Chapter 13: Waiting

1.1K 25 28
                                    

Troy

Absent na naman si Miracle. Tss. Kaya naman inaantok ako ngayon sa klase kasi wala akong nakikitang maganda sa paningin. Bago natapos ang class session, lumabas na ako para umuwi. Nadatnan ko sina Rig at Zane na nakaabang sa parking. Tss. Lakas ng mga radar nitong mga kumag. How did they even know I'll skip class?

"Oyyyy Zane! 'Asan ng 5K mo? Andito na si Troy. Labas mo ng pera mo bago pa magkabunotan ng baril rito."maingay na sabi ni Rig.

Ano 'to? Pinagpupustahan nila ako? Itong si Rig talaga, lahat nalang pinupustahan. Tsk.

"Sabi sa'yo eh."saad niya matapos kunin ang perang inabot ni Zane.

"Ikaw naman kasi Zane, ba't di ka pa natuto sa kabaliwan niyang kasama mo? Nadukutan ka pa tuloy."sermon ko sa kanya.

"Well dude... Thanks for being here. You just saved me from death. Wala na akong pera eh. Naka-freeze ang cards ko. Wala narin akong kotse. So, sa inyo na muna ako."pasimpleng wika niya na para bang nanghihingi lang ng piso.

"Naglayas ka?"sita ko.

"Nope. Pinalayas na ako ng mga mababait kong magulang."paliwanag niya. "So? Sino sa inyo ang aampon sa'kin?"

Nagkatinginan kami ni Zane.

"Gago. Ninakawan mo na 'ko ng limang-libo. Isama mo na 'yan sa inyo, Troy. Patabihin mo sa German Dog niyo. Haha."

"Mamatay ka na Zane."

"Mamamatay akong may pera at kotse. At may uuwian din ako. Ikaw Rig?"ganti ni Zane rito.

"Well, wala akong pera at kotse. Walang uuwian pero hindi ako mamamatay."

"Mga gago. Tumahimik nga kayo. Mabuti pa tulungan niyo 'kong hanapin si Miracle."

"Sure. 10K."sagot agad ni Rig sabay ngisi.

"Hampaslupa. Umuwi ka sa inyo. Humingi ka ng tawad sa magulang mo. Gago 'to."bulyaw ko rito.

Nagkamot siya ng ulo at saka itinuon ang atensiyon sa phone niya.

"Yay. I found something."he exclaimed afterwards.

"What's that?"I immediately asked when my instinct said it's about Miracle.

"Money down first. 5K."

"Hey Zane? If I'll kill this jerk here, do you think somebody would miss him or even look for him?"

"No. I doubt it. Nobody cares about him dude."

"Mamatay na kayo."Rig cussed and handed me his phone.

On the screen is a picture of Miracle and Sven inside a car. Naka-down ang window ng kotse kaya kita ang mga mukha nila sa larawan.

"Sa'n mo nakuha 'to?"I asked him.

"I'll tell you. 2K."

"Isa nalang Rig. Babasagin ko na 'yang mukha mo."

"Ang yaman-yaman tapos ang kuripot. 2K lang 'yan eh!"reklamo pa niya.

"Anong mayaman? Magulang ko lang ang mayaman, hindi ako. Sa'n galing ang picture na 'yan?"

"I don't know his source, man. But he hired someone to stalk Sven. Bading 'yan eh."si Zane ang sumagot.

"100 thousand. Para sa matinong kausap."naiinis na sabi ko.

"Dude, Zane is telling you the truth except the last part though. Sine-send ko kasi kay Heather 'yong mga picture ni Sven na may kasamang ibang babae."pag-amin niya.

"What? Are you serious? You can't like Heather! She's a pain in the ass, dude."

"Ano'ng magagawa ko? Tinamaan na ako ng lintek."

"Eh paano 'yan? Patay na patay 'yon kay Sven? Kahit anong paninira ang gawin mo, wala kang mababago. Obsessed na nga yata 'yon eh."pagbibiro kong may halong katotohanan.

