Rylai
I stayed in his embrace for a longer while—feeling the joy and security being in his arms. I'm just really so blessed that among the billion people, he was sent to be my bestfriend.
"Kanina ka pa diyan, Blaze?"tanong ni Ashton na nagpabalik ng ulirat ko.
Agad na napabangon ako. Nakatayo siya sa may pintuan ng cottage, nakatitig sa'min—sa'kin.
"Ah—Yayayain lang sana namin kayong kumain. Sorry. You seemed to be enjoying each other's company. Mauuna nalang kami."he said without pauses and then immediately went off.
"Where were we again?"he asked trying to act like Blaze was never in the room earlier. I know he doesn't want me to be affected about anything that concerns him. "Mabuti pa Lai, mag-kayak tayo. Tara!"he cheerfully suggested.
"Let's go!"I replied levelling with his energy and cheerfulness even though I'm feeling sad deep within.
Habang nakasakay ng kayak, pareho kaming may hawak na paddle kaya lang ay paikot-ikot lang kaming dalawa at hindi tumatakbo ng tuwid 'yong bangka na sinasakyan namin. Hindi kasi nagkaka-syncronize 'yong pag-paddle namin. Ang loko naman tawa ng tawa. Tuwang-tuwa lang talaga siya kapag mali 'yong mga ginagawa ko. Tss.
"Hoy, sira-ulo! Turuan mo 'ko ng tamang pag-sagwan!"
Hindi siya tumigil sa kakatawa hanggang sa maisip kong bitawan 'yong paddle at nahulog sa dagat. Hindi niya 'yon napansin hanggang sa tumagilid na kami. Nagpanic siya samantalang ako naman ang tawa ng tawa. When he turned to look at me, we both exactly fell to the water. Quickly, I clang my arms around his neck.
"Why didn't you tell me you let go of your paddle?"sita niya samantalang tinatawanan ko parin siya. "Ano nga ulit 'yong nakakatawa, Lai?"sarkastikong tanong niya.
"Wala. Trip ko lang tumawa. Haha."
"Ganda ng trip nito."sambit niya nang nakangiti narin. "Sana ganito ka lang lagi, Rylai. Ang gaan sa pakiramdam ang makita kang nakangiti. Ang sarap pakinggan ng halakhak mo."
Sumeryoso ako nang sabihin niya 'yon. Kahit ako rin naman, nami-miss ko ng marinig ang lutong ng pagtawa ko. Napapagod na ako sa sakit. Gusto ko na ring maging masaya. But I know that until Blaze is still not fully out of my system, I wouldn't be completely happy. But I'm striving. At times, I forget the pain and heartaches he's caused me when I'm with Ashton.
"You're the reason for these. It's you who makes me laugh. It's you whom I smile about. Kaya... thank you."I stated and hugged him. "I don't know what I'd be like without you Ashton."
As much as possible, iniiwas ako ni Ashton kay Blaze at Crystal. Kaya lang ay gusto namang mang-asar ni Crystal. Palagi siyang lumalapit at sumasabay sa'min. Kaya ngayon, magkasabay kaming kumain for dinner.
"Oh— this fish fillet has wheat."utal ni Blaze sabay tingin sa'kin.
"And so?"mataray na tanong ni Crystal.
"No worries. Mag-oorder nalang ako ng ibang pagkain para sa'kin."sabi kong nagpatango kay Blaze.
Dahil do'n, tinapunan siya ng masamang tingin ng fiancee niya. May allergies kasi ako sa wheat kaya nga hindi ako kumakain ng pizza maliban sa mga gluten-free ones.
"I have an idea."Crystal announced when we're almost done with our dinner. "Let's have the spicy noodle challenge this midnight."
Tumingin ako kay Ashton. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan na siya ni Blaze.
"Crystal, bawal sa maanghang si Rylai."
"Y'ah. Sorry."I confirmed.
Nailang ako ng sobra habang kumakain kami, kulang nalang kasi literal na tusukin ako ni Crystal ng tinidor niya. Hindi rin ako mapakali dahil panay ang tingin ni Blaze sa'kin. Mabuti nalang, palaging pinapaalala sa'kin ni Ashton ang mga bagay-bagay. Hinahawakan at pinipisil niya ang kamay ko kapag nararamdaman niyang hindi ako kumportable.
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.