Rylai
Naging malinaw sa'kin ang lahat. May mafia ring pinamumunuan si tito Jed na siyang kasama ng mga pulis na pinamumunuan no'ng lalaking nakapangalang Cole, na siyang sumugod sa lugar para iligtas sina Blaze at Ashton.
Katulad nina tita at tito, hindi ako mapakali; ni hindi ko magawang maupo lang sa tabi at maghintay sa balitang walang kasiguraduhan. Lumayo ako sa kanila at nakikipag-usap sa kawalan hanggang sa lapitan ako nina Flynn, Milo at Crystal.
"Parang hindi totoo ang lahat."saad ko mayamaya pa. "Parang panaginip lang eh. Hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari sa'kin kapag may nangyari sa kanilang dalawa. I can't lose any of them. Mahal na mahal ko ang dalawang 'yon."lumuluhang sabi ko.
"Alam niyo 'yang si Ash... sobrang kulit no'n nong mga bata pa kami. Pinagbabawalan ako dati ni tita Ashley na kumain ng chocolate kasi nasisira na 'yong mga ngipin ko. Naaalala ko pa nga, sobrang tamad ko magtoothbrush no'n. Ang gusto ko lang gawin ay kumain ng kumain."napatigil ako't ngumiti sa alaalang 'yon. "Tapos, si Ashton naman, magtatago siya ng chocolates sa bulsa niya tapos ibibigay niya sa'kin. Napalo nga siya minsan ni tita nong mahuli siya. Pero proud na proud sa kanya si tita no'n. Dahil kay Ash, nagto-toothbrush na kasi ako, kapalit ng pagkuha niya ng candies at chocolates para sa'kin. We were just seven years old back then. Tapos no'ng kunin na ako ng tita Pauleen ko, iyak ng iyak si Ashton no'n."
"Para na nga talaga kayong tunay na magkakapatid sa sobrang lapit niyo sa isa't isa."pahayag ni Crystal na nagpupunas ng pisngi niyang basa ng luha. "Kaya naman hindi talaga maiwasan ni Blaze na magselos."she paused and smiled at me. "Kahit masakit sa'kin, palagi ko siyang tinatanong dati tungkol sa'yo... tungkol sa inyo. Sa tuwing binabanggit niya 'yong pangalan mo Rylai, kumikislap 'yong mga mata niya. It made me silently wish that I was you. Pero kahit magaya ko pa ang lahat-lahat sa'yo, walang makakapalit sa'yo sa kanyang puso. Sobrang mahal ka niya, Rylai."lumuluhang wika niya.
"Blaze. Alam kong iba siya magmahal kaya nga ni minsan hindi nabaling sa iba 'yong pagtingin ko. Sa mga mata ko, kahit kitang-kita ko ang mga mali at kahinaan niya, he is still so perfect to me. Alam mo, kung nakakayaman ang pagseselos, mabibili na ni Blaze 'yong mundo. 'Yong pinaka-hindi ko makakalimutan talaga ay 'yong..."I paused to smile at the reminescence. "Buong araw niya akong ayaw kausapin no'n tapos alalang-alala na ako kung paano ko siya lalambingin. Hanggang sa hindi niya sinadyang masambit... Selos na selos siya sa asong binili niya sa'kin."
—-
"Grumpyyyyy. Talk to meeeeee."pangungulit ko sabay hablot sa kanya ng mouse.
Naglalaro siya ng Dota at dahil alam kong ayaw niyang naiistorbo sa tuwing naglalaro, napangiti ako ng agawin ko ang mouse dahil tiyak ko no'n na magsasalita na siya. But what he did was he stood up, went down to my bed and played with his phone instead. He's still not talking to me!
"Azcona, kakausapin mo 'ko or palalayasin kita."pananakot ko pa.
Hindi siya natinag. Ni para nga siyang walang narinig. Dahil hindi naman gumana ang paggagalit-galitan ko, nilapitan ko nalang siya't niyakap. Ganito 'yong turo sa'kin ni Ashton eh. Kapag daw mahal ka ng tao, isang yakap mo lang daw, lalambot na agad ang puso.
"I love you, grumpy."I whispered and kissed him on the cheek. "I love you."pagpapapansin ko sa kanya habang patuloy siya sa paglalaro. "I love you, grumpy."bulong ko ulit at saka siya niyakap ng mahigpit.
Humarap siya sa'kin at hinagkan ako sa noo. Parang natunaw ang puso ko sa sobrang sarap ng pakiramdam. Hindi nga niya ako matiis kasi totoong mahal niya ako.
"Kiss mo 'ko."parang bata na utos niya sabay turo ng labi niya.
"Ayoko nga."pang-aasar ko naman.
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.