang gabi lang?"
Sinuntok siya ni Ashton nang hindi inaasahan kaya hindi siya nakaiwas. Agad namang nagsilapit ang mga tauhan niya at hinawakan si Ashton. Napahawak naman si Drake sa panga niya at saka hinarap muli ang kaibigan kong namumula na sa galit.
"Was that a yes, Buenavista?"pang-iinis niyang lalo.
"Subukan mong galawin at lapitan ulit si Rylai, wawasakin ko 'yang pagmumukha mo!"
With that stated, Drake indignantly jabbed him on the abdominal.
"As much as I wanted to see myself in that situation, I'm afraid you will not have that chance after tonight. How about we play a game? You see that hill?"Drake paused to flash a grimace. "Of course. And you shouldn't have forgotten that it's the same hill where you killed my brother. If you win and reach the top of the hill, I'm setting your woman free from everything. But if you lose, you know what will happen to her."
Gago ka, Drake! Mamamatay na muna ako bago mo masaktan ang sinuman sa mga mahal ko.
He's paranoid. Alam kong may problema siya sa utak. He has psychological issues since he was a child that is why he lived in the shadows. Hindi na nakapagtataka na ang dami niyang laro na gustong laruin dahil sa kondisyon niya.
"Oh—Hindi nga pala ikaw ang boyfriend ni Marquez. Ano, Azcona? Kalma lang. Wag kang mag-alala dahil kasali ka sa laro. It's now between you and this friend of yours that you've been trying to save for years. If you lose the race, you lose her. If you win, Buenavista will pay for my brother's life."
"Whoever stops. Whoever crosses the wrong path... Boom!"parang nababaliw na saad niya.
But I was so scared because I know everything. I know that my parents life are going to be in danger too. Pero nagawan ko na 'yon ng paraan. But still, I am not going to risk them for anything. Alam ko lahat ng ginagawa niya. Sinabi ni Crystal sa'kin lahat. Speaking of, sana magtagumpay siya sa planong gagawin niya. Si Crystal nalang ang pag-asa ko.
Now, we're in a trap. It's all a trap. Whether I lose or I win, or whether Ashton loses or he wins, none would matter. Either way, Ashton's life is in peril.
_________________________
AUTHOR'S CORNER:
If there's one of them that you really have to choose, to whom will you give your farewell?
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi PenggemarDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.