Lumukot naman ang mukha ni Rig nang sabihin ko 'yon.

"It's okay, bro. Hindi ka nag-iisa."Zane muttered while looking dreamily at a distance.

Nang sundan ko ang direksiyong tinitingnan niya, nakita ko si Devi na kasama si Nixon. Magkahawak pa ang mga kamay nila.

"Yang magkaibigang 'yan, mukhang nananadya."sambit ni Rig na parang bata. "Nasa'n na ang 100K ko, Troy?"

"Asshole. Heto ang susi ng kotse. Hintayin mo si Heather. At pagdating ng bahay, 'wag kang magkakamaling tumambay sa kwarto ko."asik ko sa kanya. "Zane, give me a ride."

"Sure, man."

Naiwan si Rig na kahit walang pera eh nakangiti na parang sira. Seryoso ba talaga siyang gusto niya si Heather? Parang sinabi lang din niyang gusto niyang magka-cancer. Swear, sakit sa ulo ang kapatid kong 'yon.

"Are you going to find her?"Zane asked while he drove me towards the address I gave him.

"No. I'm going to wait for her."

"Oh."he muttered after checking the address.

He realized we're going to Miracle's place. Zane drove away immediately after he dropped me off. Sinalubong naman ako ni Kuya Julian at pinagbuksan ng gate.

"Sir Troy, magandang hapon. Kung si maam Mira ang sadya niyo, hindi pa siya nakauwi."

"Oo nga eh. Hihintayin ko nalang. Si? Si tita ba nasa loob?"

"Sa tingin ko. Hindi ko kasi nakitang lumabas. Pasok nalang po kayo sa loob."

When I got in the house accompanied by one of the household helpers, I found tita Ry reading a book on the couch. But when she saw me, she immediately stood up and welcomed me.

"Good afternoon tita."

"Hello dear. You're growing so fast. You're taller than last time I saw you."she commented after giving me a quick hug.

"Tita naman. Last week lang tayo huling nagkita."

"I'm serious. You grow too fast. Uhm... are you with your mom?"she asked and even checked the doorway if someone was with me.

"No. I came here alone tita."

"Oh. You're here for Miracle. She went out with Sven. Ipinagpaalam siya ng kaibigan niya na ipasyal bago umalis ng bansa."

Who's leaving the country? I frowned at her statement and I saw tita tapping her forehead.

"I thought your mom has told you already."she muttered.

She didn't. But I once overheard mom talking with dad about someone going out the country. I didn't know it's Miracle.

"I am still thinking about it. I just want her to learn her lessons. Pero mukhang walang nagbabago. Tinatanggap lang din niyang pinapaalis ko siya. All I wanted to hear from her is her sorry. I wanted to hear her side of the story but she's not opening up."

"I will talk to her tita."

"Thanks Troy. I've heard you're also having hard time dealing with her. You used to be good friends back then. Naaalala ko pa nga, inaabangan noon ni Mira ang kotse niyo. Hinihintay niya lagi 'yong pagdalaw mo."nakangiting pagbabalik-tanaw niya. "I missed that old sweet daughter of mine."

Kahit ako. Nami-miss ko 'yong babaeng nangungulit sa'kin sa text, tawag at chat. Lahat ng meron sila ni Sven ngayon, ganyan kami noon. I was the one she entrusts all her stories. I was supposed to be the one who spoils her.

But I deserve this anyway. She used to be so kind to me and I just took it for granted. Who am I to complain?

---

Author's Corner:
Ganyan talaga ang buhay Troy, kapag pinakawalan mo, siguradong may aangking bago. Kapag nagkamali ka, kailangan mo ring magbayad. Ang buhay kasi, parang utang yan eh. Sisingilin ka pagdating ng bukas. 

Ang dami kong ka-echusan! Hahaha. Parang hindi lang nagkaka-writer's block. Nasa middle na ako ng kwento pero nastuck ako do'n. Itong chapters na ina-upload ko ngayon, last year ko pa naisulat 'to.

Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon