Miracle
Weird. Hindi nagpakita si Sven sa'kin ngayong araw. I also texted him this morning but he didn't bother to message me back. Bahala nga siya. Nang uwian na, naglakad ako mag-isa papuntang parking space habang kino-contact ko si daddy.
"Ooops!"someone shrieked and grabbed me by the waist.
Napatigil ako. O, katangahan Miracle. Focus sa paglalakad, ‘di sa phone. Muntik pa akong makabangga ng tao.
"You're still alive. I didn't know."I sarcastically remarked when I looked at Sven whose arm is still around my waist.
"Mahal kong kulot, sa'n galing ang kasungitan mo?"nakangiting wika niya na binalewala lang ang sinabi ko.
"Ano'ng nakain mo hoy? Di na pala uso mag-reply these days ano?"pagpaparinig ko habang iginigiya niya ako papunta sa kotse niya.
"Sorry naman, babe. Nagpapa-miss lang eh."
"Nagpapamiss mo mukha mo."
"Na-miss mo 'ko?"tanong niyang nakangiting aso pa.
"No."I replied quickly.
Ayun, natahimik. Lihim naman akong natawa habang pinapanood ko ang nakabusangot niyang mukha. Pinagbubuksan niya ako ng pinto no'n nang biglang dumating si Nix.
"I need to hitch a ride."aniya.
Then, without my intention, my eyes were pierced to Devi who's now with Zane.
"Hoyyy Nixon! Wala ka ba talagang balak na kausapin si Devi? Ano ba kasi'ng nangyari do'n sa park para magkatampuhan kayo ng ganito?"usisa ko ng makalabas na kami ng campus. "Nakwento sa'kin ni Troy, muntik palang naging sila ni Zane noon."pagpaparinig ko para magselos siya pero ang kumag wala man lang reaksiyon.
Sekreto naman akong sinaway ni Sven sa pamamagitan ng paghawak niya ng kamay ko. Tinapunan niya rin ako ng makahulugang tingin.
"Bahala ka nga Nix. Ikaw din. Basta ba, 'wag kang magsisisi kapag pinapangiti na siya ng iba."pagpapatuloy ko na nagpakamot kay Sven.
"Dude, dito nalang ako."wika ni Nix at agad na bumaba ng ihinto ni Sven ang kotse. "Mauna na ako, bata."paalam niya at saka sinara ang pinto.
"Ang tigas talaga ng ulo mo ano?"Sven began when he revived the engine of his car.
"What?"
"Pinatigil na kita tapos di ka nagpaawat."
"Eh kasi naman... alam mo na. Kapag sinasabi kasing 'wag gawin, ginagawa ko diba?"sagot ko sabay kindat.
"Kasi abnormal ka."
"Grabe ka. Di naman."
"Brainy, 'wag kang ma-iinlove sa'kin."he said out of nowhere.
"What? Sure!"
"Akala ko gagawin mo 'pag sinabing 'wag gawin eh. Sinungaling."
I tried to hide it but my smile just won't stop showing up. Tss. Tinatraydor ako ng mga muscles sa katawan ko!
"Buti naman di ka sinubukang yayain ni Troy na ihatid. Masasapak ko 'yon."saad niya mayamaya pa.
"What's that supposed to mean?"
"Inaagawan niya ako eh."
"Ano?"
"Puro ka tanong. Mahal nga kasi kita at nagseselos ako."sagot niyang nagpatahimik sa'kin. "Anyway, okay na sina mommy't daddy?"
Oh. They're trying to look fine in front of me but I can still see the changes in dad's action. Nasanay ako na inaasar at kinukulit niya si mommy. These days, masyado siyang seryoso. Nakakapanibago nga eh.
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.