Chapter 18: Date

3K 75 85
                                    

Rylai

Dahil nagalit ng sobra si Blaze no'ng huling nag-gym ako, lumipat ako ng fitness center kung saan ako nagpahatid kay Ashton. Siguro naman wala na rito ang mga asungot. Malapit na akong matapos sa session ko nang lumapit sa'kin ang gym instructor ko.

"Rylai. Ab Crunch Machine, one more set and you're good to go."Dixter announced and watched me perform the activity.

Just as I was done with my program and was preparing to change my clothes, someone came while Dixter and I were talking.

"I can be your tour guide. I'd be more than willing."saad ni Dixter at saka tumawa.

Napag-usapan kasi namin na bago pa lang ako sa Maynila at hindi pa nalibot ang mga magagandang pasyalan at tourist spots rito sa lugar. Nagulat nalang ako, may biglang humapit sa beywang ko.

"Blaze..."

"Let's go home."pabulong na utos niya.

"Sir Dix. Thanks. I have to go."paalam ko.

Pagdating agad namin sa labas, binitiwan niya ako at nagpatiuna siya sa kotse. Alam kong galit siya kaya pinili kong manahimik. But when I have noticed our speed, I wasn't able to control myself from complaining.

"Wala akong balak magpakamatay, Blaze. Stop the car. Bababa ako."nagtatapang-tapangang sabi ko.

Sa halip ma makinig, mas lalong pinabilis pa niya ang takbo ng kotse.

"Blaze, ano ba? Kung galit ka sa'kin sabihin mo!"

Biglang hininto niya ang kotse at tinapunan ako ng masamang tingin. Hinampas niya ang steering wheel ng kamay niya bago magsalita.

"Ba't ba hindi ka nakikinig sa'kin Rylai?"tanong niyang nagtitimpi lang sa galit.

Naiinis ako ng sobra-sobra sa kanya kaya sinalubong ko rin ang tingin niya. Hindi pwedeng papalambutin ko nalang palagi ang puso ko porket mahal ko.

"Ba't nga ba ako makikinig sa'yo Blaze?"I replied after a few moment.

Matapos kong sumagot ng gano'n, nagkuyom siya ng palad at pinaandar ulit ang kotse. Hindi na siya nagsalita hanggang sa dumating kami ng bahay. Nagi-guilty ako and at the same time, natatakot na baka lalong lumayo ang loob niya sa'kin.

"Blaze..."tawag ko nang pumasok ako sa kwarto niya.

"Leave."

"Sorry. Nakakainis ka kasi eh."

"I said leave."

"Blaze naman. Mag-usap tayo."pangungulit ko.

Hindi niya ako pinansin; nagsuot siya ng headphone at saka naglaro ng playstation niya.

"Blaze."I whispered as I sat beside him and hugged him from his side. "Sorry."

"Hindi mo kailangang magwork-out pa. Sino ba'ng pinagagandahan mo?"tanong niyang lihim na nagpakilig sa'kin. "Rylai, maayos ko namang sinabi sayo dati na 'wag ka ng bumalik di ba?"mahinahong wika niya matapos tanggalin ang headphones.

"I know. Kaya sorry na. Hindi na ulit ako magmamatigas ng ulo."

"'Yong lalaki kanina, 'yon ba'ng instructor mo?"

"Y— yes. Why— "

He threw the console of his play station and clenched his fists.

"The jerk."he murmured.

"I know what you're thinking. No worries, grumpy. Ashton already reminded me those stuff. He taught me how to deal with pervs and anyway, Dixter seemed to be a good guy."

Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon